Naghanda ng maliit na salo salo ang pamilya para sa selebrasyon ng ika-18 na kaarawan ni Juan. May spageti, pansit, palabok, lechon, macaroni salad, chicken joy, juice na nasa malaking lalagyan na my nkasabit na maliliit na baso(ano ba tawag dun) at pastel. Marami rin ang pumunta sa kaarawan ni Juan. Ung iba ay di nila kilala. Ganon tlga ata ang tradisyon dito sa Pilipinas.
at may biglang liwanag na lumitaw sa kalagitnaan ng selebrasyon ng kaarawan ni Juan.
Nanay ni Juan: si Bathala.
Bathala: Oo ako nga. Maligayang kaarawan sau Juan.
(kumain muna si Bathala bago nya sabihin ang kanyang sasabihin.)
ng matapos kumain si Bathala....
Bathala: Painom muna.
(sorry..pagkatapos uminom ni Bathala)
Bathala: Uy my Macaroni Salad.
(tagal naman)
Bathala: Wait lang ha!!!
(ok take ur time na nga)
Juan: Sinong kausap nya inay.
Nanay ni Juan: Baka ung tgapagsalaysay.
Bathala: Ok. Ngaung tapos na ko kumain at uminom at kumain ng palamis, oras na para ibunyag ang sumpang dala ng iyong pamilya Juan...
Juan: Ha?Anong sumpa?panong my sumpa?
Tatay ni Juan: Oo Juan my sumpa ang ating pamilya...dumadating ito tuwing sasapit ang ika-18 na kaarawan ng lalaking parte ng ating pamilya. Dahil lalaki ka anak, ikaw na ang susunod na mgmamana ng sumpang ito.
Juan: anong sumpa iyon?Masakit ba yan?
Natigil ang lahat ng my biglang pumutok. Boooom!!!
isang Bisita: ANo un?
Bathala: Sorry andami kc nkain..Ok ako nalng ang mghahayag ng sumpa...
(Ano kaya ang sumpang ito. SaAN hahantong ang istoryang ito. Abangan ang susunod na kabanata sa The Adventure of Juan Tamad and the 7 Dwarfs)