Her Side
Umalis ako ng walang paalam. Ayoko nang magtagal dahil baka lumuhod ako sa harap nya at magmakaawang balikan nya ko. Ayokong maging kaawa awa sa paningin nya.
Hindi ko alam ang mararamdaman sa mga panahon na yon. Sa ilang minuto na nakita ko sya, ang tanging nagawa ko lang ay ang manginig ang aking buong katawan. Namiss ko sya! Ayun ang katotohanan.
Nakakainis isipin na sa muli naming pagkikita ay mamahalin ko pa sya lalo ng higit sa pagmamahal ko sa kanya dati.
Kier Justine Atienza. Anong meron ka na wala sa iba? Mukhang mahihirapan akong kalimutan ka. Mahihirapan ako na makapag move on.
Hindi ko alam kung bakit minahal kita ng sobra, na halos wala na akong tinira sa sarili ko. Kanina habang kasama kita, nakita ko na wala ka na talagang pakelam pa. Huli na yon. Huling huli na yon at aabante na ko sa buhay ko.
Haharapin ko ito ng hindi kita kasama. Ng wala ka, walang Kier sa buhay.
His Side
Nang naamoy ko ang kanyang mabangong buhok. Nang naamoy ko ang kanyang pabangong hindi masakit sa ilong. Ng nakita ko sya doon ko naramdaman ang kawalan nya. Namiss ko sya ng sobra. Namiss kong makatabi sya, namiss kong titigan ang kanyang dimples na pagkalalim. Namiss kong makipagtawanan sa kanya at makipag biruan.
Kasundo ko sya sa lahat ng bagay. Kasama ko sa kalokohan at nasasabayan nya lahat ng biro ko. Pag minura ko sya mumurahin nya din ako. Hindi sya maarte. Simple syang babae ako lang talaga ang may problema kaya nagkahiwalay kami.
Pero kahit na gustong bumalik ng puso ko sa kanya, hindi na pwede. Kailangan kong panindigan ang naging desisyon ko. Hindi ko na kailangan pang bawiin. Lalaki ako, mataas ang prinsipyo at mataas ang pride. Hindi ko dapat baliin yon at kailangan kong panindigan ang aking mga desisyon.
Kasalukuyan kong binabasa ang kanyang sulat na inipit sa box ng sapatos na regalo nya sa akin. Tumulo ang luha ko, napakabuti nya. Ayoko na syang saktan.
" Dre ano yan. Cake? Penge " ungot sakin ni Gelo nang makita nya akong naglapag ng mga regalo sa lamesa ng dorm namin.
" Oo lika kaen tayo " pinaghanda ko sila. Umupo na din si Glench sa tabi namin.
" Kanino to galing? Kay Kei? " walang ulirat nilang tanong sa akin.
" Oo " malamya kong tugon.
" Nagkita kayo? Anong nangyari? " mga tsimoso!
" Wala " sagot ko nalang dahil tamad akong magkwento.
" Ano yan? Sapatos? Buksan natin. Sukatin mo " anyaya nila sa akin ng makita nila ang kahon.
Mga gago talaga. Nauna pa sakin na magbukas. Teka! Baka masayang yung pera nya. Baka hindi ko kasya. Kasi yung una nyang binigay sakin na penshoppe na damit eh muntikan ng hindi magkasya. Natawa pa nga ako sa kanya non kasi iniwan nya yung tag price at resibo para daw pag di ko kasya ibabalik nya.
" Astig. Under Armour " manghang sabi ni Gelo. Sinukat nya pa.
" Tss di ko kasya " angil nya.
" Tado ka kasi sukat kay Kier yan. Feeling mo naman ikaw yung binilan " singit ni Glench.
" Kina nga. Susukat ko " kinuha ko ang sapatos at sinukat. Nice!! Kasyang kasya. Mukhang sinukat talaga sa akin ah. Tss. Ang ganda talaga ng taste ng babae na yon.
Sa kalagitanaan ng pag aasaran namin ay nakatanggap ako ng text mula sa kanya.
Kadie
Ah eh. Hi? Kasya ba yung sapatos? Last text! Tinanong ko lang, tsaka nagustuhan mo ba?
Umoo ako sa tanong nya. Oo nagustuhan ko talaga. Nagpasalamat na din ako.
At sa huli ayun na yung huling text nya. Pinanindigan nga nya yung sinabi nya. Hindi na din ako nag abang na magtetext pa syang muli. Alam ko sa mga panahon na to eh nasasaktan sya. Umiiyak din siguro. Gusto ko man syang patahanin hindi ko magawa. Hindi ko alam kung paano.
Gusto ko na talagang maging malaya. Gusto ko ulit maranasan ang freedom. Ayoko na muna kasi na may iniintinding ibang tao. Hirap din akong pagsabayin ang pag aaral at ang lovelife, lalo na pinepressure ako masyado ng parents ko. Mataas ang expectation nila at ayokong masira yon.
Her Side
Napanatag ako ng nalaman kong kasya pala sa kanya. Mabuti nalang at hindi ako nagkamali sa mga panahon na to. Nagtataka kayo kung bakit ko pa sya binigyan ng regalo kahit na iniwan na nya ko?
Akala ko kasi kapag ginawa ko yon eh babalikan nya ko. Na baka magbago yung isip nya. Pero mukhang mali. Mukhang papanindigan nya talaga. Sabagay, sya nga pala yung taong may isang salita. Hindi papalit palit ng isip. Hindi tulad ng babae. Nag i-stick sila sa decision nila.
Muli tumulo na naman ang aking luha. Hanggang sa nakatulog nalang ako ng hindi ko namamalayan. Paggising ko sa umaga ay nakatanggap ako ng tawag mula sa aking kaibigan. Nag yaya syang mag apply sa isang modeling agency. Kung interesado daw ba ako. Humindi ako sa kanya dahil wala akong panahon. Baka hindi din ako makarampa ng maayos. Sinabi nyang tawagan ko nalang sya pag nagbago na ang akong isipan. Umoo nalang ako.
" Girl " takbo sakin ni Shiela ng nakita nya akong papasok sa school. Magpapapirma nalang kami at bakasyon na.
" O bakit? " walang gana kong tugon sa kanya.
" Wala lang. Nabalitaan kong hindi mo daw tinanggap ang offer ni Logan? Sayang naman yon. Andun na eh. Kung ako siguro yun nako baka nagpresinta pa ko. Eh diba nga pangarap mo yon? " dirediretso nyang sabi.
" Hayaan mo na, baka hindi lang talaga para sa akin yon " dumiretso na ko sa registrar ng school. Sumunod naman sya at pinaulanan na naman ako ng tanong. Chismosa!!
Lumipas ang buwan, hindi pa din ako nakakapag move on. Mahal na mahal ko pa din sya. Umiiyak pa din ako gabi gabi at araw araw na umaasa na babalik sya. Ngunit mukhang nagmumukha lang talaga akong tanga. Naghihintay lang ako sa wala. Pinapagod ko lang ang sarili ko na mag abang. Parang sa pagsakay ng jeep, nag aabang ako sa hindi nya dinadaan kaya hindi ako nakakasakay. Hindi ako nakakaabante dahil naghihintay ako ng susundo sa akin.
BINABASA MO ANG
My Other Half
Short StoryKulang ako. Nawala na yung kalahati ko. Asan ka na? Hinahanap hanap kita.