6..

31 0 0
                                    

3 days later...

Matapos ng pagkapanalo ng volleyball at basketball team ng school ay nagkaroon ng program ngayon sa school. Parang victory celebration ata nila parang ganun. Pero aside din dun sa victory celebration na iyon ay ngayon ay cinecelebrate din ng school ang birthday ng school principal.

Naisipan na rin siguro nila na ipagsabay yung celebration. Parang double celebration kung baga. Kaya ngayon ay may hinanda silang mga program at ngayon ay pinapanood namin ito. Lahat ng program na hinanda nila ay nagustuhan ko at nakaka-enjoy kasi. Pero nagulat na lang ako nang nagperform siya sa stage kasama yung mga nakita kung kasama niya noong unang beses ko siya nakita.

Ngayon na nakikita ko siyang nagpeperform sa stage ay mas nagugustuhan ko ang nakikita ko. Last night kasi ay nanood ako ng ilang videos niya na nasayaw sya pero mas gusto ko ang nakikita ko parang mas gusto ko na live syang nagpeperform.

"Uy..."

Bumalik na lang ako sa realidad ng narinig ko iyon.

"Bakit?" tanong ko kay Mara siya kasi ang nag "Uy" sa akin

"Kasi kanina ka pa nakatingin sa kanya..."

"Ha!?"

"Ayyy... naku sabi ko kanina ka pa nakatingin sa kanya... kay Nikko..."

Nanlaki naman ang mata doon sa huli niyang sinabi. Bakit masyado ba akong nakatitig sa kanya?

"Ha! Hindi ahhh... baka akala mo lang iyon... tsaka pinapanood ko lang sila... kaya normal lang na talagang nakatingin ako sa kanya... tsaka sumasayaw siya ohh..." pagpapaliwanag ko sa kanya

Tapos napansin ko na ngingiti-ngiti siya sa akin.

"Bakit ka naman nakangiti dyan?" tanong ko sa kanya

"Wala lang..."

Tapos noon ay nanahimik na siya pati rin ako. Nagulat na lang ako noong bigla nanaman siyang nagsalita.

"Nakakatuwa ka talaga Carmella... naaalala ko noon sabi mo pa nga... hindi ako magkakagusto sa kanya..."

Nagtataka naman ako kung anu yung sinasabi at tinutukoy niya.

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Wag ka ng mag maang-maangan pa... kasi halata ka na..."

"Ano?"

"Ayy naku... gusto mo sabihin ko talaga..." pagbabanta niya sa akin

My Crush StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon