7..

57 0 0
                                    

Next Day...

Pagdating ko sa classroom ay napansin ko ang ilang kung mga kaklase na babae na may pinag-uusapan. Ang narinig ko sa kanila ang pinag-uusapan nila ay yung tungkul sa kanya... kay Nikko at sa gf niya... bilis talaga ng balita... kung pinag-uusapan siya dito sa classroom tingin ko din ay pinag-uusapan na iyon ng buong campus.

"Narinig mo na ba ang usap-usapan?" tanong sa akin ni Mara

"Oo yan pa..." sagot sa kanya ni Carla

"Ok lang yan... ano ka ba" sabi sa akin ni Mara

Ramdam ko sa kanya na chini-cheer niya ako para hindi na ako maging malungkot.

"Marami pa namang lalaki dyan... di lang naman siya lalaki sa mundo noh!!" sabi niya sa akin.

Matapos niyang sabihin iyon ay nginitian ko na lang siya. Matapos ng balitang iyon ay hindi madali sa akin ang mag move on. Siguro dahil first time ko lang makadarama ng ganito. Pero kahit papano ay kahit kunti ay kinakaya ko. Tsaka nandyan naman ang mga kaibigan ko para pasayahin nila ako.

Dumaan pa ang ilang mga araw at buwan at dumating na din ang Graduation namin. Hindi ko namalayan ang mga araw at ito ako magtatapos na ako sa high school. Mabilis talaga ang mga pangyayari hindi mo lang inaasahan ang mga ito.

Pero kahit papano ay nakakatuwa naman pala ang pagkakaroon ko ng crush dahil siya ang inspirasyon ko sa pag-aaral... dahil mula sa pagiging top 8 ko ay naging top 6 ako, hindi ko iyon inaasahan pero masaya naman ako. Syempre proud sila sa akin lalung lalo na ang mga magulang ko.

Samantalang si Celine naman... ayon salutatorian siya matalino naman kasi sya ehhh... Sila Carla at Mara naman ay kahit hindi naman sila nakasama sa top ay masaya ako dahil sabay-sabay kaming nag-graduate.

Siguro hindi ko talaga makakalimutan itong high school memories ko. Kasi meron masasayang karanasan meron din namang malulungkot.

Lahat naman tayo ay nakakaranas din ng ganito... parang parte na rin ito ng paglaki natin... aasahan man natin o hindi inaasahan ay darating at darating iyon. Mga alaala na kahit kalimutan mo ay maaalala't maaalala mo.

Pero over all naman masaya naman ako sa experience na ito kasi mas lalo pang pinasaya pwede ring pinakilig ang buong high school experience ko. At ngayon ay haharapin ko naman ang bagong yugto sa aking buhay... siguro... baka... may mga ganito rin akong sitwasyon na kakaharapin... siguro ay ihahanda ko na lang ang sarili ko sa mga posibleng mangayari... kung meron man...

After 3 months...

Pagtapos ko sa high school ay isang bagong yugto nanaman ang haharapin ko... ito ay ang pagdating ko sa college... nakakakaba pero kakayanin ko ito. Hanggang ngayong college ay magkasama pa rin kami ni Carla parehas kasi kami ng university na pinasukan kaso magkaiba nga lang kami ng course.

Siya kasi IT ang kinuha niya samantalang ako naman ay Dentistry. Samantala sila Mara at Celine naman ay sa ibang university pumasok.

Si Celine kasi ay Nursing ang kinuha kaya yung university na pinasukan niya pang nursing talaga, basta yung unversity na pinasukan niya ay yung pang doctor at nursing talaga. Samantalang si Mara naman ay HRM ang kinuha at kaya hindi namin siya kasama ay dahil ang parents niya ang pumili ng university na papasukan niya.

At ngayon ay first day of school at syempre kinakabahan ako. Tsaka dahil na din sa mga kwento ng mga pinsan ko sa akin. Sabi kasi nila sa akin mahirap daw ang college pero worth it naman daw pag nakatapos ka. Kaya siguro kinakabahan ako dahil doon sa mga sinabi nila sa akin.

Siguro naman ay kakayanin ko ito dahil wala namang bagay sa mundo na madaling makuha. At dahil sa hindi naman kami parehas ng course ni Carla ay mag-isa lang akong naghahanap ng classroom ko.

Kaso problema ko nga lang ay hindi ko alam kung saan ang room ko tsaka ang laki din kasi nitong university na ito baka maligaw lang ako kaya nagtanong tanong na lang ako... kahit kinakabahan ako ay kinaya ko. Hanggang sa wakas ay nakarating na ako sa building ko at hinanap ko na lang ang room ko.

Habang tinitignan ko ang schedule ko ay hindi ko inaasahan na may bigla na lang may bumunggo sa akin kaya napaupo ako sa sahig sa sobrang lakas ng impact. Pero ang masama pa doon ay umalis na lang yung bumunggo sa akin at hindi man lang niya ako tinulungan.

Naiintindihan ko naman kung nagmamadala siya pero sana naman ay tinutungan niya akong tumayo. Pero bago pa man ako tumayo ay may bigla na lang nagsalita sa tabi ko.

"Miss ok ka lang?" tanong niya sa akin

"Oo" sabi ko sa kanya kahit hindi ako ok...

Tapos napansin ko na inabot niya yung kamay niya sa akin mukhang tutulungan niya akong tumayo kaya inabot ko ito para makatayo na din ako.

"Salamat" sabi ko sa kanya

"Pasensya na doon sa kabarkada ko... nagmamadali kasi siya ehhh..." sabi niya sa akin

Noong narinig ko iyon ay kahit papanu ay natuwa naman ako at friend niya pala yung nakabunggo sa akin pero buti na lang ay mabait itong kaibigan noon at ito tinulungan pa ako.

"Ahhh... sige ok lang" sabi ko sa kanya

Tsaka ko tinignan kung sino siya pero parang natigilan ako... na parang natulala... hindi ko alam pero parang... huminto ang mundo ko nung nakita ko siya...

"Sige una na ako... baka ma-late pa ako sa klase ko... sorry talaga doon sa nangyari" sabi niya sa akin at tapos noon ay umalis na siya

Samantalang ako naman ay naiwan lang doon na nakatulala lang... natulala na lang ako sa nangyari sa akin. Hindi ko alam pero may iba akong naramdaman para sa kaya.

Sa tingin ko nga ay may bago nanaman ata akong...

CRUSH...

THE END...

My Crush StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon