Kabanata 6

5 1 0
                                    


Kabanata 6

Plans


I don't know when I fall asleep last night. Ang tanging natatandaan ko lang ay ang pag-iyak ko ng walang humpay.

May sakit pa rin sa puso ko pero medyo okay na ang pakiramdam ko.


After I read my Mom's will, there's a motivation for me to continue life and move on. Siguro I can't bring back Mom but I can finish the task she started.


Bumangon na ako at nagligo, sobrang sakit kasi ng ulo ko dulot siguro ng walang humpay na pag-iyak.


I open the shower and feel the cold water erase my bad thoughts and stress. Maybe it's the right time to become optimistic.


I know there's still doubts to where we will begin the search of the murderer or who will teach us? Did Kuya Alastair already have someone to train me?


My deep thoughts were disturbed by a loud knock on the cr's door.

"Breakfast is ready, Princess.." ani Kuya Adam.


"Ok kuya, susunod na rin ako pabababa."


Dali-dali akong nag-ligo at nagbihis. Gutom na rin ako at kailangan ko ng lakas para makapag-isip ng plano.


Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na rin ako. Naabutan ko ang mga kuya ko na nagtatawanan at nagkukulitan. Natutuwa rin ako kasi kahit papano magkakasama kami ngayon.



I'm so happy that I didn't notice Avi eating with us. He wears a faded jeans and blue polo shirts. Nakatali rin ang kanyang medyong mahabang buhok. He also shaved and looks relax.


"Good morning..." ani niya.


Uminit ang pisngi ko hindi dahil sa kanyang sinabi kundi sa pagkakapahiya. Matagal ata ang tingin ko kaya napansin niya na nakatingin ako sa kanya at binati niya ako.


"Good morning too" Malamig kong bati sa kanya.


I don't want him to know that he has that effect on me. Manigas siya, di ako aamin.


Nagsimula na akong kumuha ng kanin at hotdog nang mapansin kong hindi sila gumagalaw.

"What's wrong?" Tanong ko na nagtataka.

"Nothing" Sabay-sabay nilang sabi.

I already have a clue on their actions. Maybe I am still vulnerable right now but I can handle myself. No need treat me like I am a glass, madaling mabasag.

"I know what you're thinking. Hindi naman agad-agad mawawala ang sakit, mga Kuya. I just want to have you beside me kasi kayo na lang natitira sa akin. Wag niyo naman akong ituring na isang bata. I can handle myself." Sabay ngiti sa kanila.


Nakita kong ngumiti din si Avi pero tinitigan ko lang siya at tinuloy ang pagkain.

"Mabuti naman. Hindi kasi namin alam kung pano ka icomfort. Mukha kang clown kagabi sa make-up mo na nagkalat." Pang-aasar ni Kuya Aye.


Nagtawanan lahat ng kapatid ko pati Avi. Akala niya siya lang marunong mang-asar.

"Given na yun Kuya Aye. Clown na kung clown kesa naman pinaglihi ka kay Popeye. Kaya pala ganyan itsura mo." Ganti ko sa kanya.

Lalong naglakasan ang tawa ng mga kapatid ko. Si Kuya Adam nga ay mangiyak-ngiyak pa.

Lahat sila ay nakahawak na sa kanilang mga tiyan at ganun din ako. Si Kuya Aye naman ay namumula na dahil sa pagkakapahiya pero tumatawa na rin.

Heart of StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon