Valdez & Buenaventura

56 3 0
                                    

The Casts

Ako si Raikko Valdez. 24 years old. Dalawang taon na akong nagtatrabaho sa Don Mayuga Hospital. Lagi akong nakabase sa Dialysis section. Sa totoo nyan matatakutin talaga ako sa dugo at ayaw na ayaw kong makakakita o makakahawak ng dugo. Pero people change, sabi nga nila FACE YOUR FEAR. Simpleng nurse lang ako. Wala na akong magulang, maaga silang nawala sa akin dahil sa isang car accident 4 years ago. Hanggang ngayon hindi pa rin nakikita ang driver ng kotse at kahit kelan hinding-hindi ko siya mapapatawad.

Forever?

Hindi ako naniniwala dyan, pero bakit ng makilala ko siya parang gusto ko ng maniwala at umasa na may forever.

May forever nga ba sa aming dalawa? O kahit ang forever ayaw sa aming dalawa?

...............

I'm Cloud Buenaventura. 25 years old. In my age, ako na ang namamahala ng lahat ng negosyo ni daddy simula ng mag early retirement siya dahil sa sakit niya. Ang daddy ko na lng ang kasama ko sa buhay. Namatay na yung mommy ko 4 years ago. Simula ng araw na yun pinangako ko sa harap ng puntod ni mommy na magiging responsableng tao na ako. Lahat gagawin ko para sa ama ko.

Love?

Simula ng mawala si mommy hindi na ako muling nagmahal pa. Nasaktan na ako dati at dahil din sa pagmamahal na yan nawala ang lahat sa akin. Kaya pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako magmamahal pang muli, hanggang sa mamatay ako.

a/n

Thank you to Ms. Erika Lindog for giving Mr. Cloud last name. :)

180 days DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon