#1. Unexpected...

9 0 0
                                    

Bata pa lang tayong dalawa, gusto na natin ang isa't isa.

Naging tayo officially mga 12 yrs. Old.

Halos araw araw kaming magkasama, pero okay lang naman sa parents ko at sa parents nya ang relasyon naming dalawa.

Kapag papasok sa school laging hatid-sundo nya ako, medyo malayo ang bahay nya pero nagagawan naman ng paraan.

Parehong mayaman ang pamilya namin dalawa at parehon din kaming bunso kaya walang problema.

Tuwing sabado ay lagi kaming may date, walang palya.

Masasabi ng iba na hindi normal ang relasyon namin, to the fact that never kaing nag-away kasi naggi-give way sya sakin.

Never siyang nagalit, nainis o kaya ay nagselos dahil meron siyang tiwala sa akin at mahal nya ako, ganun din ako sa kanya.

Nagdaan ang isang taon pero wala parin kaming pagbabago sa isa'tisa, well siguro madagdagan pa sya ng sobra.

Nagdaan ulit ang isang taon at lalo pang tumibay ang samahan naming dalawa.

Dahil hindi kami nagbabago sa pakikitungo sa isa't isa ay napansin ito ng parents namin.

Kinausap nila kami kung gusto ba daw namin na maengage sa isa't isa, dahil kitang kita naman daw sa aming dalawa ang pagamamahalan, pero binigyan muna kami ng ilang araw para magdecide sa mga ganitong sitwasyon.

Hanggang mapagdesisyonan naming maengage pareho, masaya kaming dalawa syempre at nakikita ko ito sa kanyang mga mata.

Kung tuwong sabado ay may date kami ay dinagdagan na namin ito ng linggo, pagkatapos naming magsimbang dalawa.

Ang engagement ay gagawin pa sa susunod na taon, kaya maghihintay pa kami ng isa pang taon para rito.

Nakalipas ang isang taon at malapit na mag-4 months para sa monthsary naming dalawa.

Hanggang isang sabado, nakaready na ako para sa date namin ng biglang siyang nagtext sa akin, hindi na raw siya makakapunta dito at himdi na matutuloy ang date namin ngayon.

Sabi ko na lang sa sarili ko, " okay lang ngayon lang naman eh. "

Hanggang nasundan pa iyon ng susunod pang sabado at linggo, madalang na rin siyang magtext at hindi niya na rin ako hinahatid at sundo mula dito sa bahay hanggang sa school. Pero nakakapag-usap naman kami pero madalang lang din.

Sabi ng mom niya lagi daw siyang umaalis ng bahay, akala nga daw ay pumupunta sa bahay namin.

Tinanong ko siya once nung nakapag-usap kami sa phone, sabi nya nasa kaibigan nya daw sya may inaasikaso lang pero mayamaya ay nakarinig ako ng boses babae na nagsasalita, tinanong ko sya kung sino in sabi nya wala lang daw yun.

Bigla akong kinutuban nung mga oras na yun tatanungin ko sana ulit sya ng panibagong tanong ng bigla na lang syang nagpaalam.

Pero alam ko na nagsasabi siya ng totoo pero kinakabahan na talaga ako eh.

Kay nakapagdesisyon ako na mag-hire ng private investigator para makumpirma ko kung tama ang hinala ko.

Nang magreport sa akin ito, napagalaman kong may pinupuntahan siyang bahay.

May picture din na may kasama siyang babae sa loob. Hindi ko muna siya kinausap tingkol dun, dahil baka ng kaibigan niya lang yun.

Nagdaan ang tatlong buwan ng hindi namin nace-celebrate ang monthsary naming dalawa, sabi niya nabawi na lang daw siya.

Never Knew...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon