Chapter Four
“Nasan siya ngayon?” Kailangan kong malaman kung nasan ngayon si Ian. Alam kong 3 years na nakakalipas pero yung sakit? Ngayon ko lang naramdaman eh!
“Hindi niya sinabi kung nasan sya.”
I decided to leave. Bumaba ako ng kotse. Hinabol ako ni Jeff pero wala rin siyang nagawa. May isang lugar sa isip ko na gusto kong puntahan, magbabakasakali lang ako kung alam nila kung nasan si Jeff. Magbabakasakali lang, baka naandun pa sila tita.
I rode in the bus. Afterwards narating ko na rin yung bahay ng family niya. Medyo malayo kaya hinapon na ko ng dating dito.
Nagdoorbell ako ng nagdoorbell. At may lumabas na matandang babae.
“Good Afternoon. Gusto ko lang itanong kong andito pa po ba sila Mr.&Mrs. Dizon?” I asked.
“Ha? Sino ulet?”
“Mr.&Mrs. Dizon po.”
“Ha? Eh baka sa iba yung address nila? Baka hindi ito yun.”
“Hindi. Ito po yun eh.”
“Pasensya ka na, hindi ko sila kilala eh. Baka lumipat na sila. Tsaka 2 years ng nakatira dito yung amo ko.”
Feeling ko mauubusan na ko ng lakas. I felt a little bit hopeless.
“Anjan po ba yung amo niyo?”
“Wala eh. Nasa trabaho.”
“Hihintayin ko na lang po. Pwede po bang pumasok?” Mukhang nag-aalinlangan ang tingin sakin ni manang.
“Nako hindi pwede. Kung gusto mo maghintay, jan ka sa labas.”
Pero pinilit ko siya, kaso sinarhan niya ako ng gate kaya no choice ako. Sa labas talaga ako maghihintay.
Nilalamok lamok na ko sa sobrang inip pero kailangan ko talagang magtiis. Mukhang may point naman kasi si manang, kasi di naman niya ako kilala syempre iisipin nun masamang tao ako o kaya kabilang sa mga gang gang nay an na sumasalakay sa mga bahay-bahay.
Dahil nanghihina’t nangangalay na yung binti ko, umupo ako sa may gilid. Kinapa ko ang bulsa ko, pero nagulat ako dahil wala pala yung phone ko. Naisip ko kasing tawagan sila mama dahil baka malate ako ng uwi. Naalala ko na lang na naiwan ko pala sa kotse ni Jeff. Ang tanga-tanga ko talaga.
Napakalumbaba tuloy ako.
Mag-aalasais na sa relo ko, at ilang kotse na rin ang dumaan. Pero mukhang wala pa rin.
Nakakaramdam na rin ako ng gutom at uhaw.
Wala namang malapit na tindahan dito eh. Yun lang.
Sleepy na rin ako.
Papikit na yung mga mata ko nun ng dumungaw sa harap ko ang isang captiva.
*beep beep*
I stood abruptly. At napalunok pa ko.
Bumukas ang gate at pumasok ang kotse sa loob. Nakita ko rin si manang.
“Manang pwede na p—“
“Andito ka parin? Ang tibay mo ah?” Sabi sakin nung matandang babae.
Then suddenly, bumaba sa kotse yung amo niya at akmang papalapit sakin.
Napunta ang atensyon ko sakanya kahit nagsasalita pa si manang, sa pag-aakalang makakausap ko siya about sa dating pamilyang tumira dito.
“Excuse me sir. But can we have a talk for a moment? May itatanong lang po ako.” I asked. My eyes are finally filled with hope.
“Sige. Dun tayo sa loob.”
![](https://img.wattpad.com/cover/5667206-288-k421631.jpg)
BINABASA MO ANG
A Letter From My EX
Teen FictionWho knows that someday, two people from the past will suddenly meet in the present with the same purpose as before? Will they try to make things right? Or just let themselves free from each other without knowing the reason why. Yes, WHY?