KINABUKASAN ay hindi pumunta si Timothy sa bahay nila Tricia para ihatid sya papuntang trabaho kaya nagpunta si Tricia sa abangan ng dyip. Matagal syang naghintay don. Habang naghihintay ay iniisip nya ang nangyari kagabi. Nagawa nyang magsisi pero natanggap din nya kalaunan.
"Pano na 'to? Pagkatapos ng nangyari sa amin ay hindi na sya nagpakita." sa isip nya na alalalang alala.
Ng makapunta sa restaurant ay di sya makapagtrabaho ng maayos. Tulala sya. Pati si Rica ay di sya makausap ng maayos. Lutang ang isip ni Tricia. Gusto sanang lapitan ng Rica ang kaibigan dahil nag-aalala ito. Nakita rin kasi ni Rica na hindi sya hinatid ni Timothy. Kaya naglakas-loob na syang lumapit sa kabigan.
"Tri... Tricia.." si Rica.
Tumingin lang sa kanya si Tricia. Saka ngumiti, ngiting alanganin.
"May problema ba, Tricia?"
"W-wala naman." maang ni Tricia.
"Sigurado ka? Sabihin mo sakin, baka matulungan kita."
"Talaga?"
Lumapit ito sa kanya at nag-usap sila. Sinabi lahat ni Tricia ang mga pangyayari kagabi sa kanila ni Timothy. Nabigla man si Rica ay naiintdihan nya ang kaibigan.
Alam nyang mahal nito si Timothy at mahal din sya nito. Saksi din sya sa pag-iibigan ng dalawa kaya may tiwala ito. Sinabi din ni Tricia kung bakit hindi sya inihatid ni Timothy.
"Tinext ka na ba?" si Rica. Umiling lang si Tricia.
"Tinawagan ka na?" si Rica ulit. Umiling namang muli si Tricia.
Napabuntong hininga nalang si Rica at yumuko si Tricia. Naawa sya sa kaibigan. Wala din syang magawa kundi kaawaan at titigan ang kaibigan.
Tahimik na tahimik si Tricia hanggan gsa matapos ang trabaho.
Tahimik rin sya sa paglalakad pauwi. Umupo sya sa bench sa dinaanan nyang park. Doon ay tinignan nya ang cellphone. Walang text kahit isa o misscall galing kay Timothy.
Susubukan nyang tawagan iyon. Pero kinakabahan sya baka hindi nito ito sagutin. Maya-maya pa ay pinindot na nya ang call button.
*Ringing*
You set it again, my heart's in motionEvery word feels like a shooting starI'm at the edge of my emotionsWatching the shadows burning in the dark
And I'm in loveAnd I'm terrifiedFor the first time and the last timeIn my only.......
She heard the ringback tone of Timothy. Ganoon din ang ringback tone nya. Pareho sila dahil si Timothy mismo ang nagActivate non sa cellphone nya at sya naman ang pumili ng kanta.
*Number busy!!*
Nakita sya sa screen.
Gusto nyang umiyak pero nagpigil sya, nasa public place kasi sya. Tumulala nalang syang. Hinihintay nya si Timothy at nagbabakasakali syang baka pumunta doon ang nobyo.
Pero wala. Walang Timothy Fajardo na lumabas, ni-anino nito ay wala. Naghihintay sya sa wala kaya nagdesisyon na syang maglakad na uli.
Habang naglalakad ay tulala pa rin ito. Ininis na inis at galit ang nasa isip ni Tricia, ang puso naman nito ay nasasaktan at gustong umunawa.
Ng umuwi sya ay nakita sya ng Mama Lisa nya. Naawa ito sa anak pero hindi nya alam ang nangyari kaya nagpasya itong wag nalang munang kausapin ang dalaga.