"Oh gising ka pa pala" Kakauwi ko lang kasi ng madatnan ko siyang nanunuod, hindi naman kasi marami ang ininom ko doon sa bistro.
"Kumain kana? May natira pa diyan sa niluto ko kanina. Favorite mo yan." Sabi niya. Swerte ako dahil may bestfriend akong palaging nasa tabi ko na kahit anong gawin ko tama man o mali tanggap niya ko.
"Busog nako, ayokong kumain. Tara na matulog na tayo." Yaya ko sa kanya.
"Sige susunod na ako." Sabi niya. Nauna na akong pumasok sa kwarto ko. Mamaya lang ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at tumambad sakin ang katawan ni Jarren. Ugh kaya ko to
"Beb ano bang klase yang mga suotan mo ngayon ha! Nangaakit ka talaga eh no!?" Sabi ko sa kanya. Bakit ba hindi nako nasanay? Ganito naman palagi talaga ang suot niya ah.
"Eto naman talaga ang suot ko ah tuwing matutulog tayo." Pagkasabi niya noon ay tumabi na agad sakin si Jarren at yumakap sakin.
"Kaya gusto mong dito natutulog kasi nakakasimple ka sakin."
Sabi ko."Hoy! Feelingero ka din eh no? Pero beb seryoso. Bakit ayaw mong pumasok sa isang seryosong relasyon?" Tanong niya sakin ng biglang sumeryoso ang mukha niya
"Nandyan kana naman eh, tsaka alam ko naman na hindi mo ko iiwan." Sabi ko.
"Iiwan lang kita pag sinabi mo na, kasi alam ko naman na iiwan mo lang ako kung may babaeng may gagawa na ng ginagawa ko sayo" Sabi naman niya
"Hindi kita iiwan kahit anong mangyari." Sabi ko sa kanya at tinitigan ang mata niya.
"Paano kung magkagusto ako sa ibang lalaki?" Tanong niya
"Hindi mangyayari yun beb." Seryoso kong sagot sa kanya sabay ko siya hinalikan sa noo. Hinding hindi ko hahayaan na masaktan siya ng ibang lalaki dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nakita ko siyang umiiyak.
"Ha? Hindi kita maintin.." Yan nalang ang nasabi niya dahil bigla ko siyang hinalikan sa labi at sinagot naman niya ang halik kong iyon.
"Good night beb. I love you." Bulong ko sa kanya.
"Good night. I love you too beb." Sagot naman niya sabay siksik ng mukha niya sa leeg ko.
....
Paggising ko wala na sa tabi ko si Jarren. Sarap talaga matulog.
Paglabas ko ng kwarto nakita ko naman si Jarren na nagluluto."Good morning beb!" Sabi ko sabay yakap sa kanya patalikod.
"Good morning. Hindi na kita ginising dahil ang sarap pa ng tulog mo. Nakanganga ka pa nga eh! Umupo kana dyan, matatapos na tong niluluto ko." Sabi niya ng natatawa tawa pa.
"Ano ba yan niluluto mo?" Naupo na ako sa lamesa at tinitigan lang ang likod niya. Nakakatuwa lang kasi para kaming magasawa kung titignan.
"Tadan! Ang pabotiro mong chicken curry!" Sabi pa niya habang nakataas ang kamay niya.
"Let's eat beb. Para kang sira dyan." Asar ko sa kanya at napasimangot naman siya. Nagpapacute pa ts.
"Beb anong oras pasok mo?" Tanong niya habang kumakain kami.
"9am pa. Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Ah. Wala kasi akong dala ns kotse. Naiwan ko sa bahay." Sabi niya na paawa pa yung itsura.
"Ihahatid kita sa school. May dadaanan din ako eh." Sabi ko
"San ka pupunta? Kala mika ba?" Tanong niya ng seryoso.
"Bakit selos ka?" Sabay ngiting demonyo.
"Hindi ah wala akong pake sa inyong dalawa no!" Sabi niya habang dinadala ang pinagkainan namin sa kusina at hinuhugasan.
"Hooo! Kunyari ka pa. Pakiss nga!" Sabi ko sa kanya.
"Yuck ayoko nga! Kadiri ka!" Pangaasar niya. Nilapitan ko siya at niyakap patalikod sabay halik sa leeg niya. Hindi naman siya pumapalag at tila nasasarapan pa.
"Beb itigil mo yan! Puputulan kita!" Sabi niya.
"Edi wag! Arte mo! Napapaungol kana nga eh hahaha!" Pang aasar ko sa kanya.
....
"Baba na beb." Nandito na kami ngayon sa school.
"Thank you beb! Ingat pauwi ha." Sabay yakap at halik sa labi ko. Ganito talaga kami tsaka wala kaming pakielam sa makakakita.
Pasakay na ko ng bigla akong tinawag ni Bryan. "Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya.
"Sungit mo ngayon ah. Wala naman yayain sana kita maginom mamaya eh. Ano tara!?" Yaya niya sakim. Wala naman ako sa mood ngayon. Isa si bryan sa mga kababata ko pero hindi ko naman siya lagi kasama dahil sila Neil at Ced ang kasama ko.
"Next time nalang wala ako sa mood ngayon eh." Pagtanggi ko sa alok niya.
"Wow! Tumatanggi kana bro! Nakamove on kana no?" Tanong niya.
"Tagal na no!" Sabi ko sa kanya sabay tapik sa braso niya.
"Sige pre una na ko." Paalam ko sa kanya. Hindi ko na inantay ang sagot niya at sumakay agad ako sa kotse ko. Pupunta nalang ako sa bahay ni Ced.
Nagdoorbell na ako sa bahay ni Cedrick at lumabas ang katulong nila at pinatuloy naman ako. Kilala naman kasi ako dito. Pag pasok ko sa bahay niya nakita ko naman agad siya kasama si Jewel. Girlfriend niya at mahal na mahal niya.
"Bakit ka napunta dito? At himala hindi mo kasama ang bestfriend mo?" Tanong niya ng may halong pangaasar.
"Hinatid ko muna siya sa school. Laro tayo." Sabi ko.
"Wait text ko si Neil." Sabi niya sabay akyat sa taas patungo sa kwarto niya.
"Ngapala. Allan birthday ko sa Saturday. Sama kayo ha." Invite niya. Nasabi na saamin ni Ced to eh pero iba padin pag yung celebrant talaga yung naginvite.
"Oo sige pupunta kami sa birthday mo." Sabi ko.
"Thank you! Ahm, sama mo din yung bestfriend mo ha. I want to meet her." Sabi niya.
"Oo sige." Sagot ko. Bigla naman dating ni Ced.
"Oh kayo na? Tangna pre pano mo nagawa sakin yun kala ko pa naman mahal mo na bestfriend mo yun pala Girlfriend ko mahal mo." Sabi niya na parang tanga.
"Ts! Ewan ko sayo! Baliw!" Sabi ko sa kanya.
"Ayaw ni Neil maglaro eh may pasok daw kasi siya." Paliwanag niya
"Sige uuwi na ko." Paalam ko.
"Sige pre ingat tanga ka pa naman!" Sabi niya.
"Fuck you!" Sabay sakay ng kotse ko.
....
Nandito na ako sa school. Papasok na ako ng room ng tinawag ako ni Jarren.
"Bakit?" Tanong ko
"Bakit ngayon ka lang pumasok ha! 10am na oh! Diba 9am ang pasok mo?!" Sigaw niya sakin. Hays daig pa niya ang mommy ko
"Dumaan kasi ako sa bahay nila Ced at pauwi nako ng biglang nag katrapik kaya yun." Paliwanag ko sa kanya.
"Hoy beb ayusin mo nga yang pagaaral mo. Patanda ka hindi ka pabata." Sabi niya
"Oo na oo na! Kulit papasok na ko. Sabay tayo mamaya umuwi ha." Yaya ko sa kanya
"Sige! Magaral ka ng mabuti!" Sabay halik sa labi ko. Nakakadami na siya ah. Pagpasok ko sa room, nagulat ako ng may biglang humalik sa labi ko....
A/N: Haha. Sarap din palang gumawa ng story kahit hindi ka talaga marunong gumawa haha. Please vote guys para malaman ko kung ipagpapatuloy ko tong story nat to. Thank youu :)
Follow me on twitter: @jelloanastacio