*Kring! Voice mail!*
*architect Alperez you have meetings today with mr.Willer, just reminding you sa starbucks malapit sa may manila bay ang location at 9am ang start.*
Nagising ako dun. Bumangon na ako kahit labag na labag sa loob ko bumangon dahil hello? Natulog lang naman ako ng 2am ng umaga then gigising ako ng 8am? Holy shit 8 na pala!
Nataranta akong pumasok ng banyo at naligo.
Paglabas na paglabas ko papasok palang ako sa walk in closet ko kumatok naman ang pamangkin ko.
"Tito" tawag nito sakin.
"Bakit Glen?" Sagot ko habang namimili ng damit na susuutin ko.
"Punta ka sa school bukas"
"Bakit?" Sabi ko habang sinusuot na ang napili kong damit.
"Basta tito" sabi nito at umalis na.
Ano nanaman kaya ang ginawa nung batang yun?
Nasuot ko na yung puting v neck na shirt tapos naka itim akong coat then black skinny jeans tapos sperry na kulay light brown. Then G shock na itim. Tinamad ako mag polo kaya ganito muna ang get up ko. Mga 8:30 na nung pagtingin ko sa wrist watch ko kaya napamura na lang ako pababa at sumakay sa muscle car kong itim.
Paalis na ako ng biglang dumungaw yung pamangkin ko.
"Ingat tito! Pasalubong kong chix mamaya!! Hahaha joke lang i love you!" Sigaw nito habang nag kakape.
"Ok ano gusto mo maingay o tahimik?! Joke lang gago ka mag aral ka muna! Ingat ka din sa pag dradrive. Love you too!" Sigaw ko dito at kumaway saka umalis.
Na traffic pa ako malapit dun sa taft pucha monday kasi tapos rush hour pa. Kaya pag dating ko dun ay naka receive nanaman ako ng text. Alangya papunta na chill lang.
"Putang galang buhay ng architect, masaya na busy ampucha!" Sigaw ko habang papalabas ng sasakyan.
Sinuot ko muna ang rayban kong aviator tapos lumabas na ng sasakyan.
Habang papasok ako ay binasa ko yung text, galing kay Carter.
"Hi gago! Na san ka? :)" - carter.
"Putang gala ka carter mamaya ka na mambulabog!" reply ko dito.
Biglang nag vibrate ulit yung phone ko pag ka pasok ko sa starbucks.
"Ayyy galit? Hahahaha! Nasaan ka ba ngayon babe?"- carter.
"Na sa startbucks kaya mamaya na may gagawin ako."
Mukang wala pa si mr.Willer kaya umorder muna ako ng dalawang kape.
"Ako ba hanap mo?" Sabi nung babae na naka blue na polo.
"Who are you?" Sabi ko habang iniintay yung kape dun sa waiting area.
"Ako si Madison Willer. Daughter of mr.Robert Willer." Sabi nito sakin at ngumiti.
"Ahh sorry, i didnt know ikaw pala ang pinadala ng father mo. Ummm may engineer ka bang kasama? Mahirap kasi i discuss to kasi----"
"No need." Sabi nya ng naka ngiti.
"Ahhh okay?" Sabi ko ng nakangiti habang tinawag ako nung lalaki na nag seserve nung kape.
"Jayce" sabi nung lalaki sa counter.
"Thank you" sabi ko dun sa lalaki tapos,
"Coffee, threat ko." Sabi ko sakanya ng naka ngiti habang sya naman naka ngiting nag thank you.
BINABASA MO ANG
Dude, Ang Tadhana's Infinity
RomanceMay second chance pa ba sa relasyong kahit kelan hindi naman nag karoon ng chance?