"Mika bakit mo ginawa yon!?" Sigaw ko sa kanya ng bigla niya kong halikan. Nakita kaya ni Jarren yun? Hays
"Wala. Bakit ayaw mo na ba sa halik ko?" Sabi niya sakin.
"Fuck you Mika!" Sabi ko. Nakakabadtrip kasi. Pano nalang kung nakita yun ni Jarren ts.
"Bakit natatakot ka ba na baka magalit ang bestfriend mo?" Tanong niya. Ts ano bang sinasabi niya.
"Bakit mahal mo na ba siya allan? Siya na ba ang gusto mo? Sabi na eh kaya iniwan kita dahil hindi mo malubayan yang bestfriend mo!" Dagdag pa niya. Ts minahal ko si Mika pero hindi siya ang magiging dahilan para lubayan ko ang bestfriend ko.
"Alam ko na ang sagot Allan." Sabi pa niya. Daldal naman neto.
"Wala kang pakielam samin ng bestfriend ko tsaka mas matagal kaming magkasama kaysa sa naging girlfriend kita mika at wag mong idadamay si Jarren dito!" Sigaw ko sa kanya. Lahat ng classmate namin ni Mika nakatingin saming dalawa. Lumabas ako sa room at umalis hays uuwi nalang ako.
......
Pagkapasok ko sa unit ko nadatnan ko na si Jarren na nunuod ng tv. "Oh bakit ang aga mo yata ha!?" Tanong niya. Tinabihan ko siya. "Nakakabadtrip sa sa School." Sabi ko.
"Bakit anong nangyari? May kaaway ka na naman ba? Wala ka naman pasa ah." Tanong niya habang hinahawakan ang mukha ko.
"Si Mika kasi bigla akong hinalikan." Sabi ko.
"Oh bakit hindi mo ba nagustuhan ang halik niya? Samantalang dati kung maglaplapan kayo wagas!" Sabi niya.
"Nakita mo yun? Inggit ka no?!" Biro ko sa kanya. Madali kasi mapikon tong babaeng to eh.
"Hindi no! Kadiri kaya!" Tanggi niya.
"Oh bilis! Kiss mo ko para di ka na magtampo bilis!" Sabi ko sa kanya habang nakanguso. Sarap talaga pag tripan neto eh.
"Ayoko nga! Manyakis!" Sabi niya.
"Edi wag, ako nalang hahalik sayo!" Sabi ko sabay halik sa labi niya at sinagot naman niya. Hindi ko na nagawang bawiin pa ang labi ko kaya patuloy lang kami.
"For the last time" Sabi ni Jarren ng maputol yung halikan namin. Tangna kala ko makakaisa na ko eh.
"Anong sinasabi mo?" Pagtataka kong tanong.
"Nililigawan ako ni Bryan. Kaya ayoko na ng ginagawa natin." Sabi niya. Si Bryan?
"Gusto mo si Bryan?" Tanong ko sa kanya.
"Oo gusto ko siya, matagal ko na siyang gusto." Sabi niya. Ts ang tanga niya
"Bakit si bryan pa Jarren? Ang dami naman diyan bakit yung kaibigan ko pa?" Sabi ko sa kanya. Napayuko naman siya.
"Pero siya yung gusto ko Allan. Hindi mo ba ako susuportahan sa gusto ko. Akala ko pa naman susuportahan mo ko dahil bestfriend mo ko." Sabi niya na parang gusto niya talagang suportahan ko siya ts bahala sila.
"Jarren hindi kayo tatagal ni Bryan. Kilala ko si bryan walang tumatagal sa kanya. Sorry pero hindi kita masusuportahan." Pagkasabi ko niyan tumayo ako at dumiretso sa kwarto ko at nahiga.
Tangina! Si bryan? Nagustuhan niya? Bahala sila magmahalan ts. Bahala sila sa buhay nila.
Nakatulog pala ako. Paggising ko 8pm na. Tangna haba ng tulog ko ah. Narinig ko bigla ang boses niya.
"Beb gising kana. Dinner na tayo bilis nagluto ako." Sabi ni Jarren. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto ko.
"Upo na beb kain na tayo." Sabi pa niya. Umupo na ako at nagsisimula na kaming kumain. Walang nagsasalita samin dalawa.
"Beb bakit ang tahimik mo?" Tanong niya.
"Kumakain tayo diba? Kailangan ba maingay palagi?" Sabi ko
"Hindi pero.. Galit ka ba sakin? Ayaw mo nun kaibigan mo yung gusto ko atleast nasa kaibigan mo ko hindi ako mapupunta sa kung sino sino lang." Sabi niya.
"Natutuwa ako ts. Hindi ka seseryosohin ni Bryan. Ako na nagsasabi sayo." Sabi ko sa kanya. Talaga naman eh matagal na kaming magkasama ni Bryan kaya kilala ko na siya.
"Hindi ganon ang pagkakakilala ko kay Bryan. Wag mo siyang siraan sakin Allan. Kukuhanin ko na yung mga gamit ko dito sa Unit mo, uuwi na ko samin." Sabi niya.
"Sino bang may gustong tumira ka dito?" Sabi ko. Tangna ano ba tong sinasabi ko hays.
"Aalis na ako! You are so immature Allan!" Sabi niya. Tanga mo nama Allan eh bakit mo siya pinapaalis edi lalong mapapalapit yang bestfriend mo kay Bryan. Hindi na ako nag salita at umalis ako. Iniwan ko siya sa unit ko na nagaayos ng gamit niya, aalis nga yata siya
Nandito ako sa Knickers Bistro. Inom lang ako ng inom. Sarap kayang mag inom. Medyo lasing nako kaya napagdesisyonan ko ng umuwi sa unit ko. Kaya ko pa naman magdrive
Pagkadating ko sa unit ko wala na si Jarren. Wala na din yung iba niyang mga gamit. Nakakapanibago tignan ang unit ko pag wala ang bestfriend ko. Pero gusto niya yun eh. Bestfriend niya lang naman ako. Nahiga na ako sa kama ko ay BOOM!(tulog na)
.....
Jarren's POV
Papasok na ko ng school. Nakakapanibago wala si Allan. Walang nang aasar sakin hays. Bakit ba kasi hindi niya kami kayang suportahan ni Bryan? Imposible naman gusto ako ni Allan. Haaaa? Ano ba yung mga naiisip ko hays. Paglabas ko ng bahay nakita ko ang kotse ni Bryan.
"Good morning Mae. Let's go?" Bati sakin ni Bryan.
"Good morning. Tara." Pinagbuksan naman ako ni bryan at pumasok na ako sa kotse niya. Gentleman talaga siya. Matagal ko na siyang gusto highschool pa lang kami pero ngayon lang college kami nagkalapit dahi naging magkaibigan sila ni Allan at dun din siya nagaaral sa GLU na pagmamayari nila Allan. Kaya hindi pinagbubuti ni Allan ang pagaaral niya eh pero sabagay matalino naman siya pero kailangan padin ng diploma no.
"Ang lalim naman ata ng iniisip mo." Basag niya sa katahimikan.
"Ah wala. Naisip ko lang si Allan. Wala kasing alam yun sa gawaing bahay eh." Sabi ko.
"Magbestfriend talaga kayo. Ngayon ka lang ulit umuwi diyan sa bahay niyo?" Tanong niya
"Oo dun kasi ako palagi natutulog sa condo unit ni Allan kaya lang nagaaway kami kagabi kaya umalis nako dun." Kwento ko sa kanya.
"Bakit kayo nagaway? Dahil ba sa atin dalawa?" Tanong niya. Hindi ko nalang sasabihin ang totoong dahilan
"Ah hindi hindi.. Tungkol samin dalawa yun." Pagsisisnungaling ko sa kanya.
"Ah..." Yan nalang nasagot niya.
Nakadating na kami sa school at pinagbuksan niya ulit ako. That's why i like him. Pagbaba ko sa kotse niya ay naglakad na kami patungo sa room ko, hahatid niya daw muna kasi ako.
Habang naglalakad kami ni Bryan bigla naming nasalubong si Allan.
"Oh! San ka pupunta tol?" Pagkausap ni Bryan kay Allan.
"Dito lang papahangin." Sabi ni Allan. Hindi ako sanay ng ganito si Allan. Huli siyang nagkaganito nung broken hearted siya dahil kay Mika.
"Ah. Sige tol ingat ka ha." Sabi ni bryan. Umalis na si Allan. Parang hindi niya ko nakita ah. Ano to? Kalimutan? Hays. Galit lang yun ngayon kasi nagaway kami kagabi pero bukas makikipagbati din yun.
"Grabe siya makipag halikan no. Ang sarap sarap siguro niyang humalik. Sana sa susunod na balik niya dito ako naman halikan niya" Sabi pa nung maharot na babae. Pagpasok ko ng room eto agad bubungad sakin ts. Sino kaya yung lalaki at babaeng naghahalikan dito sa classroom namin. Ts ang lalandi.
A/N: Laughtrip talaga ko dito sa ginagawa kong stories hahaha! Short story lang to guys haha. Salamat nga pala sa mga Hamma Boys diyan hahaha.
Please vote