MSML 15

4.9K 71 11
                                    

GENERAL POV

3rd night of practice..

“AYOKO NYAN!” sigaw ni Kate

“KATE! Ano ba?! Pumayag ka naman na maging kapartner ko pag wala si Liz di ba? Dali na.. Isa pa.. Pratice lang to. Kailangan lang natin makuha ung tama.” Sabi ni Alex

Paano naman kasi, ung step na pinapractice nila ngayon e kailangang yumakap si Kate kay Alex pagkahila kay Kate..

“Ikaw?! Yayakapin ko?! YUCK! Di ba pwedeng lagpasan yang part na yan?!” tanong ni Kate

“Hindi nga pwede! Kung pwede lang edi di kita pinipilit ngayon. Kung ayaw mo kong mayakap, MAS LALO NAMAN KO!” sabi ni Alex

“AAISH!” inis na sabi ni Kate

“Dali naman na.. Start tayo sa frozen part hanggang dito..” pakiusap ni Alex..

“AYAN PA! Ung sa part na nakatalikod ako sayo at nakayakap ka from behind! Tas ung steps ganun pa! Nakakapangilabot kaya!!” angal pa ni Kate

“Utang na loob! Wag mo kasi isipin na ako to! Sisipain na kita e!” sabi ni alex

“Isa pa, dahil sa kaartehan mo hanggang ngayon di tayo nakakaalis sa part na to e kung tutuusin dapat ngayon na sa panghuling part na tayo.” Sabi pa ni Alex

“Kasi naman e!!” alboroto ni Kate

“ISA! Napipikon na ko sayo! Pumayag payag ka dito tas mag-iinarte ka naman!” sabi ni Alex

“FINE! MAY MAGAGAWA PA BA KO?!” sabi ni Kate tas nagstart na sila…

Nagsisismula pa lang sila, nadistract agad si Kate dahil may part sa simula na sobrang magkalapit ang mukha, e biglaang hila kasi un so kailangan control ng balance para di matuloy kung saan ung part na un.. Sabihin na lang natin na, nose to nose ang peg nung part na un..

“AISH! Wag ka kasing dumikit ng ganun!” sabi ni Kate

“Paano?! E hello?! Kailangan po mabigyan ng buhay tong kanta na to! At more on physical contact talaga tong kantang to.” Sabi ni Alex

“e practice lang naman to a.” sabi ni Kate

“Oo nga, pero kailangan kahit practice isipin mo pa din na performance na. Bigay todo na.” sabi ni Alex

“Pasalamat ka nga at walang liftings to e. Mas matindi pa un.” Sabi ni Alex ulit

“Fine! Start ulit!” inis na sabi ni Kate

At start ulit sila from the start, di pa nagsimula ng practice si Alex at Liz dahil di pa kuha na as in kuha ni Alex ung buong kanta, so naisip nya na pag natapos nila ni Kate ngayon ung part na hanggang bago mag refrain ng kanta e stop muna dun tas ituturo na nya kay Liz muna.

KATE’S POV

Nakakainis! Bat kasi ako pumayag na ako ang makapartner ni Alex kahit practice lang to.. Medyo awkward!>_____<

Tas ung mga steps pa napaka lapit! Di sa ayaw kong malapit sya sa akin, pero di ba nga?! Nakakaturn on ung kabanguhan ni Alex!

“Kate, sasama ka ba sa practice namin ni Alex ngayon?” tanong ni Liz

“San ba?” tanong ko

“Sa music room.” Sabi nya

“A. Ocge. Wala din akong kasama, kasama nila Crissy boylet nila e.” sabi ko tas kinuha ko na ung gamit ko tas pumunta na kami ni Liz sa music room, at nakita ko na andun na si Alex.. At nakatank top?!

MY SISTER and My... LOVER????Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon