Captivating Psyche_____chapter 1

171 5 0
                                    

"Psyche!"

Napalingon ako sa matinis na boses na tumawag sa akin. Sinasabi ko na nga ba, nandito nanaman sya para kulitin ako.

"Stop being so noisy Shequila"

"Tsk! Ano magbubuno ka dito sa opisina buong maghapon?" Tanong nya sa akin.

Abala ako sa pagreresearch ng ilang dokumento at mukhang ito nanaman ang napuna nya.

"Pupunta kami sa The Juvenile at kasama ka."

"Pero--"

"No excuses" putol nya sa sasabihin ko sana. "Hihintayin ka namin sa ibaba" yun lang at umalis na rin siya.

"Bossy" bulong ko ng masiguro kong out of earshot na si Shequila.

Wala ng inatupag ang babaeng iyon kundi ang maglakwatsa. Dahil wala kaming mga assignment eh kami ang nahihilang mga ka team mate nya.

Nakakainis talaga. Ang mga katulad namin hindi na dapat nagaaksaya ng panahon.

Walang oras para magsaya dahil hindi mo alam kung kelan tatama ang panganib. Laging nasa binggit ang mga paa ko. Binggit ng kamatayan.

"Psyche! Pinatatawag kana ni Alma bilisan mo na daw." biglang sulpot ni Eldren na agad din namang umalis.

Nang matapos ako sa pauupload ng files bumaba na rin ako agad.Naabutan ko sila sa parking lot. Mukhang gigimik talaga.

"Out of place ka nanaman Psyche"

puna sa akin ni Alma, ang team leader namin.

"Hanggang kelan mo ba balak magsuot ng office attire? Hindi naman iyan kelangan" komento naman ni Shequila.

"Here we go again" nasabi ko nalang. Lagi na lang nila pinupuna ang attire ko.

"Can you remove your glasses for a while?"

Hindi ko na pinansin ang mga rant nila. Alam nanaman nila kung bakit ganito ako manamit pero hindi pa rin nila ako tinitigilan.

"Tigilan nyo na si Psyche" sabi ni

"Yan kasi ang hirap kapag may magulang ka. Kailangang magpanggap." sabat naman ni Shequila.

"Kuh! tumigil ka nga. Hindi ka naman nagpapanggap dahil totoo ka namang fashion designer. Yun yung sinasabi mong trabaho mo diba" sagot ulit ni Alma.

"Pwede ba. Fashion designer slash agent. Ikaw nga hindi na kailangang magpanggap dahil ang Daddy mo ang tumatayong presidente ng agency"

"FYI, foster father" natatawa na lang si Psyche sa pagaaway ng dalawa. Samantalang tahimik naman si Maybel sa pagmamaneho.

Nakarating din naman sila sa bar. Kokonti lang ang tao dahil hapon pa lang. May mga agent din silang nakita pero kokonti lang. Dahil ang totoo, konti lang naman silang agent na dito sa Pilipinas na ka base ang operasyon.

Umorder na sila ng maiinom. Hirap talaga pag napapasama siya sa mga ito, siguradong tagabuhat siya kapag mga lasing na ang kasama.

"Balita ko may exchange agent tayong dadating from France. At sa grupo nila Eldren isasama" wika ni Shequila habang kumakain ng pulutan.

"Wait kung exchange ang mangyayari, sinong papalit?" tanong ni Psyche. Kaya siguro nagagalit si Jay kanina dahil sa grupo nila Eldren mapapasama yung exchange agent. Kalat na kalat kasi sa kanila na crush na crush ni Sir Jay si Eldren. Sino ba namang hindi eh isa sa mga tinitiliang agent si Eldren. Matangkad, mestiso at gwapo.

Maraming base of operation ang agency nila hindi lang sa Pilipinas. Meron din sa ibang bansa. Walang nakakaalam sa existence ng Three Towers kundi ang Fbi at ilang international police institution. Minsan nagkakaroon ng mga exchange agents para malaman ang existence ng bawat isa.

"Si Gerold yung kapalit" biglang sagot ni Maybel. Kanina pa niya napapansing tahimik si Maybel. Boyfriend kasi nito si Gerold malamang nalulungkot lang ito sa pagalis ng nobyo.

"Wait, as in si Gerold Adao? Agent 15? Ka team nina Guiller?" tanong ni Shequila. Tumango naman si Maybel.

"Eh paano kayong dalawa kung lalayo si Gerold" tanong niya.

"We're done guys. Break na kami nung isang araw pa. He broke up with me" Nakita ni Psyche ang lungkot kay Maybel. Bigla namang tumayo si Alma.

"Nasan ang Gerold na yan!! Langya! Bakit hindi mo agad sinabi! Ano toh lokohan. Naninigurado syang walang girlfriend kapag umalis sya! Asan yan uupakan ko!" nahirapan silang paupuin ulit si Alma, lalo na at nagsisisigaw na ito. Nagtitinginan na rin sa kanila ang ibang mga customer.

"Alma kalma lang, ang puso mo"

"Maybel!" tumingin ng mapang-akusa si Alma. "Bakit wala kang sinasabi sa amin?"

Napansin nila ang unti-unting pagliwanag ng mukha ni Maybel hanggang tuluyan na itong tumawa.

"Anong nakakatawa?" Lasing na si Alma. Pinakamasamang gawin kapag lasing ito ay ang galitin ang babae.

"You don't need to punch him Alma, I already do that. Besides, alam nyo namang hindi talaga ako seryoso sa relasyon namin" kahit nagsalita na si Maybel mukha paring gustong manuntok ni Alma.

"Boss, sinisira mo ang mood ng gimik natin eh. Tignan mo ang tahimik nitong si Psy" parang wala lang na wika ni Maybel habang kinakampay pa ang kamay. Napatingin naman ang dalawa kay Psyche na tahimik lang na kumakain ng roast beef.

"Bakit kayo nakatingin sa akin? Alam nyo namang hindi ako masyadong umiinom"

"Pabayaan nyo na si Psy, walang maghahatid sa atin kung lalasingin din natin yan" wika ni Shequila.

Biglang tumayo si Alma. "Alam nyo uwi nalang tayo nawala na ako sa mood"

"What? eh kasisimula ko palang malasing eh. Alma naman" nagpoprotestang tumingin si Shequila kay Psyche, malamang humihingi ng tulong.

"Shequila! Uuwi tayo o sasabihin ko kay Jay na huwag magserve ng tequila dito sa bar for 1 year!" padabog na tumayo si Shequila.

"Bakit ang init ng ulo mo?!" padabog din na naglakad palabas si Shequila. Kasunod naman nya si Alma. Naiwan sila ni Maybel sa lamesa. Dumating naman ang waiter ng bar para linisin ang lamesa nila.

"Mukhang mainit ang ulo ni Ma'am Alma. Ano namang ginawa nyo sa kanya Psyche?"

"Hay naku Franklin. Alam mo namang may pagkamoody ang boss mo. " sagot niya dito.

"At mahilig talaga silang magtalo ni Shequila. Kahit maliit na bagay pinagaawayan kahit nga walang dahilan, sanay na kami don" dagdag ni Maybel.

"Aalis na kami. Baka mapagbuntunan pa ako ng galit non. Si maybel naman talaga ang may kasalanan ng lahat"

"Hoy bakit ako?" hindi na sya sumagot. Baka pati silang dalawa eh mag-away.

Naglakad na sila ni Maybel papunta sa parking lot. Pagpasok nila sa kotse tahimik lang yung dalawa. Sanay na talaga sila sa pag-aaway ng mga ito, hindi din naman tumatagal ng isang oras ang away. Sigurado bukas maayos na ang lahat.

(Editing)The Three Towers #1- Captivating Psyche (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon