[3] TATAY ALFRED

14 2 0
                                    

Chapter 3. TATAY ALFRED

Masaya akong pumasok ng ospital. Halos 1 week rin akong nakadestino sa graveyard pero ngayon babalik na ako sa dialysis area. Monday ngayon kaya may session si Tatay Alfred ngayon. Gusto ko na sila makita.

Sila?
Really Raikko kasali talaga si Cloud. tsk nababaliw ka na Raikko.

" Long time no see Raikko! " bati ni Erika sakin.

" Oo nga kamusta na kayo dito?? "

" Ok lang ganon pa rin madugo. Kahapon nga may inatake dito habang nag papadialysis. Buti na lang nandito si Doctor Ian para umalalay samin. "

" Ahh ganun ba eh si Tatay Alfred. Kamusta? "

" Ok lang naman. "

" Hoy Raikko bakit ngayon ka lang? " bigla na lang sumulpot sa likod ko si Aileen. " Wait lang Raikko humarap ka nga sa akin bilis! "

Kunot noo akong tumingin sa kanya. " Oh ano na naman ang napansin mo sakin ha! Ikaw talaga. "

" Nakalipgloss ka ba Raikko?? "

" Ahhh a little bit? Nakita ko kasi sa drawer ko. Sayang naman niregalo niyo sa akin baka maexpired lang."

" Anong ibig sabihin niyan ha? " saad ni Erika sakin.

" Anong ibig sabihin ha? Big deal ba na mag make up ako? "

" OO! " sabay nilang sabi sakin.

" O edi tatanggalin ko na. " kukuha na ako ng wet tissue ng pigilan nila ako.

" We're just kidding. It suits you Raikko. " pagpuri ni Erika.

" Yeah. Erika is right! Siguro epekto yan ng kape na ininom mu nung isang linggo noh. " pag bibiro ni Aileen.

" O baka naman epekto ng kasama?? " pag dudugtong ni Erika. Aba't talagang pinagtulungan pa ako ng dalawang to.

" Hay naku bahala kayo diyan. "

Dumating na si Tatay Alfred at may kasamang matandang babae na siguro ay nasa 50's na. Pero bakit kaya wala si Cloud? Siguro ay nasa labas kasi alam nyo naman yun takot sa dugo. Hahahaha

" Magandang umaga sayo iha. How are you? Its been a long day. You look beautiful today. "

" ok lang po ako 'tay Alfred. Namiss ko kayo lalo na ang pang bobola nyo sakin. "

" Hahaha ganun ba. Kaso hindi ko kasama si Cloud ngayon eh. " ahh di pala siya dadating, I feel disappointed.

" Bakit naman po? " inalalayan ko siya makaupo at hindi pinahalatang nalungkot ako sa hindi pag dating ni Cloud.

" Alam mo ang batang, he's a busyman. Pinipilit niya lang na samahan ako kahit takot pa siya sa dugo. " Biglang lumingon yung matandang babae na kasama niya.
" Pero kasama ko naman si Emily ngayon, kasambahay namin. " pagpapakilala ni Tatay Alferd.

" Hello po Nanay Emily. Ako po si Raikko. "

" Ikaw pla ang laging kinukwento ni Don Alfred. Napakaganda mo ngang bata. Masaya akong makilala ka. "

" Ako rin po. " habang kinakausap ko sila ay kinukuhanan ko siya ng timbang at blood pressure at inirerecord ko ito.

" Thank you sa pag asikaso iha. "

" wala po yun Tay. relax lang po kayo. Tawagin niyo na lang po ako kapag kailangan niyo ako ha. "

Pumunta ako sa nurse station at saka nagpakabusy. Para di ko masyadong maramdaman ang pag kadismaya. I clean the nurse stataion, check all the stocks, study the patients record at kung anu ano pa.

180 days DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon