17: Crazy Ben

0 0 0
                                    


Halos 'di makahinga nang normal si Ben at hindi rin maisip kung saan dapat titingin habang kaharap niya si Eve at ginagamot nito ang napinsala niyang mukha. Bukod sa ibabang labi ay natamaan din pala siya sa kanang pisngi pati na sa kaliwang sentido malapit sa kilay. Saka lang niya iyon namalayan nang magsimula nang kumirot ang mga nasabing parte. Kaya asahan niyang tatlong rounds ng panggagamot ang mararanasan niya sa harap ni Eve. Sa lakas ng tibok ng puso niya, abot hanggang tenga niya ang tila dumadagundong nitong tunog. Hindi siya mapalagay. Lalo na sa tuwing dumadampi sa mukha niya ang malambot na mga kamay nito. He never felt so tensed, and it melts him to death. Nakakatuliro kung gaano ito kalapit sa kanya. She' fragrant, and nicely warm. Siguro, ang sarap nitong yakapin..

Nagulat si Ben sa mismong naisip kaya napakislot siya.

"Masakit ba?" nagulat ding tanong ni Eve sa ginawa niya.

"Ha? H-hindi naman.." agad niyang tanggi kaya doo'y nagtaka na ito.
"H-huwag mo 'kong isipin," aniya pagkuwan na kalauna'y pinagsisihan din niyang sinabi. "I..I mean, you're..i-it's...uhm...geez, just finish it."

Pinaningkitan siya ng tingin ni Eve. "Ayos ka lang ba talaga?"

Sunod-sunod naman siyang tumango na parang bata. "Oo naman!"

Sa una'y ilang sandali pa itong tumitig sa kanya. Pero nang huli'y nagpatuloy na lang ulit ito sa panggagamot sa kanya.

God.. he cried to himself. He actually don't know how to deal with what's happening. Her voice blocks his mind, her touch makes him numb. And most of all, her stares at him...Eve's really gotten under his skin.

"You're too stiff." kaya ganoon na lang ang gulat niya sa sinabing iyon ng dalaga. Halos mapatalon siya sa kinauupuan. Kaya natawa rin ito sandali sa pagkagulat niya. "Ano ka ba? Relax, Ben. Para naman akong may gagawing masama sa 'yo n'yan.."

Doon ay nakuyom naman niya ang kamao. "Eh, hindi naman.." pero natahimik din siya kalaunan at pinigil ang sarili na sabihin ang totoong dahilan ng nararamdaman. Na pigil na pigil siya sa sa pagdaing sa tuwing makararamdam siya ng sakit at hapdi sa bawat paglapat nito ng gamot sa mga pinsala niya, (he just wanted to impress her, haha) pati na rin sa paglililikot upang hindi ma-istorbo si Eve at magawa nito nang tama at maayos ang panggagamot sa kanya at wala itong masabing mali. "Ugh, whatever."

"Hi-hi-hi.." sunod niyang narinig ang mahina ngunit makahulugang bungisngis ng kapatid. Talagang kukutusan niya ito pag makakakuha siya ng pagkakataon.

"Ang sabi ko naman kasi, patagalin mo sila, hindi ang komprontahin. Ito tuloy ang napala mo." May bakas ng pag-aalala sa boses na iyon ni Eve kaya nainis siya.

"Exactly as you said. Delay them. Eh, ayaw naman kasi magpapigil, eh. Kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang gumamit ng dahas."

"Wow, kung maka-dahas, ah..haha!" anito sabay dikit ng plaster sa malinis na niyang pinsala sa pisngi. "But really, Ben..wala ka talagang ibang naisip na paraan? Why not use your charm? Magpa-cute ka doon sa manang, o purihin ang gabundok nang masel nung mga brusko.."

Sandali siyang natigilan sa sinabing iyon ng kaharap. "Oo nga, ano. Aw!" Isang mahinang suntok sa sentido ang tinanggap niya mula kay Eve. "Utak-manok ka kasi."

