Stage 1

1 0 0
                                    

Her Side

" Alam ko masasaktan ka sa desisyon ko. Pero tama na nga siguro, pinapalaya na kita "

Mga katagang binitawan nya sa harap ko na nakabasag sa aking puso. Nakipaghiwalay na sya. Iniwan na nya ko.

Flashback

" Nagbago ka na " malungkot na tugon ko sa kanya nang siya ay makausap ko.

" Huh? Paano mo nasabi? " tila inosente nyang sabi sa akin.

" Hindi na tayo tulad ng dati " namuo na ang mga nagbabadyang luha sa aking mga mata.

" Sorry Kadie. Hindi ko din alam kung bakit ganito. Hindi ko din maintindihan yung sarili ko " nag iwas sya ng tingin sa akin. At ang nagbabadyang mga luha ay kusa ng kumawala sa aking mga mata.

" Baka wala ng pagmamahal Kier " humihikbi na ko.

" Hindi ko din alam. Bigyan mo ko ng ilang araw para makapag isip " mas lalong bumuhos ang aking mga luha sa kanyang binitiwang mga salita. Mukhang mahuhulaan ko na kung ano ng sunod na mangyayari ngunit papalakasin ko ang aking loob na hindi nya ko iiwan. Matapos nyang mag iwas ng tingin sa akin, tinalikuran na nya ko at iniwang umiiyak.

end of flashback

Sa bawat relasyon na mabubuo, may dalawang taong magmamahalan. May pagsubok na susuungin at haharapin, susukatin kung hanggang saan kayo lalaban. At kapag may sumuko asahan mo parehas kayong masasaktan. Pero tandaan mo, hindi kayo pareho ng sakit na mararamdaman ng taong minahal mo. May mas mag sa-suffer. May mas masasaktan at may mas makakahinga ng maluwag.

In my case, ako ang nasaktan ng sobra. Ako ang iniwan. Ako ang umiyak at nagmakaawa.

I invest everything on our relationship. Binigay ko lahat ng kaya ko. Hindi ako clingy na tao, hindi ako yung tipo ng babaeng mas magmamahal sa lalaki. Ako yung laging nang iiwan. Pero ngayon, iba! Nagmahal ako ng sobra, at kung kelan ako natutong magmahal ng totoo dun ako iniwan ng taong mahal ko.

Life is very ironic. Minamahal mo yung taong walang pake sayo at binabalewala mo naman ang handang magpakatanga para lang makuha ang pag-ibig mo.

" Ms. Sanchez, nakikinig ka ba sa mga nilelecture ko? " nagulat ako ng bigla akong tinawag ng aking prof.

" Ah o-opo " nahihiya kong sagot.

Inirapan ako ng matandang bruhilda na prof ko. Tss.

" Oy Kei. Anyare sayo? BH ka no? " kinalabit ako ni Ella nang natapos na ang aming klase.

" Huh? Anong BH? " pakunwaring tanong ko kahit alam ko naman talaga ang kanyang ibig sabihin.

" Broken Hearted ka! Don't lie to me girl. Halata ka " nagulat ako bigla sa kanyang sinabi. Ganun na ba talaga kaobvious?

" Hindi ah! Hindi ako BH " maangan ko.

" Naku lokohin mo lelang mo. Laki na kaya ng pinagbago mo. Di ka na ngumingiti. Lagi kang tahimik. Di ka na din nakikipagbiruan. Nasan na yung bubbly na Kadie na classmate ko? " dire-diretso nyang sabi sa akin.

" Naku guni guni mo lang yan. Hindi ako BH noh. Sige jan ka na. Una na ko " kumaripas ako ng takbo, hindi ko na inantay ang kanyang isasagot.

Isang linggo. Isang linggo na pala ang nakalipas simula ng iwan nya ko. Simula nang magsimula ang delubyo sa puso ko. Hanggang ngayon sariwa pa din yung sakit na naidulot nya sa akin.

Umabot din kami ng isang taon. Nagtagal kami, sinikap kong magtagal kami. He used to be a perfect boyfriend. Naging mabuti sya, pero kasalanan ko din, kasi nasakal ko na ata sya.

Sa isang linggo na nakalipas nahirapan akong mag adjust, mahirap kasing mag move forward sa bagay na nakasanayan mo na dati. Ngayon ko natutunan na hindi lahat ng gusto mo eh makukuha mo, hindi sa lahat ng oras pagbibigyan ka. Maaring hawak mo na ngayon pero nakalaan pala talaga sa iba. Bawat segundo na lumipas maaring may magbago at mawala.

His Side

Minahal ko sya, sinubukan kong mahalin sya tulad ng pagmamahal nya sa akin. Pero sa panahong lumipas hindi ko nagawang pantayan yung pagmamahal nya.

Mabait sya, loving, caring. Lagi nya kong inuuna sa lahat ng bagay. Lagi nya kong pinagbibigyan sa mga bagay na hinigingi ko sa kanya. Lagi nyang pinaparamdam na mahal nya ko ng sobra.

Pero hindi pala ako sanay, dahil sa lahat ng naging girlfriend ko, sya lang yung naging ganon sakin. Nawalan ng thrill. Nawalan ako ng challenge. Hindi ko na kasi kailangang paghirapan yung isang bagay para makuha ko, kasi sya yung gagawa non para sakin. Nakakasakal na sayo umiikot ang mundo ng isang tao, na ikaw ang dahilan kung bakit sila nabubuhay sa mundo. Ako ang naging comfort zone nya.

She's too good for me. Hind ako deserving sa pagmamahal na binibigay nya. Hindi ko kasi alam alagaan. Kaya hanggang kaya ko pang makawala. Hanggang kaya ko pang makaalis sa pagtali nya ginawa ko na. Ayoko pa syang saktan ng sobra. Nahihirapan din ako.

Last day ng pasok. Katatapos ko lang tapusin ang lahat ng requirements ko, sembreak na kasi at tapos na din kaming mag finals. Sila ay kasalukuyan palang ata. Hindi ko kasi alam, dahil wala na kong balita.

Ngunit nung isang gabi ay nagulat ako ng makatanggap ako ng text mula sa kanya.

Kadie

Kier. Please. This was the last time na kukulitin kita. If hindi ka busy, can we meet? Sa dati. Text mo ko kung anong oras ka available. Sana ay pwede. Pagbigyan mo lang ako titigilan na kita.

Napareply nalang ako ng sige sa kanya. Hindi dahil sa gusto ko na syang tigilan kaya umoo ako, kundi dahil gusto ko syang makita at makasama. Ang tagal na din nung huli ko syang makita.

Napagpasyahan ko na 11 am kami magkikita, nagalit pa sya dahil 12pm daw ay may test sya. Ngunit wala akong magagawa ayun nalang ang available na oras ko.

Sa araw ng aming pagkikita ay mas nauna ako sa kanya. Nang sya ay dumating nakita ko syang nakausuot ng sleeveless damit na ipinagbabawal ko sa kanya dati , at nakapantalon. Naka pony ang kanyang mahabang buhok. Namayat sya at mukhang nawalan ng sigla. Biglang kinurot ang aking puso sa aking nakita.

Nang nakarating na sya sa harap ko ay may inabot sya sa akin na Malaking paper bag. Naglalaman ng isang malaking kahon na nakabalot ng gift wrapper. May cake pa syang binigay. Para saan to?

" Kamusta ka na? " nasambit ko nalang upang mabasag ang aming katahimikan. Hindi kasi sya nagsalita, at napansin ko din ang panginginig ng kanyang mga kamay.

" Tumingin ka naman sa akin Kei " hindi nya pa din ako pinansin.

" 11:30 na. Halika hatid na kita sa school nyo. May pasok ka pa " hahawakan ko na sana ang kanyang braso upang yayain ng bigla syang magsalita.

" Pahinga lang ng ilang minuto. Gusto lang kitang makasama " niyakap nya ako bigla at batid kong umiiyak sya dahil naramdaman ko ang pagtulo ng kanyang luha sa saking braso. Humihikbi sya.

" Advance happy birthday " humigpit anh kanyang yakap. Ngayon alam ko na kung bakit nya ko binigyan ng regalo. Kaarawan ko na pala sa sabado.

Kumawala sya ng yakap sa akin at naglakad palayo. Hindi ko na sya nagawang habulin. Nawala na syang bigla sa paningin ko.

-sushibee

My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon