"Nakakatuwa naman na nagawa mo pang bumisita uli rito sa Manscaster sa kabila ng busy mong schedule, Everette." Napahagikhik si Eve sa komentong iyon ng isa sa mga advisers niya noon na nasalubong nila ni Ben sa pathway ng school grounds.
"Isa sa mga unang lugar na gusto kong bisitahin pag may oras ako ang Manscaster, ma'am, kaya siguradong hindi pa ito ang huli nating pagkikita."
Matamis na ngumiti ang guro. "At magkasama pa kayo ni Benjamin, ha. Parang kailan lang, halos kamuhian ninyo ang isa't-isa."
Tumawa ulit siya. "Maraming nangyari, ma'am. At dahil doon ay naging close kami. Hindi ba, Ben?"
Nang bumaling siya kay Ben ay tila nabigla ito. Pagkuwa'y mabilis nitong iniwas ang tingin. "Y-yeah."
Bahagyang naningkit ang mga titig niya sa binata sa turan nito ngayon lang. Ngunit dahil sa nagsalita na ulit ang gurong kasama nila ay winaksi niya na lamang agad ang pag-iisip tungkol dito.
Pagkatapos suyurin ang kabuuan ng school grounds ay sa pangalawang gusali naman sila tumungo. Dinaanan nila ang music room, dance studio, A/V room, indoor sports hall, saka pumasok sa library.
"Buti na lang at hindi na si Miss Caringal ang librarian," wika niya habang isa-isang sinisipat ang mga librong nakahilera sa mga estante doon. "Minsan na kasing sumabog itong library dahil sa 'kin, eh."
"Eh?" sandaling napaisip naman si Ben na nakasunod lang sa kanya. Ngunit hindi na ito kumibong muli na siyang pumukaw uli sa pagka-bagabag niya sa kinikilos nito. Something's really off with him today. Mula pa noong nagkita sila sa unibersidad nitong pinapasukan. At lalo na noong binulungan ito ni Phil kanina.
Natigil sa pag-iisip si Eve dahil nakakita siya ng librong gustong kunin. Sinubukan niya iyong abutin ngunit 'di niya nagawa dahil masyadong mataas. Napakagat-labi tuloy siya sa inis, lalo na nang malaala niya na kung hindi lang sa subok na niyang physical abilities at detective skills ay baka hindi siya noon nakapasok sa academy dahil sa kapos nga niyang height.
Todong pag-aabot na ang ginagawa niya doon sa libro nang isang pamilyar na mahabang kamay ang bigla na lang sumingit at kinuha ang mismong librong kukunin niya sana.
"Here," ani Ben sabay lagay ng libro sa nakataas niya pa ring kamay. Kinuha niya naman iyon saka bumaling sa kaliwa niya kung saan naka-puwesto ang binata.
"Salamat," she smiled at him. Nakita naman niyang namilog ang mga mata nitong ilang pulgada na lamang ang layo mula sa kanya. Mabilis nitong iniwas ang tingin at lumayo sa kanya.
May dumi ba sa mukha niya?
Sinipat niya ang mukha at baka tama ang hinala niya. Ngunit wala naman siyang nakapa na kahit ano.
Pagkatapos nilang sumaglit sa library ay kumain sila sa cafeteria. Hindi mapigil ni Eve ang ma-excite dahil classes hours noon at dadalawa lang sila ni Ben doon, payapa silang nakakain. Tapos nilibre pa sila ng kantinera doon ng ilang pagkain kaya mas natuwa si Eve.
Matapos kumain ay sa main building ng school naman sila pumunta kung saan naroon ang mga estudyante ng school na kanya-kanya nang nagka-klase. Natutuwa rin siya sa mga estudyante, lalo na sa mga nakakita at nakakilala sa kanila dahil nginingitian sila ng mga ito. Ang iba'y pasimpleng kumakaway pa.
Subalit sa kanila ni Ben, mukhang siya lang yata ang natutuwa. Ang tahi-tahimik lang talaga kasi ng isa. Hanggang sa kiming pagngiti lang ang tinutugon nito sa mga school mates nila noon na bumabati sa kanila. Tapos, bihira pa kung kumibo.
"Haaaah, I missed this!" sambit ni Eve na nakadipa ang parehong mga kamay at pikit-matang dinama ang malamig na hanging dumadampi sa mga balat nila. Kasalukuyan na silang nasa rooftop at nagpapalipas-oras pagkatapos ng isang oras na campus tour. Tahimik lang si Ben na nakamasid sa kasama. Ngunit ilang sandali pa'y napangiti rin.
"Madalas ka pala rito noon?"
Binaba ni Eve ang parehong kamay saka ngiting hinarap siya.
"Yes," she said with a nod. "Isa 'to sa lugar na sinusuyod namin tuwing school rounds. Madalas kasing tinatambayan ito ng mga gustong gumawa ng mga sala't milagro, eh."
Doo'y pigil na humalakhak si Ben. "I remembered. Namugbog ka rito ng ilang mga pasaway noon."
She gave him a wondered look. "Talaga?"
Tumango siya. "Oo. Iyong grupo ni Derby, naaalala mo?"
Sandali naman itong napaisip. "Nakita mo pala iyon?"
"Yup. I was going to tell you something when I saw how you beat them. Ngunit agad din akong bumaba kasi inisip kong baka mainip ako sa kahihintay sa inyo. But then Andrea showed up and attempted to stab me to death."
"Yeah," tango nitong pagsang-ayon.
Naisip tuloy ni Ben: Paano kung nakisali na lang siya kina Eve noong araw na iyon? Siguradong mag-iiba ang mga mangyayari dahil magkasama na sila ni Eve niyon.
"Ben?"
Napaangat siya ng tingin sa untag na iyon ni Eve sa kanya saka tinaas ang parehong kilay niya.
"Ano ba'ng binulong ni Phil sa 'yo kanina, ha?" inosenteng usisa nito na nagpakaba bigla sa kanya.
"Ha? H-hindi, wala. Wala lang iyon."
"Defensive ka. Halata sa reaksiyon at sagot mo."
Iniwas niya ang tingin na sa huli'y pinagsisihan niya. "Hindi, ah."
"I wasn't born yesterday, Ardientes."
"You aren't old enough to say that, Gonzalo."
"But i'm wise enough to notice."
"Nami-misinterpret mo lang ako, Eve. Ayos lang ako," giit niya saka bumaling dito.
Ito nama'y hindi na kumibo pa, pero batid niyang hindi ito kumbinsido sa argumento niya. Well, that's Eve for him.
'Diyahe, si Phil naman kasi, eh.' inis niyang sikmat sa isip. Bulungan pa naman siya ng kalokohan:
'Kuya, chance mo na. You waited long enough for her, right? Solong-solo mo na siya.'
'Buwisit.'
But then suddenly a shattering sound from the lower ground alarmed the two of them.
"Ano iyon?" matapos nilang bigkasin iyon nang magkasabay ay sabay din silang umibis ng takbo sa railing ng rooftop at dumungaw sa baba. At ganoon na lang ang pagdilat ni Ben sa kanang bahagi ng building nang makita ang mga bubog ng salamin na bumabagsak sa lupa. Samantalang bumubuga naman ng itim na usok ang bintanang pinagmulan niyon na nataong malapit lang sa kanila.
"Sa faculty room!" bulalas bigla ni Eve saka kumaripas ng takbo paalis doon sa kinatatayuan nila. Mabilis namang sumunod si Ben sa dalaga. Nang makakita ito ng alarm sa hallway ay agad nitong pinindot iyon. Tumunog ang emergency alarm ng school, at mula roon ay nagkagulo na ang mga estudyanteng nagkaklase at nagmadaling bumaba sa main building.
*~*~*~*~*~*~*

BINABASA MO ANG
His Little Miss Detective: 3-Day Case Files (On-going)
ActionFor those HLMD readers who haven't noticed: This is a sequel I made for "His little miss detective." Since my friends insisted me to continue writing the story of Eve and Ben. May you read it kahit na hindi ako totally active sa wpad. Salamat po. 50...