"WHAT?!" pasigaw na sabi ni Tricia ng sabihin sa kanya ang totoong pagkatao nya ng kanyang Mama Lisa. Hindi sya makapaniwala ng marinig iyon.
Si Mama Lisa nya ang nag-aruga sa kanya noong musmos palang sya at walang mulat. Wala pang alam sa mundo, kumbaga. Tunay nyang magulang ang pakilala sa kanya ng mag-asawang ito. Wala syang alam kaya't agad syang naniwala dahil wala din syang magagawa.
"Sorry, Iha. I lied" sambit ng malungkot ni Mama Lisa.
Hindi tumugon si Tricia, nakatitig lang sya dito at pilit inuunawa ang kalagayan.
"Please, Iha. Listen to me. Let me explain all of these things to you." nanggigilid na sabi ng Mama Lisa nya. Tila nagmamakaawa ang titig nito sa kanya.
"I.. I understand, Ma." nag-uunahan ang patak ng luha sa pisngi nya ng sabihin nya iyon.
Naiintindihan nya ang Mama Lisa nya. Alam nyang mahal sya nito at ganoon din sya. Naiintindihan din nya ang dahilan kung bakit ngayon lang ito inamin sa kanya ang katotohanan.
"Please forgive me, Iha."
"You're forgiven, Mama." lumapit sya rito at hinaplos ang pisngi ng Mama Lisa nya.
" It's alright, Ma. No need to worry. Wag na ho nating pag-usapan 'to. Pagod na ho ako at ganun din kayo. Magpahinga na ho kayo."
"Tricia, wag ka sanang magalit. Minahal kita na parang tunay na anak. Higit pa don ang itinuring ko sayo. Ikaw nalang ang nag-iisang kayaman ko, Iha. Please, wag mong layuan ang Mama."
"Like what I told you, Ma. Mahal ko din kayo. At hindi nagbago yon simula kanina. Kalimutan nalang ho natin yan. Matulog na ho tayo." naka-ngiting sabi nito sa Mama Lisa nya habang hinahaplos ang buhok nito.
"Okay, Iha. If you say so." kahit papaano ay lumuwag ang dibdib ni Lisa ng marinig ang mga sinabi ng kanyang adopted child. Isabay pa ang mainit na haplos ng makinis, malapad at maputing palad ni Tricia.Tumingala sya rito at nginitian. Gumanti naman ng ngiti ang dalaga.
"Ihahatid ko na ho kayo sa kwarto nyo." pukaw ni Tricia sa nakatitig na Mama.
Pumunta si Tricia sa likod ng Mama Lisa nya at itinulak ang wheel chair na kinauupuan nito. Saka inihatid sa sariling kwarto nito at tinulungang makahiga.
"Goodnight, Ma." sabi nito saka humalik sa noo ng ina.
"Goodnight, Iha. I love you so much."
"I love you most, Ma." ngumiti ito at tumalikod.Pinatay ni Tricia ang ilaw ng silid ng Mama nya saka marahang isinara ang pinto.
Pumasok si Tricia sa sariling silid at inihiga ang pagod na katawan sa kama nya. Nakatitig sya sa kisame at nag-iisip ng malalim.
Hindi man makapaniwala ay kailangang tanggapin ni Tricia ang katotohanan na ampon lang sya. Alam nyang mahihirapan ang Mama Lisa nya kapag nakipag-away pa sya rito. Mahihirapang huminga at magsalita ito. Isa pa, gabi na at kailangan na nilang magpahinga. May pasok pa sya bukas.
Dapat ay day-off nya bukas. Pero hindi nya magawang mag day-off dahil kaylangan nya ng malaki-laking pera para sa lingguhang maintenance ng gamot ng Mama Lisa nya. Sapat lang ang kita nya sa buwanang sweldo sa pinagta-trabahuhan nyang resto.
Ipinikit nya ang mga mata. Nakatulog sya agad. Marahil ay sa sobrang pagod sa trabahong maghapong nakatayo at minsan lang maka-upo dahil sa dami ng customer. Ang daming nangyari ngayon araw.
Una ay ang pagharang ng dalawang lalaking holdaper sa kanya. Sa awa ng Diyos ay may dumaang sasakyan ng pulis sa kinatatayuan nila at agad na kumaripas ng takbo ang dalawang lalaki sa sobrang takot. Mabuti at walang nakuha sa gamit nya at hindi sya nagalaw ng mga ito. Laking pasasalamat nya sa dumaang sasakyan ng pulis.
Alas-dose na ng madaling araw ng biglang maalimpungatan si Tricia. Nahiga sya ulit at ipinikit ang mga mata. Ngunit, ayaw syang dapuan ng antok. Pabiling-biling sya sa kama. Ayaw talaga syang dalawin ng antok.
