Umasa ako sa iyong mga Pangako,
Naniwala at Umasang Mahal Mo rin Ako.
Pag-asang bigla na lang naglaho,
Dahil sa pangako mong napako.
Saya ang aking nadama,
Nung panahong ika'y aking kasama.
Saya ay napalitan ng lungkot,
Alaalang nating dalawa'y di malimot.
Inis at galit ang aking naramdaman,
Nung araw na ako'y iyong nilisan.
Mali ba na ika'y aking mahalin?,
Umaasa pa rin na ika'y magiging akin.
Bakit nga ba ako sayo'y nagtiwala?,
Sa taong katulad mong Walang Isang Salita.
NagpakaTANGA, Umasa at NagpakaGAGO ako sayo,Mali nga ba mahalin ang isang katulad mo?
Ito'y iyong tandaan,
Di ko na babalikan ang ating nakaraan.
Magiging masaya sa aking kasalukuyan,
Salamat sa ating pinagsamahan.