Kabanata 2

11 2 0
                                    


Kabanata 2


Evil Sister


Nakatunganga lang ako ng sandali, na napagdesisyonan kong mag-empake na.

Bago ako mag-ligpit ng mga damit ko, I decided to take half-bath para guminhawa pakiramdam ko. Ang lagkit ng buong katawan ko dahil sa usok at pawis na dumikit sa balat ko habang nagsasayaw kagabi.

Pumasok na ako sa banyo nang naalala ko na naman ang mukhang greek-God na estranghero.

Medyo mahaba ang buhok niya pero hindi naman siya madungis tingnan. Matangos ang ilong na wala kang ipipintas sa pagkakabagay nito sa buong mukha niya.

Ang kanyang bughaw na mata na napapaligiran ng mapilantik na pilik-mata at kapag nagagalit ay nagiging kulay ng dagat sa malalim na parte nito. Ang kanyang panga na lalong nag-dedepina sa kanyang mukhang banyaga. I wonder if his foreigner or just half.

I'm not a fan of having a foreigner boyfriend, mas gusto ko pa rin ang pinoy.

But that time, para siyang taga-ibang planeta na kay sarap tingnan dahil hindi normal na makita mo siya na nakikisalamuha sa mga taong katulad natin.

Para siyang isang Diyos na bumaba galing sa langit at ang kanyang mata ay parang wireless connection na nagsasabi sayo kung ano ang gusto niya o hindi.

Hanggang sa matapos ako sa aking pag-lilinis, hindi pa rin mawala sa sistema ang mukha ng lalaking iyon.

Hindi ko malaman kung anong nangyayari sa akin, maybe it's because I am fascinated by his features. Yun lang yun wala ng iba.

Paglabas ko ng banyo, nakita ko ang magaling kong kapatid na babae. Nakaupo siya na parang sa kanya ang kwartong iyon, nililibot pa niya ang mata niya sa bawat sulok ng kwarto ko.

She is 5 years older than me. Hindi siya anak ng Daddy ko, anak siya ng Mommy niya sa ibang lalaki.

That's why mainit ang dugo niya sa akin dahil minsan lang siya magkaroon ng Daddy, hindi pa niya tunay na kadugo.

"I heard you're moving. Well, that's great. Wala ng pasaway sa bahay na ito." She said with a btchy tone.

"Yes, you're right. Mawawala nga ako and I bet you are so happy hearing that news. In fact, kapag umalis ako, mawawalan ng magandang tao sa bahay na 'to. Kawawa naman ang bahay na ito kung aalis ako. By the way, congratulations ha? Regards to your mother." Pang-aasar ko sa kanya.

Nakikita kong namumula na ang kanyang mukha sa galit. Maputi siya, mas maputi pa kesa sa akin, but her face is with Chinese features. Kaya ang asar ko sa kanya ay mongoloid.

Okay lang sana kung magandang Chinese eh, don't get me wrong, I don't have grudges for Chinese features pero kasi sa kanya, hindi maganda ang kinalabasan.

She has kinky hair, na kala mo iba ang tatay niya. She has super singkit na mata na wala ng makita kapag ngumingiti and she is short.

Nung unang dating niya sa amin, akala naming mag-kakapatid makakasundo namin siya pero kung anong ikinapanget niya sa labas, ganun kapangit din ang kalooban niya.

She envies all of my things, even my room. She envies my features kaya lage niya akong sinusugatan o sinasabunutan.

She is also a pathetic liar, kapag gumaganti na ako sa kanya at napuruhan ko na siya, ay siya pa mismong may ganang mag-sumbong kay Daddy.

It turns out that I'm the bad girl, the btchy one, pero di alam ni Daddy na siya ang nag-simula ng lahat ng yun.

From that day na nababaliktad ako, I use to hate Daddy for that. Kaya rin siguro lalo akong nag-rebelde sa kanya.

Gumawa ng mga bagay na ayaw niya. Na hindi siya pakinggan sa mga pangaral niya, nung una I feel guilty for my actions pero ngayon nasanay na ako. Wala ng makakapagpabago pa sa ugali ko.

"How dare you say that? Sa tingin mo ba sobrang ganda ka na? At kahit na anong gawin mo, ako pa rin ang kakampihan ng Daddy mo?" Taas-noo niyang sabi sa akin with matching taas kilay pa. Akala niya kinaganda niya yun.

"Oo, maganda talaga ako. Nakikita mo naman di ba?" Sabay turo ko sa katawan ko.

I have a naturally brown curly hair. No need to go to salon for unnatural treatment. My eyes is like cats. Mapungay na mapang-akit.

My nose is small and not-so pointed pero cute pa rin at bumagay sa heart shape face ko. Unlike her skin color, I'm not morena pero di rin ako sobrang puti. Mamula mula ang skin ko and I have a proportioned body kaya wala siyang maipipintas sa akin.

Tumingin siya sa akin na parang papatayin na niya ako. Well, di ako natatakot sa kanya. Tinangnan ko rin siya ng nakakaloko.

"Okay lang. Wala rin naman akong mapapala kung makikipag-away ako sayo. Magagas-gasan lang ako at papangit lang ang kutis ko. Wag na lang, atska totoo namang kawawa ka eh. Wala ka naman ng lahat at alam mo bang naaawa ako sa Daddy ko sa sobrang pagkampi niya sayo, kasi hindi niya alam na ang anak-anakan niya ay isang demonyong nagbabalat-kayo sa mukha ng isang anghel. Wala na tayong magagawa dun. At ayokong makipagkumpitensya sayo, kasi alam ko sa sarili ko na isa talaga akong demonyo at hindi nagbabalat-kayong anghel. Kaya kung ako sa'yo, umalis ka na bago pa lumabas ang sungay ko." Mahabang litanya ko sa kanya, baka kasi kahit papano makaintindi ang maliit niyang utak.

Pagkatapos kong sabihin yun ay tumayo na rin siya pero bago siya makalabas ay napansin ko ang pag-irap niya.

Sanay na ako sa kanyang pagmamaldita at wala akong pakialam sa sasabihin niya. Paulit-ulit ko ng naririnig ang pagbabanta niya sa akin.

At bago pa tuluyan siyang lumabas ng bahay ay may pahabol pa akong sinabi sa kanya."Stay ugly inside and out dear sister!" na nagpatawa sa akin ng malakas.

Heart of StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon