Chapter 4

2 0 0
                                    

O_______________________________________O

''Bestfriend?'' Tanong ko habang pahina na lumingon

''Narinig mo lahat yung sinabi ko?'' tanong ko

''Huh? Wala. Kakadating ko palang nga eh!'' Sabi niya at napabuntong hininga talaga ako dun ng SOBRA

''Ahh!! Yun ba? Anong ginagawa mo ditto bestfriend?'' Tanong ko

''May dadalawin lang.'' Sabi niya at OUCH

''Ahh...ok..sige alis na ako.'' Sabi ko at tumakbo na papunta sa amin

*Room*

Umiyak lang ako. Ang sakit pala! Huhu!! Habang umiiyak ay niyayakap ko yung teddy bear na bigay niya.

''Hay! Buti ka pa, andiyan ka lang.'' Sabi ko sa teddy bear at hinhimas-himas

*Tok Tok*

''Pasok!'' Sabi ko

''Saige, may sasabihin sana ako sayo.'' Si Mama lang. Umupo siya sa bed ko

''Ano yun Ma?'' Tanong ko

''Kasi dapat mo nang ligpitin yung mga gamit mo kasi lilipat na tayo.'' Sabi ni Mama

''Huh? Saan tsaka bakit Ma?'' Tanong ko

''Kasi lilipat tayo dun sa France for personal reasons.'' Sabi ni Mama

''Kung saan nakatira si Auntie?'' Paninigurado ko

''Oo anak kaya ayusin mo na yung gamit mo tsaka bukas ng gabi tayo pupunta kaya makakapasok ka pa.'' Sabi ni Mama at umalis na

Ba't ngayon pa?! Huhu!! Hay! Bukas, aaminin ko na talaga!!!

*Next Day*

Bumaba na ako para mag-alamusal. Tapos na akong maligo. Umupo na ako at kumain na.

''Handa ka na ba Saige para mamaya?'' Tanong ni Papa

''Uhmm....di ko alam.'' Mahina kong sabi

Tumayo na ako at kinuha na bag ko at lumabas na. Sumakay na ako sa sasakyan namin at nagpahatid na sa driver naming papunta sa school.

*School*

Pumasok na ako sa room namin at umupo. Nakatunganga lang naman ako.

''Saige!'' Tawag ni Mae, bestfriend ko rin

''Oh, bakit?'' Tanong ko

''Nakita mo ba si Angelo?'' Hmm..baka siya yung babae na ipinapahiwatig ni bestfriend. Maganda siya, matalino, matangkad at kung ano pang mga katangian ng isang babae in short PERFECT.

''Uy Saige! Ba't ka umiyak?'' Tanong bigla ni May. Ito naman ako , umiiyak naman

''Hah? Wala lang! Mamimiss ko kasi kayo kasi pupunta na kami ng France mamaya.'' Sabi ko at ngumiti ng pilit

''Huh?! Mamiss kita!'' Sabi niya at niyakap niya ako

''Mamimiss ko yung tawa mo!'' Sabi ko at niyakap siya pabalik

''Hahhaha!'' Tawa niya at kumalas na sa yakap

Nagsimula na ang klase at nakatunganga pa rin ako pero sumasagot naman sa mga tanong ng mga teachers namin. Pero pansin ko lang, wala si bestfriend ah!

*Rings*

Hay! Natapos na lang ang klase pero di ko pa rin siya makita. Nasaan ba kasi yung taong yun! Plano ko pa naman umamin sa kaniya para medyo gumaan yung pakiramdam ko para sa kaniya ngayon. Siguro ikikimkim ko nalang siguro yung nararamdaman ko para sa kaniya. Parang wala na rin akong pagasa sa kaniya. Kinuha ko na bag ko at lumabas na sa room at sinara ang pinto. Ako na lang kasi ang natira eh! Naglalakad lakad lang ako. Pinagmamasdan ko lang yung paligid. Mamimiss ko ang mga puno ditto at yung simoy ng hangin ditto. Bumaba na ako at pumunta sa gym. Pumasok at biglang....

''Ahy!'' Napasigaw ako kasi biglang namatay yung ilaw sa loob

''Ano ba yan! Balak ko pa naman tingnan ditto.'' Sabi ko at bigla nalang bumalik yung ilaw at...

O________________________________O


Bestfriend, MAHAL KITA!!! (SHORT STORY!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon