5..

46 0 0
                                    

After 1 week...

Ang bilis ng mga araw at natapos na din ang exam week namin. Salamat naman ay may mga nasagot ako sa exam ko. Nitong mga nakalipas na araw ay hindi ko siya nakikita. Para bang iniiwasan ko siyang makita. My time kasi na nakakasalubong ko siya pero umiiwas kaagad ako. Hindi ko alam para kasing naaalibadbaran akong makita siya. O baka naman nahihiya ako. Hindi ko alam basta iniiwasan ko siya.

Dahil tapos na din ang exam namin ay inaabangan naman ng iba ang sport feast lalong lalo na ang pinsan ko. Ako rin naman ay excited na dahil sa dati kung school ay may ganito rin pero iba kasi yung dito. Sa dati ko kasing school ay year level lang ang magkakalaban. Pero dito ay kalaban nila ang tiga ibang school kaya karamihan ay excited na.

Nakwento kasi sa akin ni Carla na lagi daw champion ang basketball dito. Samantala naman ang volleyball ay minsan lang. Kaya ang ilan talaga ay excited na sa game na dadating. Nandito na kami ngayon sa gym dahil magsisimula na ang laban ng volleyball. At dahil kasama si Carla doon ay nanood kami at para na rin icheer siya. Maya-maya din ay nagsimula na ang game.

Unang round palang mainit na ang laban, makikita talaga sa laban nila na dikit talaga ang laban, pero syempre hindi papatalo ang pinsan ko noh!!

"Galing naman nung mga kalaban nila" narinig kung sabi ng mga nanonood ng laro

"Sa tingin mo mananalo kaya tayo?" tanong nung isa doon sa kasama niya

"Oo naman magaling kaya ang volleyball team natin" narinig kung sagot niya

At dahil busy ako sa pakikinig doon sa dalawa ay hindi ko na pansin ang mga nangyayari sa laban. Nagulat na lang ako ng narinig kung naghiyawan itong mga katabi ko sila Mara at Celine. At kaya pala sila naghiyawan ay dahil naka-score pala kami. Nakakatuwa pa dito ay si Carla ang nakakuha nung puntos na iyon. Bilib na talaga ako sa pinsan ko. Naiinggit tuloy ako sa kanya buti pa siya may talent ako wala ehhh... pagkain lang ata ang kaya kung gawin... xD

At sa huli ay natapos din ang game at syempre panalo kami.

"Uuwi na ba tayo?" tanong ko sa kanila

Wala naman kasi kaming pasok dahil pag may mga ganito kasi silang event sa school ay kasunod noon ay walang pasok ang mga estudyante.

"Uuwi? Hindi pa noh..." sabi sa akin ni Mara

"Ehhh... diba tapos na yung volleyball game? Anu pa gagawin natin dito?" tanong ko sa kanila

"Ano ka ba... hindi mo ba alam na pagkatapos ng volleyball game ay kasunod noon ay basketball" sabi niya sa akin

"Talaga? Hindi ko alam ehhh..." sagot ko sa kanya dahil hindi ko naman alam, dahil volleyball lang naman na game ang alam ko na laro ngayong araw

"Bakit hindi mo ba alam na may basketball game ngayon?" tanong naman sa akin ni Celine

My Crush StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon