Allan's POV
"Mr. Estanislao!" Bwiset na teacher to oh! Sarap ng tulog ko ang ingay ingay!
"Ma'am! Bakit ba!? Ang sarap sarap ng tulog ko pwede bang mamaya mo na ako kausapin letche naman oh!" Grabe naman kasing teacher to. Hindi ba niya alam na puyat ako? Eh halos lahat yata ng students dito sa GLU alam lahat ng ginagawa ko 24/7 pero isa lang ang hindi nila alam.
"Mr.Estanislao! Get out!" Edi aalis. Kahit naman anong quiz na ibigay niyo nape.perfect ko eh ts.
"Ok." Tumayo na ako at umalis. Pupunta nalang ako sa room ni Jarren.
Pag punta ko dun nakita ko din siya na natutulog.
"Ma'am pwede po ba kay Jarren Mae Bautista? Pinapatawag po kasi siya sa Guidance." Yan kasi yung palagi kong dinadahilan para mapalabas ng classroom si Jarren at shempre para makasama siya. She's my bestfriend.
"Ms. Bautista! Gumising ka diyan! Pinapatawag ka daw sa Guidance sabi ni Mr. Estanislao!" Sabi ng teacher na. Napatawa naman ako sa reaksyon ni Jarren, parang wala pa sa sarili. Tumayo agad si Jarren at lumapit sakin. "Bakit?" Sabi niya.
"Sumama ka sakin, tambay tayo sa unit ko." Sabi ko
"Ayoko nga! Mamaya halayin mo pa ko!" Ts akala na naman niya sexy siya.
"Ts edi mag tiis kang matulog sa classroom mo. Uuwi na ako, sumama kana." Sabi ko naman. Pakipot pa kasi eh sasama din naman siya.
"At bakit ka uuwi na ha!? Diba may klase ka pa?" Sabi niya. Daig pa niya mommy ko ah.
"Bahala ka dami mong tanong!" Pasigaw kong sabi.
"Wait! Sama ako beb!" Ts sasama din pala. Dami pang daldal.
Pag dating namin sa bahay ay humilata agad ako sa kama ko at pag kahilata ko sa kama ay bigla naman dumagan si Jarren sa likod ko. Ganyan talaga kasi kami simula palang ng elementary at hanggang ngayon. Minsan dito siya natutulog sa unit ko, ayaw niya daw kasi sa unit niya kasi may multo ts parang baliw talaga siya. Tumabi siya sakin at sabay na kaming natulog.
Puta! Sino ba yung kumakatok na yun?! Nagising ako at si Jarren ay tulog na tulog parin, ang matindi naghihilik pa ts. Tumayo ako upang tignan ang kumakatok.
Nagulat ako ng mga kaibigan ko ang tumambad sa harap ko. Tangna ubos na naman mga stock ko dito sa unit."Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanila.
"Makikikain shempre! Akala mo ba ikaw pinunta namin dito? Feeling ka ah! Hahaha!" Sabi naman ni Neil. Pinaka matakaw sa mga kaibigan ko at pinaka mahilig mang-KAMA!
"Alam ko naman yun eh. Pasok kayo mga patay gutom!" Sabi ko sa kanila, mga hayop na to. Anong akala nila sa unit ko? Restaurant? Tangina
Pag pasok nila sakto naman na paglabas ni Jarren. Nanlaki ang mga mata nila nung nakita nilang lumabas sa kwarto ko si Jarren.
"Oy Jarren! Anong ginagawa mo sa kwarto ni allan?! Wag mong sabihin..." Sabi naman ni Cedrick. Siya ang pinaka Joker saamin magkakaibigan.
"Tangna hindi na kayo nasanay? Eh nagmamahalan yung dalawang yan!" Sabi niya habang natatawa pa sa pangaasar samin ts.
"Mga gago bestfriend ko yan! She's only my bestfriend ok?" Paliwanag ko sa kanila.
"Bestfriend lang ba talaga?" Tanong naman ni Louie isa pa to eh ang lakas magasar hayop!
"Mga hayop kayo! Umuwi na nga kayong lahat!" Sigaw ko sa kanila. Ang kukulit kasi parang mga bata.
"Grabe ka ang yabang mo binibiro ka lang eh. Pero mahal mo?" Sabi ni Louie. Grabe.
Pumasok ako sa kwarto kasama si Jarren at nandoon naman sa sala yung mga kaibigan kong siraulo. Mga hayop na yun ang lalakas mangasar.
"Matulog kana ulit wag mong isipin yung sinabi nila" Sabi ko kay Jarren.
"Sanay na ako sa mga kaibigan mo no! Ikaw lang naman hindi na nasanay eh ts. Pero bakit ka ba nila inaasar ng ganun? Siguro may gusto ka talaga sakin no?" Sabi niya sabay tawa pa.
"Feeling ka no? Kahit kailan hinding hindi ako magkakagusto sayo! Kala mo naman masarap ka!" Asar ko sa kanya sabay bato ng unan.
"Hayop ka!" Sabi niya.
Pagtapos magfoodtrip ng mga kaibigan ko dito sa unit ko umalis nadin sila. Mga patay gutom talaga.
Nakita kong lumabas sa kwarto ko si Jarren. "Nanunukso ka ba? Nako beb wag mo kong susubukan!" Asar ko sa kanya.
"Bakit kaakit akit ba ako? Sabi na eh pinagnanasahan mo ko kanina habang tulog ako!" Sabi niya.
"Asa ka naman! Ayaw na nga kitang katabi sa kama eh. Kung makayakap ka kasi parang hindi nako makakahinga." Sabi ko.
"Wow ha! Ang kapal mo! Makapag luto na nga lang!" Napipikon niyang sabi.
"Mabuti pa nga. Aalis muna ko"
Paalam ko sa kanya."San ka pupunta? Sa knickers?" Tanong niya. Para talaga siyang nanay ko.
"Oo. Sandali lang naman ako dun." Pagsisinungaling ko sa kanya. Magiinom nalang ako sa Knickers. Knickers ang pangalan ng Bistro ni Louie kaya libre ako sa lahat ng iinumin ko.
"Sandali? Nako bukas na uwi mo niyan! Akala ko ba nakalimutan mo na siya? Bakit hanggang ngayon hindi ka pa din nagbabago?" Tanong niya. Simula kasi ng nagbreak kami ni Mika nagkaganito na ko. Pero iba na ngayon dahil naka move-on na ako sa kanya at dahil yun sa bestfriend ko.
A/N: Sorry first time ko lang po kasi gumawa ng story eh. But i hope you like it ☺. -HB.Tyler