September na pero maraming students ang pakalat kalat sa kung saan, pero nagtataka ako bakit ako nandito sa library nagbabasa ng libro samantalang patapos na ang klase ko.Para advance lesson? No
Sadyang mahilig lang talagang magbasa ng libro? No
Tumatambay? Maybe
Pero ang tamang sagot ay meron akong sinisilip dito, masasabi kong stalker ako pero hindi ah kasi maganda ako kaya ang tamang tawag ay admirer yon tamang ang tawag para sa isang magandang tulad ko hihihi!
Simula nung nakita ko siya dito sa library, minsan sinusundan ko na siya maski nga papuntang bahay nila eh pero tinitingnan ko lang naman.
Ung bang, okay alam ko bahay nya, alam ko kung saan matatagpuan ang classroom niya sisilip silip pag magc-cr yung bang mga simpleng ganun.
Feeling ko tuloy parang ang hopeless romantic ko naman sa kaniya, kac siya kilala ko pero ako hindi niya ako kilala. Huhuhu
Pero okay lang fighting! pa rin. Actually crush ko lang siya ung tipong hanga lang kac ang gwapo niya, pero pwede rin namang maging boyfriend ko siya kung liligawan niya ko. Hehehehe
Pero maghihintay lang ako para sa tamang panahon. Tulad nga ng sabi ni lola Nidora. " ang lahat ng kagustuhan ay makukuha sa tamang panahon. "
Kaya sa nagdaang dalawang taon, siguro naman masasabi ko na na gusto ko na siya.
At sa nagdaang din dalawang taon, siya pa rin ang lalaking gusto ko. Nung panahon nga na nagka-girlfriend siya, parang na-heart broken ako bigla.
Ung para bang matagal mo na siyang gusto tapos malalaman mo na lang na may proon na siyang gf, amg mas masakit eh mas maganda naman ako dun no, djk lang pero masakit talaga eh.
Pero habang tumatagal ang relasyon nilang dalawa parang natatanggap ko na na hindi ako ang para sakanya, nakikita ko sa mga mata nya na mahal na mahal niya ung gf niya.
Hanggang sa dumating ung araw na ikagigimbal ng mundo nya. Napagalamn niya kasing niloloko siya nung babae kaya hiniwalayan niya.
Nung una ayaw niya daw talaga hiwalayan kasi mahal niya pero nung nagsalita ung babae parang ako ing nasasaktan para sa kanya, ikaw ba sabihan ng "Ang boring mo kasi, wala ka ng fun. " at eto pa ang pinaka matindi " Alam mo kaya lang naman kita sinagot kasi sikat ka, gwapo, mayaman, nasayo na ang lahat, matalino ka din at heartthrob pa dito sa campus. Diba pag naging bf kita mas aangat ang popularity ko at makakasama ko ang best friend, di ba bongga."
Kaya nalaman ko yan kasi sinundan ko siya nun, at sa pagkakaalam ko first anniversary nila. Hindi naman sa gusto kong saktan ang sarili ko at panuorin siyang bumati sa gf niya ng happy anniversary.
Sinumdan ko siya para makita ko ung surprise niya bali-balita kasi na may hinanda siyang surprise para dun sa babae, malay ko bang siya pla ang isu-surprise nito.
Buti na lang talaga nakapagpigil ako kasi parang on cue ung nangyari, pagkatapos kasi sabihin yun ni babaita eh dumatimg naman ung bestfriend niya.
Mukha talagang nanlumo ung hitsura niya nung araw na yun kaya pagkaalis na pagkaalis pa lang nilang dalwa ay pinuntahan ko siya. Nabigla naman siya nung una pero mas nabigla ako nung niyakap niya ako at bigla siyang umiyak.
Iyak pa rin siya ng iyak habang hinahagod ko ung likod niya, ngayon ko lang siyang nakita ng ganito kaya bigla akong naawa sa kalagayan niya ngayon.
Pagkatapos nun humungi lang siya ng sorry kasi dapat daw hindi siya umiiyak over something na hindi daw dapat iniiyakan.
Simula nung araw na yon naging magkaibigan kami, lagi nga kaming magkasama eh, ung para bang hindi mo na kami mapaghihiwalay sa sobra naming closeness.
Naging matalik ko siyang kaibigan, para bang best friend katulad nila Millezeen at Miller sa story ni Gandangsora. ( hahaha mema-isingit lang, maganda po ung story basahin nyo. )
Habang lumilipas ang bwan nakikita kong nakaka-move on na siya dun sa ex-gf niya, is that a good sign or not kasi parang wala na akong nararamdaman para sa kanya, parang best friend lang talaga kami. Nawala na ung kilig sa akin kasi tinuring ko siyang kaibigan at hindi na sumagi sa isipan ko na may gusto pala ako sa kanya.
Hanggang sa dumating yung panahon na nagtapat siya na nagugustuhan na daw niya ako, nabigla ako syempre, pero hindi agad ako nakasagot kaya sabi niya okay lang daw at maghihintay daw siya. Naisip ko bigla gusto ko pa rin ba siya?
Pero para talagang wala na eh kaya sa mismong araw na yun sinabi ko sa kanya na hanggang kaibigan lang talaga siya para sa akin masakit man para sa kanya eh tinanggap niya, para namang memagagawa siya.
Nagsorry na lang ako, pagkatapos nun hindi siya nagpakita sa akin, hinanap ko naman siya pero mukhang umiiwas siya kaya hinyaan ko na lang. Napag alamn ko din na bigla na lang siyang nagpatransfer at lilipad na papuntang States para ipagpatuloy ang pag-aaral dun
Wala naman akong nagawa kaya tinanggap ko yun, pagkaraan ng ilang taon, nakagraduate na ako at may trabaho na. Pero hindi ko pa rin siya nakaka-usap, siguro ay nakalimot na yun at may magandang buhay.
Hayyyy!!!! Buhay nga naman oh ganito na lang ba matapos ung lovelife ko sa wala, sigh parang napapagiwanan na at ako ah, yae mo na mag aampon na lang ako heheh. Djk lang.
Nandito naman ako ngayon sa office kasama ung iba ko mga katrabaho, naglilinis kami ngayon ng mga table namin kasi dadating daw ung boss namin na galing pang ibang bansa dahil isa lang itong branch company meaning hindi ito yung main branch.
Pagkatapos mag-ayos eh pati sarili na namain ay inayos na kay nung okay na eh luminya kami para batiin ung boss namin. Medyo nahuli pa ako kasi may nagutos pa sa akin kaya ako ung huling kakamauan niya kay apnung pag abot ko ng kamay eh hindi ko pa nakikita ung mukha nagtaka naman kpako kasi hindi nya kinuha kaya napatingin ako sa kanya.
Bigla akong napa-astras nang makilala ko kung sino siya.
Siya, siya na lalaking crush ko , siya na lalaking gusto ko, siya na lalaking naging best friend ko, siya na lalaking umalis ng hindo nagsasabi. Ay nasa aking harapan at ngayon ay naka ngiti or more on smirk.... Pano na to!!!!!
____________________________________________________________________________
Hello po sa inyong lahat!
Sana na,an po nagustuhan nyo po ito.

BINABASA MO ANG
Never Knew...
Casuale#1-- Unexpected.... -- Simula pa lang ako na, bakit biglang naging iba...It should be me... pero dahil mahal kita pakakawalan kita, sabi nga nila If you love someone set her/him free.... #2 -- Undefined Feelings.... -- Gusto naman kita noon ah , bak...