Chapter 02: I started to fall in love with you

17 1 0
                                    

ALAS sais y medya na ng umaga ng mailimpungatan si Tricia. Tumingin sya sa orasan at nakita nya ang oras. Nanlaki ang mata nya nagmamadaling lisanin ang kama. Di na nya ipinusod ang buhok at kumaripas na ng takbo papunta sa kusina. Nang lumabas sya ay nagulat sya sa nakita nya. Nasa sala si Timothy.

"Goodmorning." bati nito sa kanya at ngumiti.
"Goodmorning." ginantihan nya ng ngiti.

Namula ang mukha nya ng maalalang di sya nag-ayos ng sarili. Tumingin sya sa lalaki at nakita nyang nakatitig sa kanya iyon. Nahihiya sya. 'Di nya alam ang gagawin sa sobrang hiya. Tulala sa kanya si Timothy.

"P-pasensya ka na. Ganito ang itsura ko." sabi nya.
"It's okay. You look gorgeous." ngumisi ito. Nginitian din sya ni Tricia.

Nagulat ang Mama Lisa nya ng makita sila sa ganoon tagpo. Magkatapat at nagngingitian. Napangiti ang matanda. Napatingin si Timothy sa babaeng matanda at nasundan iyon ni Tricia. Nagulat ang dalawa sa nakitang reaksyon sa matanda.

"Tara't kakain na tayo." aya ng matanda.
"Kumain ka na ba?" tanong ni Tricia kay Timothy.
"Hindi pa nga e." sagot nya.
"Halika, sumabay ka na samin. Kaaga-aga mo naman kasi."
"Papagalitan pa ko. E, 30 minutes lang naman ang aga ko e."
"Sus. Tama na yan. Halina kayo't baka lumamig pa 'tong sabaw."

"Sabaw? Nagtataka si Tricia. Bakit nagsabaw ang Mama Lisa nya? Alam kaya nyang di pa nag aAlmusal si Timothy?" sabi nya sa sarili. "Hay, si Mama talaga." huminga ito ng malalim at sumunod na sa dalawa.

Hindi makakain ng mabuti si Tricia. Nasa harap kasi nya si Timothy. Naiilang sya. Pangalawang pagsasalo na nila ito, pero hanggang ngayon ay naiilang pa rin sya. Tuloy ay magkanda tapon-tapon na ang sabaw.

"Oh, iha. Ano ba yan?" bati ni Lisa sa kanya.
"Pasensya na ho. Ang init ho kasi e." palusot nya.

Nakatingin lang sa kanya si Timothy at ilang beses na nyang nahuhuli iyon. Walang alam ang matandang babae na ginagawa nila iyon. Agad na natapos ni Mama Lisa ang pagkain.

"Iha, malapit ng mag alas syete. Aba, bilisan mo't baka mahuli ka. Maliligo ka pa."
"O-oho, Ma." sabi ni Tricia.
"Hayaan nyo na ho't akong bahala sa kanya para makarating sya agad." singit ni Timothy pagkatapos ay humigop ng mainit na sabaw.
"Nako, itong mga batang ito." si Lisa.

Tumayo si Tricia at inilagay ang pinagkainang pinggan at mangkok sa lababo saka uminom. Nagmamadali syang pumunta sa banyo para maligo.

Paglabas nya ay naka upo si Timothy sa sofa sa sala. Nahihiya sya sa suot nya. Naka bath robe lang sya at ang buhok nya ay nakapalupot sa twalya. Nagmamadali syang pumasok sa kwarto dahil sa titig ni Timothy sa kanya. Hinahagod sya ng tingin nito. Para bang naakit si Timothy sa kanya.

Lumabas sya ng kwarto ay nakaupo parin si Timothy sa sofa. "Matyaga 'to ha." anang isip nya. Nakatingin pa rin sa kanya si Timothy. Nginitian nya ito. Habang papalapit ay sinusundan sya ng tingin nito. Lumapit sya dito at tinapik ng marahan ang pisngi, para bang mahinang sampal kumbaga. Tumawa ito.

"Wag mo nga akong tignan ng ganyan. Parang ngayon mo lang ako nakita a."
"Na-amuse lang ako. Ang ganda mo pala." biro nito sa kanya.
"So, ano? Panget ako nung nakita mo ko?"
"Hindi naman masyado."
"Halika na nga!" aya nya dito.

Lumabas sila at nakita nila sa teresa si Lisa. Nagpaalam sila dito. tulad ng dati ay humalik si Tricia sa pisngi nito. Saka nagpaalam.

GULAT ang mga katrabaho ni Tricia ng makita syang bumaba sa isang magarang kotseng huminto sa tapat nito. Maging ang mga katrabaho ni Tricia ay alam ang tungkol sa kotseng iyon, alam din ang presyo't itsura.

Bakit kasi Ikaw pa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon