I slowly open my eyes but close it again. The pain is killing me. It's like stabbing my skull repeatedly. The pain is getting worse so I don't have a choice but to get off on bed and drink a medicine.
So this is hangover? I swear, this would be the last time that I'll get drunk that hard.
Inikot ko ang paningin ko sa kwarto. Wait, paano ako napunta dito?
Pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi at agad na nanlaki ang mga mata ko.
"You're awake."
"L-Liam."
Pinanlambutan ako ng tuhod ng makita ko ang malamig nitong titig sa akin. Isama mo pa ang matinding kahihiyan dahil sa nangyari kagabi sa restobar.
"Hindi mo naman pala kaya ang sarili mo pero nagpakalasing ka." rinig sa boses nya ang galit kaya napayuko nalang ako. "Aren't you thinking? Damn, that was close! Alam mo ba kung anong mangyayari sayo kung wala ako dun? You will get laid for fucking sake!"
Hindi ko na napigilang mapa-iyak dahil sa sigaw at mura nya. I felt so embarassed. Parang gusto kong magtago at wag nang magpakita sa kanya dahil sa kahihiyan. Ni hindi ko nga alam kung may iba pa ba akong nagawa kagabi dahil sa kalasingan o may iba pa bang nangyari sa akin.
Hiling ko'y bumuka nalang sana ang lupa at kainin ako nito.
"S-Sorry..." I said between my sob.
"Damn!" napatalon ako gulat dahil sa lakas ng sigaw nya. Napasuklay ito ng buhok tsaka tumalikod sa akin.
Lalo nalang akong napaiyak ng tuluyan syang lumabas ng kwarto. Umupo ako sa dulo ng kama tsaka tinakpan ng dalawang kamay ang mukha ko. I'm crying again like there's no tomorrow. Kung kanina dahil sa sigaw at kahihiyan, ngayon naman dahil sa paglabas nya.
I remembered the day he left me. Here in this room. Nung araw na tinalikuran nya ako at lumabas ng kwartong 'to dala ang malaking maleta. Is he going to leave me again?
"Bria anak?" napaangat ako ng tingin at nakita ko si nanay Adel na kakapasok lang ng kwarto.
"N-Nanay," agad kong pinunasan ang mga luha sa pisngi ko tsaka tumayo.
"Nag-away ba kayo ni Liam?" nag-iwas ako ng tingin kay nanay dahil sa tanong nya. Nag-away ba kami? Hindi naman. Ako lang naman ang inaway nya.
"Pagpasensyahan mo na ang asawa mo. Nag-aalala lang 'yun sayo dahil wala kang malay at mukhang lasing na lasing ng iuwi ka nya dito."
Napatungo nalang ako sa sinabi ni nanay Adel. Si Liam nag-aalala? Malabo atang mangyari yun.
"Kayo po ba ang nagpalit sa akin ng admit? Pasensya na po kung naistorbo kayo sa pagtulog nyo kagabi." Pag-iiba ko nalang ng usapan.
Pero totoong naguguilty ako dahil mukhang ginising talaga sya ni Liam kagabi dahil iba na ang suot kong damit ngayon. Naka t-shirt na ako at pajama.
"Hindi ako ang nagpalit ng damit mo, anak. Baka ang asawa mo ang gumawa dahil hindi naman nya ako tinawag gayong nasa kusina lang naman ako at kakatapos ko lang hugasan ang pinagkainan ko." A-Ano daw?
"S-Si Liam po?" wala sa sariling tanong ko.
Tama ba ako ng pagkakarinig? Pero kung ganon....
Nanlaki ang mga mata ko at agad na napatingin sa katawan ko.
Pakiramdam ko lahat na ng dugo sa katawan ko ay umakyat sa mukha ko. Siguradong ang pula pula ng mukha ko ngayon.
"Wala namang ibang magpapalit sa'yo anak. Tsaka mag-asawa naman kayo ni Liam kaya obligasyon nya na 'yon."
Ngumiti nalang ako ng tipid kay nanay Adel dahil hindi ko naman alam kung anong isasagot ko.
"Osha bumaba na tayo sa kusina. Pinatawag ka sa akin ni Liam dahil hindi ka pa daw kumakain ng dinner kaya mag-almusal kana."
Tumango ako kay nanay tsaka na sumunod sa kanya papaba. Inayos ko ang sarili ko bago kami tuluyang makarating sa kusina.
Gustong umatras ng paa ko dahil nandoon na si Liam at kumakain pero hindi ko na nagawa dahil nakita na nya ako. Palihim akong napalunok nang magtama ang mga mata namin. He really has this effect on me. Tingin lang nya para na akong natutunaw.
Pagkaupo ko kumuha na agad ako ng tinapay at hotdog para maiwasan ang tingin ni Liam. Alam kong tinitignan nya ako kaya ayaw kong humarap sa kanya para hindi na ulit magtama ang mga mata namin. Naiilang ako.
"Iyan lang ang kakainin mo?" napatingin ako sa kanya na dapat hindi ko ginawa dahil nakatingin ito ng malamig sa akin.
Anong problema sa pagkain ko?
"O-Oo," tipid kong sagot tsaka agad na binalik sa plato ang tingin ko.
"Magkanin ka. Wala kang kinain kagabi." malamig nyang sabi kaya napapikit ako. When will he stop giving me a cold treatment?
For pete's sake Blya don't cry here. Wag kang umiyak sa harapan ng pagkain.
"H-Hindi naman ako gutom." sagot ko sa kanya tsaka inumpisahan ang pagkain.
Nagulat ako ng ibagsak nya ang kamay nya sa lamesa kaya agad akong napatingin sa kanya.
"Sabing magkanin ka! Anong mahirap don? Look at yourself, you look awful!"
Hindi ko na sya natiis kaya tumayo na ako. Cold treatment then now he's shouting at me like a trash."Sanay na akong ganito ako, Liam. Wala ka naman ding pake diba?" tumalikod na agad ako sa kanya tsaka umakyat sa kwarto bago pa tumulo ang mga luha ko.
Nasasaktan ako ng sobra but I can't be mad at him because I know inside me that I begged for this day to come. That he would come back again.
Ang loving him is my choice so I guess I must endure the pain. But until when?
BINABASA MO ANG
The Womanizer's Wife
RomanceLoving him is my choice pero hindi kasama don ang masaktan ng paulit-ulit. But what can I do? I fell and I am married to the womanizer. A freaking cold womanizer. She's gorgeous, smart, talented, kind and friendly. She has all the characters that w...