Tawang-tawa ang tatlong lalaki kasama nila kaya pinandilatan niya ang mga ito upang tumahimik saka muling humarap kay Eve. "Pasensiya naman kung hindi ko iyon naisip."

"May pagka-impulsive ka rin kasi," sinimulan na nitong lapatan ng betadine ang ibabang labi niya. Ang akala niya'y wala nang ilalakas pa ang pintig ng puso niya sa ginagawa ni Eve. Now, on the second thought, he couldn't bear her near any longer, that close to him. Kaya lumayo na siya rito.

"Bakit?" takang-tanong naman ni Eve.

"A-ayos na 'to," tanging nasabi niya. Buti pang siya na lang ang gumamot sa sarili niya sa kanila. Wala siyang narinig na sagot mula kay Eve kaya inakala niyang ayos na. Pero ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata niya nang maramdaman niya ang parehong mga kamay nito sa magkabilang-pisngi niya't pilit siyang pinaharap dito. At nang magkasalubong ang mga mata nila'y nanigas siyang muli sa kinauupuan. Ang lapit kasi ng mukha ni Eve sa kanya at titig na titig pa sa kanya!

"Ang OA mo." Ngunit sa sinabi naman nito kalaunan ay tila natauhan din siya. He blinked.

"O-OA? Ako?"

"Oo," matabang na sagot naman ni Eve saka muling nilapatan ng gamot ang sugatan niyang labi. "Nako-conscious ka sa 'kin?"

Katahimikan.

"Ben?"

Napakurap siyang muli. Kalauna'y pumitlag at umiling. "H-hindi, ah!"

Doo'y pigil na tumawa si Eve. Maging sina Phil ay narinig niyang nagpipigil ng tawa pero hindi niya pinansin ang mga ito.

"Iyon naman pala, eh. Kaya huwag ka nang umarte't patapusin mo naman ako sa panggagamot sa 'yo, okay?" anito na tutok sa sugat niya sa labi. "Tinakot mo lang naman ako nang makita kitang inaaway na iyong damulag na magnanakaw kanina. Hindi ka talaga nag-iisip ano?"

Muling namilog ang mga mata niya sa narinig. "N-natakot ka?"

"Oo, 'no."

"Kinabahan ka?"

"Oo."

"Nag-alala ka sa akin?"

"Oo naman."

Ilang sandali yatang hindi agad nakahuma doon si Ben. She...she cares for him? Hindi niya maipaliwanag kung bakit pero mula roon ay parang nahupa na ang matinding kaba at tensiyong nararamdaman niya kanina pa sa harapan ni Eve. Parang nakahinga siya bigla nang maluwag. Nagri-rigodon ang puso niya sa tuwa.

"Thank you," he said then. It was so sincere that it made her look at him, amused. But then later on he saw her smile so pleasantly at him. It was priceless. Napakaganda nitong ngumiti. He could stare at her like that forever. Wala na. Mukhang lumalala na siya. Ilang sandali pa silang titig sa isa't-isa nang wala sa sariling mapunta ang tingin niya sa ilang pares ng mga mata ka kanina pa niya batid na nanonood sa kanila. And indeed, he was right. At parang nakakita ang mga ito ng multo nang balingan niya.

"Ah, eh...tita Eclaire, painom naman ng gripo!" Dagling tumayo si Phil at madaling tumungo sa kusina.

"A-a-ah, ako rin, tita. Pahinging saging!" segunda naman ni Herc na sumunod din agad kay Phil. Samantalang nag-excuse naman si Harry at sumunod din sa dalawa. Na ipinagtaka ni Ben noong una, pati na rin ni Eve. But then he realized what the three's definitely thinking of. He felt sudden warm rushing all over his face. Gaano ba kadalas at katagal niya tinitigan si Eve?

Shoot. Masyado bang halata?



*~*~*~*~*~*~*


Ngayon ko Lang napansin na nilagay ko pala sa title na "Done" na Yung story 🤦
Ang Tanga lang 😂😂
It's still not done. More to go!

His Little Miss Detective: 3-Day Case Files (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon