1..

319 1 0
                                    

Carmella's POV

Hi ako nga pala si Carmella.

Ngayon ano ginagawa ko? Ito inii-stalk ko yung facebook ng crush ko. Everyday kasi pagkagaling ko sa school ay i-oopen ko kaagad ang laptop ko tapos i-oopen ko din ang facebook ko and then yun na sisimulan ko nang tignan ang account ng crush ko. Everyday yan, parang daily routine ko na din... sabihan nyo na ako nang "weird" , "adik" , o kung anu man ang naisip nyo na itawag sa akin... ok lang... ito ako ehh... wala na kayong magagawa pa.

Tsaka syempre hindi naman nakakasawa itong ginagawa ko... syempre si crush yun ehh. Yung mga post nya i-lilike ko. Mga photos nya i-lilike ko din. Tapos i-sasave ko din yung ilang photos nya sa computer ko, syempre maglalagay din ako sa phone ko. Para kahit san man ako pumunta ako ay nakikita ko sya... hindi man sa personal atleast kahit sa larawan lang ok na sa akin yun.

Pero syempre hinay-hinay lang ako baka mahalata ni crush ehh...

Tapos pag tinitignan ko ang mga photos nya ay naku buti na lang hindi natutunaw yun, hindi ko kasi mapigilang hindi tignan ng ilang oras. Siguro mahigit isang oras ko ding inii-stalk yung facebook nya. Tsaka hindi naman nakakasawa ehh... kaya ok lang.

Pero kahit ganyan naman ako kay Crush, syempre hindi ko naman pinapabayaan ang pag-aaral ko. Hindi naman sa pagmamayabang pero nasa top ako... top 8 ako. Tsaka nga pala 4th year High School na ako, graduating na din.

Pero kahit naman adik ako dyan kay Crush, kahit kailan hindi ko pinapabayaan ang pag-aaral ko. Oo na inaamin ko na adik talaga ako sa Crush ko, and I'm proud to say that. Syempre kailangan marunong tayong mag-balance, sa lovelife ay este, si Crush at Studies binabalance ko yan. And oo nga pala magka-schoolmate kami ni Crush kaya lagi ko syang nakikita.

Basta everyday lagi ko syang nakikita tsaka same year and same school din kami. Kaya nga everytime na nakikita ko sya napapangiti na lang ako ehh... at syempre nakakalungkot nga lang ay hanggang tinggin na lang ako sa kanya. And syempre pati friends ko alam nila na super duper crush ko sya... and every time na nakikita ko si Crush naku kasunod na nun ay ang pag-aasar nila sa akin.

Ay oo nga pala di nyo pa pala alam pangalan ni crush... ang pangalan nga pala ng crush ko ay Nikko... gwapo yan promise. Pero maya na ako mag-kwento stalk ko muna facebook account ni crush.

After 2 hours....

Grabe 2 hours na akong ini-stalk fb account nya kaso hindi naman sya online. Pero ok lang tinignan ko lang naman yung mga picture nya ehh. At nung time na mag lo-log out na dapat ako ay bigla kung may nakita sa notification ko at nung titignan ko ay nagulat ako dahil may pinost si Nikko at nung tinignan ko ay ito ang pinost nya...

I am the happiest and the luckiest person alive!!

Kaya ni-like ko agad yung post nya.

Na-curious nga ako bakit kaya sya masaya?

Kaya naghintay lang ako ng ilang minutes dahil baka mag-post pa sya. Nagtataka kayo kung bakit hindi ko sya chinat kahit online sya... kasi nahihiya ako.

Kahit sobra ang pagka-crush ko sa kanya ay may hiya naman ako. And dahil gabi na din ay tinawag na ako ng mama ko para kumain muna ng hapunan kaya pinatay ko muna ang laptop ko.

At pagkatapos kung maghapunan ay umakyat kaagad ako ng kwarto ko para tignan na kung anu na ang nangyari sa fb ni Nikko. At ito ako ngayon nakaharap na sa laptop ko at excited dahil baka may bagong post si Nikko.

Noong na-open ko na ang facebook ko ay hindi ko na pinansin yung mga notification ko dahil tinignan ko na kaagad account ni Nikko. At nung nasa account na ako ni Nikko ay nagulat na lang ako sa nakita ko.

Iniisip ko na sana ay hindi ito totoo pero ito ehh... ito yung nakikita ko.

Alam nyo ba kung anu iyon? ito yun ehhh...

Nikko Cruz is in a relationship with Michelle Santos

Feeling ko parang gusto kung magpalamon sa lupa dahil sa nakikita ko. Edi ito pala ang ibig nyang sabihin dun sa post nya, kaya pala sya masaya, tapos ito ako ngayon nagdurusa.

Pasensya na kung masyado akong affected talagang masakit ehh...

Siguro dahil sa sakit na nararamdaman ko siguro hindi na lang basta simpleng crush ang nararamdaman ko para sa kanya siguro mahal ko na sya... ay mali hindi lang siguro dahil ang totoo ay mahal ko na sya.

Ganito pala yun pag nasaktan ka lalo na sa taong gusto mo ang sakit ehh. Hindi ko namalayan habang ito tulala pa rin sa nakikita ko may pumatak na palang luha sa mata ko.

Isang patunay na nasasaktan ako sa mga nakikita ko.

Bigla ko tuloy naalala yung unang beses kung nakita si Nikko aaminin ko wala pa akong nararamdaman para sa kanya noon. Pero noong pangalawang beses na nakita ko sya ewan ko ba basta bigla na lang na may nararamdaman ako na 'kung anu' para sa kanya.

Hindi sya love at first sight kundi parang love at second sight... meron bang ganun? Basta parang ganun na rin yun.

My Crush StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon