Chapter 8

4.7K 162 6
                                    

Nandito ako ngayon sa isang burol. Dala dala ang mga beer in can na binili ko kanina sa 7/11.

Umupo ako sa bumper ng kotse ko. Gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin...
Itong araw na ito ay walang magandang nangyari sa buhay ko.

*beep* *beep*

Napatingin naman ako sa nagmamay ari ng sasakyan. Di ba niya alam na may tao rito at gustong makapag isa

"hey! Can I join you?"- tanong niya

"Anong ginagawa mo dito Michael?.... tsaka paano mo nalaman ang lugar na ito?"-tanong ko

"ahmm.,., Sinundan kasi kita kaya nandito rin ako"-sabi niya

"Saan mo naman ako nakita?"-tanong ko

"Sa 7/11"-sabi niya

"At bakit mo naman ako sinundan?"-tanong ko sakanya

"Halata namang problemado ka kaya naman ay naisipan kong sundan ka"-sabi niya

"At sa tingin mo, mawawala ang problema ko kung makakasama kita"-sabi ko sakanya

"Well malay mo matulungan kita at mabawasan ang problema jan sa dibdib mo."-sabi niya

"Grabe ah"-sabi ko

"So what's your problem?"-tanong niya saakin

"Ahmm. Nagkaroon ng misunderstanding between me and my twin"-sabi ko

"Tungkol sa nangyaring labanan?"-tanong niya

"Alam mo ang tungkol don?"-tanong ko

"Actually yes, dahil pinasama ko ang ibang member ng mafia ko"-sabi niya

"Whatever... magkwento ka na lang tungkol sa buhay mo"-sabi ko

"Change topic. Ayaw mo bang magkaayos na kayo ng kambal mo?"-tanong niya

Gusto ko naman na magkaayos kami. Kaso wag muna ngayon dahil parehas na mainit ang ulo namin.

"Wag ka nalang magtanong tungkol sa problema ko.... now magkwento ka na"-sabi ko

"Ano naman ang gusto mong malaman tungkol saakin"-sabi niya

"Ahhmmm about sa family mo, girlfriends?? Or kahit na most embarassing moments mo"-sabi ko

"Are you sure?"-tanong niya

"Please, para naman mawala sa isip ko ang problema ko"-sabi ko

"Wala naman akong maikekwento sayo, hindi ka maiinteresado sa buhay ko"-sabi niya

"Bahala ka nga jan"-sabi ko at tumayo na.

Pumunta na ako sa kotse at pumasok ng gumana na ito ay pinaandar ko kaagad ito. Balak ko kasing pumunta sa puntod niya.

Nang makarating ako sa sementeryo ay bumili agad ako ng bulaklak. Hindi ko inintindi ang dilim doon, hindi naman ako matatakutin.

Dumiretso ako sa puntod niya.

"Haysss namimiss na kita"-sabi ko

"Siguro kung malakas ako noon hindi sana nangyari to"

"Siguro happy family tayo"

"Siguro masaya ka habang pinapanood mo ang paglaki ng anak natin"

"Miss na miss na kita. Alam mo bang hindi ko kayang tignan ang anak natin dahil sa tuwing nakikita ko siya naaalala kita"

Oo, buntis ako noon ng mangyari yung aksidenteng iyon. Hiniling ko sa doctor na huwag sabihin ang kalagayan ko at tinago ang kaotohanan sa kambal ko.

Umalis ako ng bansa para hindi malaman ng lahat ang tungkol sa kalagayan ko.

Nang manganak ako inalagaan ko siya hanggang sa tumuntong siya ng isang taon.

Pero may mga bagay na kailangan kong gawin kaya naman pinabantay ko siya sa isang pamilya.

Pamilya na kilala at alam kung anong nangyari saakin.

Masakit man sa damdamin ko na malayo siya pero wala akong magagawa.

Pero hindi ko naman siya pinabayaan. Kinikilala niya parin akong ina pumunpunta ako doon tuwing birthday niya o kung ano pang mahahalagang okasyon sa buhay niya.

Alam kong nalulungkot ang anak ko dahil doon pero wala akong magagawa. Hanggang ngayon takot parin ako.... duwag siguro ang tamang term.

"Wag kang mag alala maghihiganti tayo. Ipaghihiganti ko ang ginawa niya saatin. Lalong lalo na saakin."-sabi ko.

She's Really a Bitch (BOOK 2 of TDT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon