CHAPTER 4. AT THE GALLERY
*boogsh*
8 pm na nang nagising ako dahil sa ingay na nag mumula sa kusina. Teka ako lang mag isa ang nakatira dito ah! Baka may nakapasok na magnanakaw sa apartment ko. Kinuha ko ang cellphone ko at dinayal ang number ng police hotline.
" Hello po sir. May nakapasok po yatang magnanakaw sa apartment ko tulungan nyo po ako! "
" O sige ineng ano bang pangalan at address mo. "
" Ako po si Raikko Valdez, 1430 Magandahang Araw St. Quezon City po. Bilisan nyo po sir! " Binaba ko na ang cellphone. Nag hanap ako ng pwedeng iprotekta sa sarili ko.Nakita ko ang blower ko, kinuha ko yun at dahan dahang binuksan ang pintuan.
Malapit lang ang kwarto ko sa main door. Bali bago ka makapunta sa kusina dadaan ka muna sa kwarto ko. Patay gutom yata ang akyat bahay gang na ito at inuna pa talaga ang kusina ko.
Bubuksan ko na ang main door para makalabas at makahingi ng tulong sa kapitbahay ng biglang bumukas ang ilaw. Naku patay!! Lord wag mo po ako papabayaan. Wag naman sana ako mapabilang sa mga rape list!
Tinaas ko ang aking kamay at hawak ko pa rin abg blower ko " Manong akyat bahay kunin nyo po lahat ng makukuha niyo sa bahay wag niyo lang po ako papatayin!! " nakatalikod pa rin ako sa akyat bahay habang nag sasalita, natatakot akong humarap eh.
" What the hell? Hahahahahahahahahahahahahahaha!! " huh?? Teka kilala ko yung boses na yun ahh! Humarap ako sa kanya at nakita ko na ang patay gutom palang akyat bahay ay ang pinakasosyalera kong kaibigan na hawak hawak pa ang plastik kong pinggan habang kinakain ang aking panghapunan. Imposible namang walang pag kain sa bahay nila eh ang haba haba ng mesa nila at napakayaman nila." Alodia!!! Akala ko akyat bahay ka na eh!! "
"hahahahaha bestie look at your face you look so epic. Hahahaha maawa na kayo manong akyat bahay." aba't nangaasar pa talaga ha.
Wang... Wang... Wang...
" haist rich troublemaker! " yan ang tawag ko sa kanya pag lagi niya ako pinapahamak!!
Knock.. Knock... Knock...
Yan na yta yung pulis na tinawagan ko kanina. Hayst pasaway talaga tong babaeng to.
Umupo si alodia sa sopa at saka binuksan ang t.v ko habang kain ng kain pa rin.
" Ui bestie sino yan. Dis oras na ng gabi nag papaakyat ka pa ng ligaw ha! "
" tsk alam mu bang kaya sila andito ay dahil sayo. Pasaway ka kasi eh. "
" Good evening kayo po ba ang tumawag sa police hotline namin. " agad na pag uusisa ng mga pulis na dumating.
" ahhh opo sir. Pasensya na po kayo sir nag panic lang po ako agad. Yung bestfriend ko lng po pala yung pumasok. " pag papaliwanag ko sa kanila.
" bestie!! Ang panget ng palabas sa t.v mu! " sigaw na pag rereklamo ni alodia.
Tumingin ang police sa loob ng bahay ko at nakita nila dun si alodia na nanunuod ang t.v.
" Ahhh ganun ba sige po miss next time po ilock niyo ang pinto niyo para hindi po kayo mapasukan ng akyat bahay. " pag papaalala ng police.
" O-Opo. Pasensya na po ulit sir. " tumango ang police at umalis na sa harapang ng pinto at sinarado ko na naman to.
" Bestie ikaw ha! pulis pa talaga ang jinojowa mo ha! " kita mu tong babaeng to naturingang rich kid salitang kalye pa rin.Yan ang gusto ko sa kanya eh kahit na may kaya siya sa buhay ay kinakaibigan pa rin niya ang tulad ko.
BINABASA MO ANG
180 days DEAL
Romance180 Days DEAL Description Masama akong tiningnan ni Cloud sa aking mga mata "Kung talagang hindi mu Sugar daddy ang daddy ko patunayan mu. O baka naman gusto mung makuha ang mana? ". Yan ang litanya nya matapos kong tanggihan ang sinabi ng abogado n...