S-Spend

9.8K 309 7
                                    

MAG-IISANG LINGGO na ang lumipas mula nang makapag-usap sina Keit at Trex. Nagkausap at nakapag-ayos naman ang dalaga sa ina. Ngunit hindi na niya muli pang nakita si Trex. Isang linggo na ngunit hindi na ulit bumisita roon.

And here she thought he'd actually drop by just as he said so. Damn, there's definitely wrong with how her mind is wired lately. Hindi naman dapat siya nag-eexpect ng kahit ano. Whether or not he stick with his words, is none of her business. Hindi nga ba't siya itong aligagang aligaga na sipain ito palabas ng bahay nila sa bawat pagkakataon na naroon ito?

Moreover, he did not say anything about visiting again too soon. Maybe he was busy. He's running their business. He might be dating somewhere like the second time she saw him.

What a fucking asshole... huh? What's so asshole with that if he dates? Karapatan niya iyon, Keit. The fuck is wrong with me?

Bumuntong hininga si Keit at nailing. Pagod lang siguro ito. She picked up the basket nearby. She had to pick up some notebooks and new set of drawing materials. She took her time looking around. Hindi rin naman nagtagal ay nakumpleto niya ang kailangan,. Papunta na siya sa counter upang magbayad nang mapasulyap sa isang shelf doon na punong-puno ng mga libro.

She slowly walked as he checked out the books. Nakahiligan din niya ang magbasa ng mga libro. Sa kasamaang palad, madalas siyang abala sa trabaho, kaya't hindi na niya nabalikan ang hilig na iyon. Ilang buwan na ba ang lumipas mula noong huling nakatapos siya ng libro?

Kahit ang cabinet niyang napupuno ng makakapal na libro ay hindi na muli pang nadagdagan. She tilted her head and stopped at a particular book. Makapal iyon na binubuo ng dalawang libro.

"Excuse me po." nahihiyang wika ng isang babaeng may mahabang buhok. Tingin niya'y naglalaro lamang sa late teens to early twenties ang edad. Kasunod nito ang isa pang babaeng nakahawak sa kamay nang sumingit sa gilid niya.

"Nandito na!" tuwang-tuwa ani ng isa. Naghahagikgikan pa ang dalawa habang kumukuha ng tag-iisang bundle ng librong kanina lang ay tinitingnan niya.

"Teka, teka. Dahan-dahan baka magasgasan yung cover."

"Dodoblehin ko ng plastic cover ito mamaya. Excited na ko! Ang tagal kong hinintay at pinag-ipunan ito!"

Wala sa sariling napangiti si Keit habang pinagmamasdan ang dalawang patungo na sa counter. Ganoong-ganoon din siya noon e. Hirap pa sya noon makabili dahil wala siyang gaanong pera. Kaya naman ingat na ingat siya sa mga nabibiling libro. Kapag birthday niya, wala siyang ibang gusto kundi maregaluhan ng libro. It must be so good to come back to the things that brings you joy.

She touched the bundle of books and ponder on it for a moment. Gusto niyang bilhin ang libro kahit pa hindi niya alam kung kailan pa siya magkakaroon ng pagkakataon na basahin iyon. She flipped the book to look at the price tag. Surely, she would still have enough money to-

She frozed looking at the price tag. "Six thousand?" She flipped the book again to read the cover. "This costs six thousand..." Naningkit ang mga mata ni Keit. Tinitigan ng mariin ang price tag na tila ba mawawala ang isang zero doon. Few minutes more, she let out a deep sigh and put the bundle back to the rack.

Adulting would really question your purchase ability. Like when you know you have the money but woudn't go on spending around because at the back of your mind... you know you have far more important things to set your money for.

With a pained heart she walked away. Dumiretso siya sa counter upang mabayaran na ang binili. Pumila siya panandalian. Mabilis lamang ang pag urong ng pila kaya naman wala pang limang minuto ay nasa counter na siya.

Inilabas ni Keit ang credit card upang bayaran ang mga binili. The cashier was already bagging her purchases when all of sudden a bundle of awfully familiar books came in sight.

"Miss, pakisama sa mga binili niya."

Marahas na napalingon si Keit sa baritonong tinig at natagpuan sa kanyang tabi si Trex. He handed the cashier his bright and metallic-like card. Keit was taken aback when he finally turned to her.

Napakurap kurap pa ang dalaga bago nagsalita. "W-what are you doing here?"

He smiled. "Hi, Keit."

Captured (BS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon