O-Over Her

9.3K 313 6
                                    

ILANG BESES nang kinakatok si Keit ng kanyang ina ngunit nanatili siyang bingi. Kalaunan ay sumuko na rin ito nang mapagtantong ayaw niyang makipag-usap. Alam niyang hindi dapat siya nag-burst out nang ganoon. Mali iyon. Ngunit nang kampihan nito ang lalake ay tila nalaglag ang puso niya. Buong buhay niya sila lagi ang magkakampi. Buong-buhay niya ito ang lubos na sumusuporta sa kanya. Bakit pakiramdam niya, bigla nalang siyang naiwanan kanina?

Nakadapa lang si Keit sa kanyang kama habang kinagagalitan ang sarili. At some point, aware siya sa kamalian ngunit ang pride ay ayaw siyang tantanan. Mas lalo pa siyang nagagalit, hindi para kanino, kundi sa sarili, sapagkat alam niyang ni wala naman talagang ibang ginawang mali si Trex mula nang una silang magkita. But the shame is too powerful than her guilt. Hindi niya malaman kung paano i-ja-justify ang mga namutawing salita kanina.

Buong maghapon na siyang nakakulong sa silid at nagmumukmok. Hindi pa rin nakakapag arelo sa sarili. Hindi rin makapagtrabaho. Isang buong maghapon niyang nilamon ng overthinking. May mararahang katok sa pinto na nagpatigil sa buhos ng kaisipan ni Keit. Tila nanantya ang mga katok na iyon. Mahina ngunit sapat lang para marinig ng dalaga. Hindi siya nagsalita at hinintay makarinig ng boses. Hindi pa rin ba sumusuko ang kanyang ina? Sinilip ni Keit ang oras sa cellphone niyang palowbat na rin. Pasado alas nuwebe na.

"Keit? Can we... talk?"

Napaangat ang mukha niya sa pagkakasubsob nang marinig ang malambing ngunit baritonong boses ng isang lalake. Trex? Hindi pa rin ito umuuwi?

Napamura si Keit ng mahina. Ano bang tingin nito sa bahay nila? Hotel? Bahay-bakasyunan? Umupo siya sa kama at hinintay kung anong susunod na gagawin nito.

"Gusto ko lang magpaliwanag. Alam kong wala kang pakialam sa opinyon ko, pero totoo itong sasabihin ko. So please, listen. It was not my intention to bring chaos in your house. Hindi ko naisip na mapag-iisipan ng masama ang napapadalas na pagpunta ko rito sa inyo. Pasensya na kung nakakagulo ako sa inyo. Sorry. " Nanatiling nakatutok ang mga mata niya sa pinto.

"Keit? Tulog ka na ba?" Tumigil ito at naghintay ng reaksyon mula sa kanya. Tanging nakakabinging katahimikan ng gabi ang sumagot rito.Narinig niyang napabuntong-hininga ito. "Tulog na nga ata." Nakarinig si Keit ng ilang kaluskos at paggalaw. Maya-maya pa ay mahihinang hakbang ang nasagap ng kanyang tainga.

Totoo ba? Dapat ba siyang maniwala rito? Bakit hanggang ng mga oras na iyon ay naroroon pa rin ito? Tumayo si Keit sa kanyang kama at nagtungo sa pinto. Mahinang binuksan niya ang pinto. Wala na ang lalake.

Lumabas siya ng kanyang kwarto. Nakasuot lamang siya ng pink na ternong pajama. Walang pag-aalinlangang sinundan niya ito. Nagbabakasali na maabutan pa niya ito. Ipit sa pagitan ng pagnanais na kagalitan ito at pakinggan kung ano pa mang maidadahilan nito sa pagdating nito sa bahay nila sa araw na iyon.

Bumaba si Keit ngunit wala ito sa kusina o kahit sa sala. Marahil ay natulog ito sa bakanteng kwarto roon. Marahil ay dapat bumalik na siya sa kanyang silid. Paalis na sya nang madako ang tingin niya sa terrace. Natigilan siya nang makita ang likod ng lalake. Nakasandal ito sa railings kung nasaan siya noong isang gabi at nakayuko. Bahagyang magulo ang buhok nito at suot pa rin nito ang damit nito kanina.

Naikuyom niya ang mga kamao kasabay nang paglalakad niya patungo rito. Mahina at mabagal na hakbang ang pinakawalan niya. Hinayaan niyang mapagmasdan ito nang mabuti. Sa hindi niya maipaliwanag na kadahilanan ay ramdam niya ang unti-unting pagbabago ng pacing ng tibok ng kanyang puso.

Teka? Why is this bothering her more than it should be? She's not the one staying uninvited at someone's house!

Tumigil si Keit ilang metro mula rito. "Nandito ka pa?" untag niya. Gulat na nilingon siya ni Trex. Nanatiling seryoso ang mukha ni Keit. Though, she must admit that for some reason, he looked delightful under the moonlight. Para bang binayaran ang buwan para bigyan ito ng spotlight.

Captured (BS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon