Sila ang mga taong hindi ka iiwan,
Sa oras ng kasiyahan at kalungkutan,
Sila'y nariyan upang ika'y damayan,
Sa panahong sila'y iyong kailangan.Sila ang mga taong iyong malalapitan,
Sa mga panahong wala kang mautangan,
Kasama mo sa paggawa ng kalokohan,
Handa kang pasiyahin pag ika'y nasasaktan.Walang humpay na tawanan,
Ang hatid nila sa mga nakakatuwang kwentuhan,
Kaya kang ipaglaban kahit kanino man,
Sila ang maituturing na tunay mong KAIBIGAN.