Stage 3

3 0 0
                                    

Her Side

Isang taon na ang nakalipas. Nakakapagod. Isang taon na din pala akong umaasa. Oo hanggang ngayon tanga pa din ako sa pag ibig sa kanya. Bulag na babalikan nya ko. Na muli nya kong susuyuin at sasabihing bumalik na ko sa kanya. Natatawa na naiinis ako sa sarili ko kapag naaalala ko na ako na nga ang iniwan ngunit ako pa din ang naghahabol. Iba sya, pag ayaw na nya ayaw na talaga.

Pinagpatuloy ko ang aking buhay, isang taon na wala sya. Na walang Kier Atienza sa buhay ko. Hindi pa din ako sanay. Hinahanap hanap ko pa din ang presensya nya. Umaasa pa din ako sa pagbalik nya. Napakatanga diba? Pero maiintindihan nyo lang ako kapag naranasan nyo ng umibig ng ganito.

Nag side line ako. Naging model sa mga maliliit na advertisement. Nafocus ang buhay ko doon. Pero hindi ibig sabihin na naging abala ako eh nakalimot na ko. Hindi! Dahil sa bawat ginagawa ko, sya ang nasa isip ko.

Nang sumunod na araw ay nakatanggap ako ng tawag mula sa isang malaking kompanya. Kukuhanin daw nila akong model para sa mga damit ng Bench. Pumayag na ako dahil sayang din naman ang offer.

Araw ng sabado. 70% sale sa SM. Ngayong araw din maipapaskil ang aking litrato kasama ang ibang modelo. Natural, meron akong solo. Na ako lang at meron din naman akong kapartner sa picture. Si David. Half American. Half Filipino. Mabait sya. Masarap kasama.

Ngayong araw din ay magkakaroon kami ng mall show sa SM San Fernando Pampanga. Ipapakilala na kami sa publiko.

His Side

Araw ng sabado. Natiming na umuwi agad sila Glench sa dorm. Nag aya silang maglibot. Sa SM daw.

" Ilibre nyo ko ng pamasahe ah. Wala na kong pera. Pandate ko nalang yung natitira sa wallet ko " reklamo ni Gelo ng kaladkarin namin sya palabas. Meron namang sasakyan si Glench pero naiwan kasi sa bahay nila sa bataan kaya wala kaming magagawa kundi magbyahe.

" Oo na. Kuripot mo talagang mokong ka " asik ni Glench sa kanila. Tumawa nalang ako.

Ilang minuto lang ay nasakay na din kami. Kalahating oras ang byahe bago mapunta ng pampanga. 30 minutos din akong tahimik habang naglolokohan ang dalawa.

Muli pumasok na naman sya sa isip ko. Ang kanyang makinis at maputing mukha. Medyo singkit na mata. Malalim na biloy sa pisnge at mapupulang labi.

Isang taon na ang nakalipas. Sa isang taon na yon ay nagkaroon na din ako ng iilang girlfriends ngunit hindi naman nagtatagal. Ngayon nangungulila ako kay Kadie.

Ngayon ko nararamdaman ang kawalan nya. Namiss ko sya. Sa isang taon kasing lumipas ay wala na kong naging balita sa kanya. Hindi na muling nagtapo ang landas naming dalawa. Marahil ay nakalimot na din sya, nakapag move on.

" Hahahaha. Puta dre. Kawawa ka sa babae mo ngayon. Under ka " hagalpak ni Glench sa tabi ko. Pinaglololoko na naman si Gelo.

" Eto tignan mo ang gandang chicks. BSIT yan. Haha. Ano unahan tayong manligaw? " hamon naman ni Gelo kay Glench.

" Oy Kier. Tignan mo. Pili ka oh. Magaganda yan. Eto si Stacy hot hahaha " abot nya ng cellphone.

" Pass muna dre " hinawi ko ang cellphone at tumanaw na sa labas.

Malapit na pala kami dahil natatanaw ko na ang SM.

Habang papalapit ay unti unting napokus ang atensyon ko sa isang modelo na nakapaskil sa taas.

Kei Sanchez ang pangalan ng nasa ibaba kasama ang kanyang pirma. Kingina. Si Kadie ba to?

Sya ba talaga?

Habang lumalapit ang sasakyan. Habang papapalapit kami ng papalapit ay mas lalong nagiging malinaw. Si Kadie nga. Natupad na pala nya ang kanyang pangarap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon