I tied my hair in a high bun and checked myself in the mirror. Inayos ko lang ang blouse ko bago tuluyang lumabas ng cr.
Wala na naman akong gagawin dito sa opisina kaya mas magandang lumabas nalang ako.
Isa akong manager sa isang sikat na restobar. Pagmamay-ari ito ng isang multi-billionare businessman na kilalang-kilala ko.
"Bri!" napahinto ako sa paglalakad nang may tumawag ng pangalan ko.
Agad akong napangiti dahil boses palang alam ko na kung sino. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko sya na tumatakbo papunta sa akin.
"Kim!" yumakap sya ng mahigpit and I did the same thing to her.
"Grabe namiss kitang babae ka! Kumusta ang trabaho dito? Ayos ba?" She's Kimberly Miller. Kaibigan ko sya simula pa highschool at kapatid sya ng isa sa mga kaibigan ng may-ari nitong restobar.
"Ayos lang naman." nakangiti kong sagot sa kanya.
Namiss ko tuloy sila. Hanggang ngayon hindi ko parin maalala kung paano ko naging kaibigan ang mga maiingay at kalog na iyon.
"Bri!!!" speaking of.
Napangiti ako ng todo nang makita kong kompleto sila. Namiss ko silang lahat!
"Surprise." natatawang sabi ni Kim.
"Briababes!" tumakbo papunta sa amin sila Coleen, Donne at Alexis.
"Namiss ka namin babes!" sabi ni Coleen tsaka ako dinamba ng yakap. Akala ko hihintayin muna nila Donne na makaalis si Coleen sa pagkakayakap sa akin pero hindi pala. Sabay sabay nila akong dinamba ng yakap! Kamuntikan pa akong ma-out of balance pero buti naagapan ko kaagad.
"Hindi naman halata na namiss nyo ako no?" pagbibiro ko sa kanila.
"Sobra babes!" sagot ni Alexis.
Highschool palang kami babes na ang tawag nila sa akin. Ewan ko sa mga yan, marami talagang pauso sa buhay.
"Bakit bigla kayong napasugod?" tanong ko sa kanila. Kilala ko kasi sila. Hindi sila mahilig sa mga surprise at mas lalong hindi sila bigla-biglang susugod dito ng wala man lang magtetext sa kanila.
Napansin ko naman ang bigla nilang pananahimik kaya mas lalo akong nagtaka.
"Okay, what's going on?" tanong ko na puno ng pagtataka.
"W-Wala naman hehe. Masama bang i-surprise ka?" nauutal na sabi ni Coleen.
"I won't buy it, guys. Wala sa bokabolaryo nyo ang salitang surprise." nanahimik silang lahat at pagkatapos ay sabay sabay na nagkatinginan.
Naghintay pa ako ng kaunti hanggang sa huminga ng malalim si Kim tsaka nagsalita.
"Liam is here." halos manigas ako sa kinatatayuan ko. Kahit maingay na sa loob ng restobar malinaw kong narinig ang sinabi ni Kim. "At maya-maya lang nandito na sya kasama ng mga kaibigan nya." Dugtong ni Donne na mas lalong kinabilis ng tibok ng puso ko.
He's here? Already? Umuwi na sya?
Napahawak nalang ako ng mahigpit sa laylayan ng blouse ko dahil hindi ko gusto ang naiisip ko. Umaasa ako na ako ang dahilan kaya sya pupunta dito pero malabong mangyari 'yon. Sobrang labo.
"Kaya kayo nandito?" iyon nalang ang nasabi ko.
"Yeah. We're defenitely sure that you need us." sabi ni Donne.
"Nung nalaman namin kay Andrei na ngayon ang uwi ni Liam at dito agad ang punta nila, ikaw ang una naming naalala kaya inunahan na namin sila dito." halos maluha ako sa sinabi ni Alex.
"Thank you." nakayuko kong sagot. Pinipigilan kong maiyak dahil wala namang dahilan para umiyak ako.
"Ayan ka na naman sa paiyak-iyak mo! Stop it, okay? Magpakasaya nalang tayo at kahit ngayon lang Bri gamitin mo 'yang natutunan mo sa drama class natin nung highschool. Umarte ka na parang wala lang sayo na dumating na si Liam kahit ang totoo ay gusto mo ng lumumpasay sa iyak." umikot pa ang mga mata ni Kim pagkatapos nyang sabihin 'yon.
"Ano, copy ba babes?"
Napangiti nalang din ako sa kabila ng kabang nararamdaman ko.
"Punta na tayo sa table natin?" tumango kami sa sinabi ni Kim tsaka na kami nagsimulang maglakad.
Dun kami pumunta sa bandang dulo dahil 'yun ang pinakamagandang pwesto sa lahat. Tsaka palagi namang 'yun ang pwesto namin kapag pupuntahan nila ako dito.
Nakaupo kami sa isang black leather circular sofa na medyo malaki laki at may center table. Sa isang tingin palang dito sa restobar alam mo ng mayayaman lang ang pumupunta dito dahil sobrang sosyal.
Hindi na rin nakapagtataka kung sobrang sikat nito at palaging puno. Penellton ba naman ang may-ari paanong hindi sikat.
Sa gitna ng pag-iisip ko dumating na yung drinks namin at pinili kong kuhanin ang vodka.
Kahit ngayon lang pipilitin ko munang uminom ng alak kahit na mahina ang tolerance ko sa alcohol. I know I need it the most.
"Omygosh!"
Napahinto ako sa pagkuha ng baso at agad na napatingin kay Coleen na biglang tumili habang nakatingin sa entrance.
"Ako lang ba o mas gumwapo talaga sya? He's so freaking hot and handsome!" hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapatingin sa entrance.
There I saw him walking like a greek god together with his friends. Shit. Mas gumwapo nga siya. Kahit sobrang lakas ng tugtog ng banda mas nangingibabaw sa tenga ko ang tibok ng puso ko. Sobrang bilis nito at lakas.
I'm not dreaming right? He's really here. The one only Liam Evan Penellton is here.
"Welcome back, Liam. " 'yan nalang ang naibulong ko sa sarili ko kasabay ng pag-alis ko ng tingin sa kanya at pagtungga ng alak.
Great, My husband is back.
BINABASA MO ANG
The Womanizer's Wife
RomanceLoving him is my choice pero hindi kasama don ang masaktan ng paulit-ulit. But what can I do? I fell and I am married to the womanizer. A freaking cold womanizer. She's gorgeous, smart, talented, kind and friendly. She has all the characters that w...