Prolouge

189 9 3
                                    

Her POV

At 30,marami na akong naranasan sa buhay. I had played the sport that i loved the most. Volleyball has been my life. After UAAP, maraming oportunidad ang dumating sa buhay ko.

At hindi ko pinalampas ang mga iyon. Nakapaglaro ako ng volleyball sa professional leagues ,even become one of the volleybelles who represented the country in the Sea Games, plus nabigyan pa ako ng pagkakataon na makapagtrabaho sa isang prestiyosong kompanya dito sa Pilipinas.

Masasabi kong kuntento ako sa kung ano man ang buhay ko ngayon. Having a successful volleyball career, being a career woman at nakakatulong pa ako sa pamilya ko, wala na akong mahihiling pa dahil masaya ako.

But at the end of the day, napapaisip rin ako. Sa edad na 30 , nagnanais rin ako na magkaroon ng sarili kong pamilya. Pero mukhang natrauma na yata ang puso ko at takot nang umibig pang muli. Nagmahal ako, umibig pero niloko at ipinagpalit sa ibang babae. Gasgas mang pakinggan pero ako mismo ang nakaranas na masaktan dahil sa pag ibig na yan.

Pero ang kagustuhan kong magkaroon ng anak ay hindi pa ring nawawala sa isip ko. Gustong gusto kong magkaroon ng sariling anak pero wala naman akong asawa o karelasyon.



Pero dahil sa modernong siyensya at teknolohiya ay posibleng magkaroon ng katuparan ang matagal ko nang pinapangarap. Through IN VITRO FERTILIZATION.


I had asked many men if they willing to donate their sperm to me. Pero iisa lang ang sinabi nila, AYAW NILA.

I had left with no choice. Siya na lang ang last option ko.

Ang tanong, papayag ba siya sa hihingin kong pabor? Sana oo, dahil bestfriend niya naman ako.



Sperm lang ang hinihingi ko sa kanya. Gusto ko lang naman na magkaroon ng anak. As if naman na hahabulin ko siya at hihingin na magkaroon siya ng pananagutan sa akin.
.

A/N:



Hahaha, naisip ko naman ang ganitong konsepto. Idk pero i wanna try to incorporate medicine and science with romance -slash-fanfiction. Dahil somehow may ideya naman ako sa ganitong usapan since i am a nurse. So yon, naisip kong gawin to. Pero sana pumatok sa inyong mga readers kahit papaano, hahahaha... I will try to make this work. Sana suportahan niyo pa rin itong Thomara fanfic na ginawa ko, of course with a medical twist : )

Her Bestfriend's Baby Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon