CHAPTER 2. COFFEE BREAK
Naglalakad ako sa hallway nang makasalubong ko sina Tatay Alfred at Sir Cloud.
" Good morning Tatay Alfred sa inyo rin po Mr. Cloud. " pagbati ko sa kanila. Naka wheel chair si Tatay Alfred siguro ay may session siya ngayon. Nang batiin ko si Cloud ay blangkong expression lang ang binigay niya sakin. Hindi ko naman maiwasang tingnan siya mula ulo hanggang paa dahil ngayon ko lng siya nakita na naka jeans at polo shirt.
" Magandang umaga Raikko. Ikaw ulit ang mag asikaso sakin mamaya ha. "
"Naku pasensya na kayo Tatay Alfred hindi kasi ako nakadistino ngayon sa dialysis area eh. " parang nalungkot ako bigla nang makita ko ang pag lungkot ng mukha ni Tatay Alfred.
" Ah ganun ba nakakalungkot naman. "
" Wag kayong mag alala tay papabantayan ko kayo sa mga kaibigan ko sa dialysis area ngayon. "
Tinapunan ko ulit ng tingin si Cloud pero busy siya sa cellphone niya at parang di man lang niya ako napapansin. Nagpaalam na ako sa mag ama. " Sige po. Uuna na po ako. Wag po kayo mag alala sa susunod ako po mag aasikaso sa inyo. "
Buti pa si Tatay Alfred masaya dahil ako nag aasikaso sa kanya. Nakakadisappoint naman. Hindi man lang ako pinapansin ni Cloud. Tsk ano ba naman to! Pati ba naman pag pansin ni Cloud proproblemahin ko pa.
Magkalayong magkalayo talaga ang ugali ng mag amang yun. Siguro pinaglihi rin yun sa sama ng loob. Tsk.. tsk.. tsk.. Kawawa naman ang magiging girlfriend nya.
ha?
Iniling ko ng mabilis ang ulo ko. Bakit naman kasi girlfriend agad nasa isip ko.
Hindi ba pwedeng kawawa ang empleyedo niya dahil masungit siyang boss?? Hay naku! nakakainis talaga!!
Pag dating ko sa nurse station inabutan ko dun si Erika at Aileen.
" Oh Raikko bakit mukhang bagnasan ang mukha mo?? " bagnasan agad hindi pwedeng nakasimangot lang? eto talagang si erika ang lalim mag salita.
" Naku lalaki yan no. " napaka usisera talaga nitong si Aileen.
" Hahaha, mukhang ang isang Raikko Valdez ay tinatablan na ng lalaki ahh. " naku makapag salita naman to. palibhasa bitter.
" hay naku tigilan nyo nga akong dalawa. Gagawin ko muna ang trabaho ko. " pag iiwas ko sa interrogation nila. Nurse ba sila o Imbestigador.
Bawat kwarto ay kinakatok ko at kinukuhanan sila ng temperature at nag bibigay ng gamot na dapat nilang inumin.
Habang pabalik na ako sa nurse station napansin ko si Cloud na papunta ring nurse station.
" Good morning Mr. Buenaventura. Need some help? " sabi ni camille at kumikislap kislap pa ang mga mata. Naku naka landi mode na naman tong babaeng to.
Hindi siya pinansin ni Cloud na siyang kinatuwa ko. Hindi ko alam kung bakit ako natuwa kasi kahit sakin naman malamig ang pakikitungo niya sakin eh. Siguro may kakausapin siya sa cellphone kaya lumabas sa dialysis room.
" Miss Raikko right? Are you busy? " aba! himala! ano kayang malamig na hangin ang dumaan sa kanya at binati ako, eh kanina lang naman halos hindi ako pinansin nito nung binati ko sya.
" Ahhh hindi naman po. May kailangan po ba kayo? " nakita ko na halos mawala na ang mata ng dalawa kong kaibigan sa sobrang pagkasingit. Hay naku may iniisip na naman ang dalawang to.
" Can i invite you for a coffee?? "
" Naku Sir Cloud kung dahil po yan sa utos ng ama nyo ay wag na lang po. " mamaya maging utang na loob ko pa dahil niyaya niya ako, if tama ang remember ko, sobrang labag na labag sa loob niya nung una ngang sabi ni Tatay Alfred yun, halos itanggi niya. Kulang na lang sabihin niya ayaw niya ako makausap eh.
BINABASA MO ANG
180 days DEAL
Romantiek180 Days DEAL Description Masama akong tiningnan ni Cloud sa aking mga mata "Kung talagang hindi mu Sugar daddy ang daddy ko patunayan mu. O baka naman gusto mung makuha ang mana? ". Yan ang litanya nya matapos kong tanggihan ang sinabi ng abogado n...