Chapter II

5 0 0
                                    

Chapter II

[Rain’s POV]

Nakarating na kami sa rest house... finally, after almost three hours.

Medyo napagod rin ako sa ginawa ko. Pwede naman kasi dun sa front entrance kung saan may maliit na barrio. Hahaha. Ewan di ko trip.

Tumingin ako sa kanya. “nandito na tayo.”, sabi ko sa kanya.

“yeah...”, sagot nya.

Teka.. nakatulala sya.. problema nito?

“Are you okay?”, tanong ko.

She didn’t respond. So lumapit ako sa kanya...

“Miss Searrs? O-oi!”, that’s all I said when suddenly she fainted into my arms...

Buti na lang nasalo ko sya.

Nasobrahan ata yung ginawa ko...

I carried her in a bridal manner papunta sa loob ng bahay, agad ko syang dinala papasok ng isa sa mga guest rooms at hiniga sa higaan.

Ang gaan pala ng spoiled brat na to... well halata naman sa katawan nya. She got a slim and well... endowed... body. Eh? Ugh...

Napatingin ako sa mga paa nya. May mga paltos at gasgas na rin... pati tuhod nya gawa ng pagkakadapa nya kanina. Kinuha ko yung medicine kit sa drawer at kumuha ako ng bulak at betadine.

Nagsimula na kong gamutin yung mga sugat...

Teka nga ano ba naman to. Galaw sya ng galaw, hindi ko tuloy malagyan ng maayos yung mga sugat. Tch.

Matapos ng ilang minuto natapos na rin ako sa ginagawa ko. Inayos ko yung paghiga nya at pinagmasdan ko yung mukha nya...

Kung tutuusin maganda nga sya... mukha syang anghel... pag tulog.

I don’t have feelings for this girl, hindi ko alam kung magkakasundo ba talaga kami in the near future... I don’t know, maybe? Siguro hindi ko pa naman kailangan mag-isip para dun. Bahala na nga.. hahaha.

Lumabas na ko ng kwarto nya. Agad akong dumiretso sa kusina, nakita ko si Manang teresita. Isa sa mga caretaker ng rest house na to.

“iho!”, sabi nito sabay yakap sakin. Nginitian ko sya.

“kamusta ka na?”, tanong ulit nito.

“ok naman po.”, sagot ko.

“manang... pwede po ba kayong magluto?”, tanong ko ulit sa kanya.

“oo naman.. anong gusto mong lutuin ko? Nakahanda na rin naman yung mga kailangan ko.”

“syempre yung specialty nyo po.”

“aba’y sige... magluluto na ako ha?”, at nagsimula na syang magluto.

“salamat po.”, lumabas na ko ng kusina at nagpunta dun sa waterfalls para maligo.

[October’s POV]

Ugh... where am I?

Tumingin ako sa paligid at pakiramdam ko nasa kwarto ako...

At tama nga ako... nasa kwarto nga ako.

Ano bang nangyari kanina...

Hmm... sa pagkakaalala ko... nasa harap ko si Rain at bigla na nagdilim ang lahat.

Ay oo pala. Sinabi nya na ‘nandito na tayo’... so probably this is the resthouse.

In fairness, pinoy na pinoy ang design ng rest house na to. Pati yung flooring kahoy pa rin.

How Much Do I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon