Chapter Three - Memories in the past

485 13 2
                                    

Chapter Three

I took a very deep breath as I realized na nasa loob parin pala kami ng kotse. Parang may cotton sa tenga ko na gusto kong tanggalin nung narinig kong may sinabi si Jeff. All I heard is the word ‘EX. And what’s with the letters? What is he trying to say? Totoo ba yung mga narinig ko a while ago? Or maybe I was just daydreaming about my past.

“Eh . . .”

“Nakikinig ka ba?! Sabi ko, sa Ex mo tong box na to! At siya yung nagsulat ng mga letters na yan!” Okay okay okay. Hindi niya ko kailangang sigawan. Narinig ko. Nakinig ako. Alam ko! Alam ko na . . . Hanggang sa nagpop-up yung imahe ni Ian sa utak ko. Umiling ako.

“Eh . . . Bakit siya may ganyan? I mean, bakit siya nagsulat ng mga letters?” I asked. Kanina ko pa to gustong itanong pero, ewan ko ba naguguluhan parin ako. May kutob ako na di maipaliwanag.

“He wrote these letters after you two broke up. Ganun.” He explained. Calm down, I need to calm down.

Ano bang feeling ko? Na mahal niya parin ako? Na hindi totoo yung sinabi niya sakin bago kami magbreak?

Hindi parin ako makapagsalita. Napuno ng hangin ang bibig ko.

“3 years na nakakalipas ah. Bakit buhay parin yan? Bakit hindi mo na lang tinapon?” Again, I asked. I’m still confused.

“Look, listen up.” Tinabi niya yung box habang nakahawak siya sa magkabilang balikat ko.

“I’ll tell you the whole story.” Wow? May story pa siyang nalalaman.

“After niyong magbreak up, naging hobby na niya ang isulat lahat ng hinanaing niya. . .” Is he gay? Parang babae lang naman ata ang gumagawa ng ganun ah? Tsaka, siya kaya nakipagbreak hindi ako!

“Marj, every single bit of his life after niyang magdecide na hiwalayan ka niya, napuno ng regrets. Dito niya sinusulat yun. Sa mga letters na to. Gusto niyang mabasa mo to pag nagkataong wala na siya dito. Eh kasi bago siya umalis, binilinan niya ako na itapon na tong box na to eh. Tutal wala rin naman daw mangyayari kahit mabasa mo to. . .”

“Pero sabi niya, kaya niya ko hinawalayan kasi nagsasawa na siya!” I moaned.

“No. That’s not the reason. May mas malalim pa . . .”

“Pero naging cold na lang siya sakin, wala naman akong ginagawa eh!”

“Hindi mo naiintindihan. Lalaki ako kaya alam ko ang sitwasyon niya nung mga panahong yun. Ilang years kayong nagtagal?” He asked. Nag-isip ako saglit.

“4? Or 5 years. 5 years and 11 months.” I sighed. Nanghinayang ako sa sagot ko. Woah, five years and 11 months. Isang buwan na lang 6 years na. Pwede na kaming magpakasal nun.

“Tignan mo! Almost 6 years na dapat. Alam mo ba yung rason kung bakit siya bumitaw.” He said seriously.

“Nagsawa nga kasi. Tsaka ganun naman talaga eh, kapag tumagal ang isang relasyon sabi nila magsasawa’t magsasawa ka rin. Bat ba ang kulit kulit mo?! Kung alam mo yung tunay na rason, bakit ngayon mo lang sinabi?!!”

“Kasi nga, napansin niyang wala ka ng oras sakanya. Di ka man lang dumalo sa graduation niya, pati nung birthday niya na sabi mo pa babawi k—“

“Busy ako that time.”

“Hanggang sa di ka nagpaparamdam, kahit tumawag man lang o magtext. At napapansin niyang mas nakakasama mo pa yung mga blockmates mong mga lalaki tapos malalaman niyang busy ka sa pagsasayaw! Ni hin—“

Hanggang sa nagflashback lahat ng yun sa utak ko.

Yung time na busy-busyhan ako. At naisipan ko pang sumali bilang isa sa mga break dancers sa university na hindi man lang sinasabi kay Ian dahil alam kong magagalit siya.

A Letter From My EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon