Saturday. Walang akong pasok ngayon. But I woke up so damn early, nagising ako kasi may tumatawag. Pinipilit kong kapain yung cellphone ko na nakapatong sa gilid ng kama, kasi nakapikit pa yung mga mata ko at tamad pa kong imulat. Parang alarm clock. Nakakainis.
Finally, nakuha ko rin then I answered the phone call from Jeff.
“Hello? Jeff bakit?” I asked with a husky voice.
“Samahan mo ko ah? Di’ba ngayon na ko lilipat ng apartment. 9 am! Sunduin kita sa inyo.”He said.
“Oo nga pala, I almost forgot. Sige ako na lang ang pupunta jan. Maaga pa naman eh.” Then I looked at my watch, its 6:30 am palang.
“O’sige. Mamaya na lang. See you!” He said. I said Okay, and then I dropped the call.
Humiga na lang ulet ako and sinusubukang matulog ule. Binabalak kong gumising ng exactly 7:00 kaya in-adjust ko yung alarm ng phone ko.
After a short nap, nagising ako pero nagulat ako dahil almost late na ko, quarter to 8 na kasi. Eh matagal pa naman akong magshower dahil hindi lang basta shower ginagawa ko, madalas akong magconcert.
Dinalian ko na lang, bumangon ako agad at dumiretso sa cr. Di na ko nagpatumpik-tumpik pa, di muna ako nagconcert. Diretso shower talaga.
After kong magshower, I dried up my hair and fixed myself as soon as possible. Ready to go na ko kaso, naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko.
So I hurriedly went downstairs and straight to the dining area. Nakita ko si Mama na naglilinis ng kalat ng pamangkin kong si Raffy. He’s so cute, lovely and adorable. I wish I could also have a son like him, kaya minsan sobrang inggit ako kay ate. But not now! I’m not that prepared. Sobrang cute lang talaga niya and he’s only 1 year old. Di ko akalain na nakangiti na pala ako habang pinapanuod si Raffy magkalat, only mama noticed my charming smile.
“Ganda ng ngiti mo ah? San punta mo?” mama asked. She suddenly caught my attention.
“Sasamahan ko si Jeff, lilipat siya sa bagong condo na nirecommend ni papa.” I answered. Then I paused in a moment as papa passed by.
“Good morning pa!” bati ko sakanya at nagmano. Kumuha ako ng piece of tasty bread . Iniisip ko kung anong ilalagay ko if Skippy peanut butter o nutella? Hmm. Lemme think about it.
“Aalis ka?” Papa asked, habang nakatingin sa front page ng newspaper na binabasa niya, at ako naman nakapagdecide na kung ano papalaman ko, nutella na. Madalas ko ring papakin yan eh. At madalas kaming mag-agawan ng ate ko jan.
“Yes pa. I’ll be with Jeff. Lilipat siya sa bagong condominium… yung nireccomend mo sakanya, remember?” after kong lagyan ng nutella ang bread ko, kumuha ako ng spoon then syempre nutella yan eh. Dinakot ko yung nutella, yummy. At pinaikot-ikot ko yung spoon sa loob na parang bata. Hindi ko namalayang nagmamadali pala ako.
“Aren’t you too old enough for that?” Papa said. Nako, si papa talaga.
BINABASA MO ANG
A Letter From My EX
Teen FictionWho knows that someday, two people from the past will suddenly meet in the present with the same purpose as before? Will they try to make things right? Or just let themselves free from each other without knowing the reason why. Yes, WHY?