Chapter 2

343 26 0
                                    

Gaya ng sinabi nila Kim pinilit kong hindi magpaapekto sa pagdating ng asawa ko. Ayoko din syang titigan dahil nasasaktan ako. Sino bang hindi masasaktan kung yung asawa mo may kasamang ibang babae? I don't know the girl pero itsura palang alam ko ng kalandian sya ni Liam.


"Napaka talaga nyang asawa mo babes! Okay lang sana kung hiwalay na kayo pero hindi! Paano nya nagagawang mangbabae sa harap mo?" hindi makapaniwalang sabi ni Alex.


Hindi naman talaga nya ako mahal. Sa simula palang alam ko ng wala lang sa kanya ang pagpapakasal namin. We're fixed marriage at parehas kaming walang magawa para tumutol kaya natuloy ang kasal. Sa akin lang naman pabor kasi college palang kami mahal ko na si Liam. He's a womanizer at kahit ako hindi ko alam kung bakit ko sya minahal.



"Bakit ba hindi mo nalang sya hiwalayan, Bri? You're just hurting yourself." napatungo nalang ako tsaka uminom ulit ng vodka.


"I can't," dahil mahal ko sya.


Kahit na sa papel lang kami kasal masaya na ako dahil nasa akin ang apelyido nya.


"Hay naku! Bakit mo ba kasi minahal 'yang lalaki na 'yan? Jusko, ang daming nangliligaw sayo noon pero sa kanya kalang bumagsak!" matabang na sabi ni Donne tsaka nya inistraight inimun ang alak nya.



"Alam nyo naman ang sitwasyon namin diba? Arrange marriage kami at kahit hindi ko man sya mahal wala akong magagawa para umatras. It's our parents' will." sabi ko tsaka tumingin sa baso na hawak ko.



"For goddamn sake, Bria. He left you for 3 years pero mahal mo parin? Hindi ko alam kung hahanga ba ako sayo o maaawa." I closed my eyes trying to wash out the momories from the past.






Yes he left me 3 years ago. He chose to left me.





"Gwapo nga at bilyonaryo pero babaero naman." dugtong pa ni Donne.




Bumuntong hininga nalang ako tsaka tinitigan ang wedding ring na hanggang ngayon ay suot ko parin.




"Oh, oh." bulong ni Coleen habang pinapaikot ang daliri nya sa baso.





Umayos sila ng upo kaya napagaya nalang ako. Nagsimula silang magkwentuhan ng kung ano ano at ako naman itong si tahimik ay nakikinig lang sa kanila.




Shit. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung magagawa ko bang umarte na para bang wala lang. Bahala na nga si Batman.




"Bria!" Tumingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Kaizer na nakangiti. He's Kaizer Commings, isa sa mga kaibigan ng asawa ko.




"Kaizer," kunwaring gulat na tawag ko sa kanya.



"Ah... eh..." alanganin itong tumingin sa likuran nya pagkatapos ay ibinalik ulit sa akin ang tingin nya na ngayon ay bakas ang pag-aalala.


Ayoko mang tignan ay wala akong magawa kundi silipin ang likod nya para magmukhang wala akong alam na nandito na ang asawa ko na tahimik lang na nakatayo habang katabi yung babaeng blonde na nakakawit ang kamay sa braso nya.



Gusto kong maiyak dahil nasasaktan ako. Hindi man lang nya ako tinapunan ng tingin at kahit batiin man lang ay hindi.



Pero hindi pwede. Hindi ako pwedeng umiyak sa harapan nila dahil ayokong magmukhang tanga kahit sa pagkakataon lang na 'to.



Pinilit kong ngumiti at itago ang kung ano mang emosyon sa mga mata ko. Umipon muna ako ng lakas bago titigan si Liam na ngayon ay nakatingin na pala sa akin.



The Womanizer's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon