"Ano ba Jirah gumising ka nga dyan! Anong oras na oh!" sigaw ni fany."5 minutes pa" malamya kong sabi.
"Anong five minutes?! Bilisan mo na kung hindi ka tatayo bubuhusan kita nang tubig dyan sa kama! Hanggang 5 lang ah!"
Psh. Para namang gagawin niya yun. Haha
"ISA"
"Dalawa"
"Tatlo"Narinig kong binuksan niya ang gripo sa cr at lumapit nanaman siya.
"Apat"
Kala mo namang magagwa niya akong basahin -,-
"Lima"
Sabi ko sainyo eh di naman niya magagaw- "FANY NAMAN EH!!!"
BINASA BA NAMAN AKO SA KAMA!
"Anong akala mo di ko tototohanin? Haha" sabi niya na gamit ang mapangasar na boses.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Sabi ko habang kumukuha nang damit para makaligo na.
"Nakita ko ung video mo last week nung nasa may Press conference ka tapos hirap na hirap ka lumakad dahil sa mataas mong heels!"
Nga pala, si Fany yung stylist ko at yung nag tuturo ng proper etiquette chuchu~ parang si Effie Trinket sa Hunger Games.
"Ihhh~ hindi lang ako ganun ka sanay pero pag tumagal masasanay din ako" sabi ko sakanya.
Hindi ko kasi hilig mag suot nang heels. Mas gusto ko pang naka converse or vans nalang ako eh.
"Kailangan mo nang masanay dahil nabasa ko yung kapartner mo sa we got married ang ideal type nun yung nagsusuot nang heels"
Ha? Pano niya nalaman yung kapartner ko?
"Kung iniisip mo kung paano ko nalaman alam mo namang madaldal yang manager mo"
Manager oppa talaga~. Pero napaisip ako, alam na kaya ni jimin na ako yung kapartner niya?
Kilala ba niya ako? Okay lang kaya sakanya na ako yung kapartner niya?
"Oy Jirah natutulala ka nanaman dyan. Mag ayos kana may papagawa ako sayo!"
Ano nanaman kaya yun? Imbis na natutulog nalang ako may papagawa pa siya saken.
"Pag kaayos mo magpractice kang maglakad nang naka heels dito. Kahit pabalik balik kalang"
Psh. Buti madali lang.
"Kaso para saan yung libro?"
"Duh lalagay mo sa ulo mo!"
Ahh yung kagaya nung mga napapanood ko sa tv haha
"Isang oras lang naman basta babalikan kita dito"
Kahit naman di ko gawin di naman niya malalaman yun diba?
"Kung iniisip mo na di ko naman malalaman kung gagawin mo. Tandaan mo may cctv dito"
"IHHH gusto ko matulog ㅜㅡㅜ"
pagmamakaawa ko."Para sayo din naman yan,basta babalikan kita after an hour. Byee Good luck~" at tuluyan na siyang umalis.
Naligo na rin ako pagka alis niya at sinimulan ko na ung task.
Naka shorts ako at naka plain blue oversized shirt. kaso naka heels ako.
Masyadong masikip sa loob nang dorm kaya lumabas ako at sa may hallway ako nag practice. Nag earphones narin ako para feel na feel ko.
(For You- BTS)
"kiminokaoriga suru
konomichi o tadotteyuku~"Kada punta ko sa kabilang dulo ay dinadagdagan ko ung libro sa ulo ko. So, 3 libro na ang nasa ulo ko. Medyo nahihirapan na rin ako at nawawalan nang balance.
"subete for youuuu~
yan matatapos na ako! *O*
Isang ikot nalang at AHHHH---
Napapikit nalang ako. Ano bayan na out of balance pa ko. Kaso wait bat parang di naman masakit? bakit di ko naramdaman ung sahig?
Pagkabukas ko nang mata ko. Nagulat nalang ako dahil nasa harapan ko si
"Jimin??"
BINABASA MO ANG
We got married (Park Jimin ver)
FanfictionAno kayang feeling kung si Park Jimin ang magiging asawa ko?