"She's one of my bestfriends. Her name is Dennise Michelle Lazaro."
"Well, hindi mo na siguro papakinggan yung kwento namin dahil tragic lang naman siya."
"Pakikinggan ko." sabi niya kaya huminga ako ng malalalim.
"Okay sige..."
.........
Junyo ng taong 2014 hindi na ako sigurado kung anong araw yon, pero araw yon ng page-enroll ko sa bago kong eskwelahan. Bagong eskwelahan, bagong kaklase, bagong mga guro, bagong mga tao, at bagong mundo.
Pero sa pagtapak ko sa bagong mundong ito, hindi ko akalain na makikilala ko ang bagong tao na magpaparanas sakin ng pagibig. Hindi lang basta pag-ibig, yun bang ibang klase ng pagibig? Hindi ko maipaliwanag ng mabuti pero bago ito sakin. Mahigit isang taon at kalahati na ang nakalipas pero sariwang-sariwa pa rin sakin ang mga ala-ala kahit maliit na detalye ng mga al-alang ito, ay nakatatak parin sa utak ko.
Sa araw na ito, hindi ko akalaing ang buhay ko magbabago sa isang iglap. Magi-isang oras na kong nakalinya dito dahil napakarami ng mage-enroll sa eskwelahang ito. Malaki ito kumpara sa dati kong eskwelan na isang building lang.
Nawawalan na ko ng pasensya ng biglang dumaan siya sa harap ko, tandang tanda ko pa ang suot niya, naka white shirt siya at nakapants. Simple lang, simpleng simple lang ang porma niya pero kung maglakad siya parang nakasuot siya ng korona. Lahat ng tao ay napapalingon sakanya na tila ba inaabangan ang bawat yapak niya.
Totoo nga namang napakaganda ng babaeng ito. Nakalampas na siya sakin pero yung mata ko ay nakapokus parin sakanya, para bang siya ay naglalakad na metal at ang mata ko ay magnet na nakadikit sa kanya.
Ngunit nawala ang madikit kong tingin sa kanya ng marinig ko ang pangalan ko na tinawag sa loob ng kwarto ng prinsipal. Kaya naman pumasok na ako at sinagot ang mga tanong ng prinsipal.
Paglabas ko ng kwarto, bit-bit ang registration form na patunay na isa na kong estudyante dito ay lumingon ako sa paligid at nakita ko ang lola ko. Nakita niya akong lumabas na sa kwarto kaya tumayo na ito at sinenyasan na aalis na kami, pero bago ako sumundo sa kanya tumingin muna ako sa paligid at hinanap ang mukha niya, pero hindi ko talaga siya nakita kaya sumunod na rin ako sa lola ko.
Lumipas ang mga araw ay nawala din siya isip ko. Hanggang sa dumating ang araw na tinatawag nilang "Brigada" na kung saan ay tutulong ka na maglinis ng inyong classroom. Makikilala mo na din ang mga kaklase mo at sasabihin na ang schedule niyo.
Pagpasok ko sa malaking eskwelahan na ito, dumeretso ako sa napakahabang bulletin board, at tinignan ang room number ko. Nakasulat sa registration form ko na "Hydrogen" ang section ko. Tinignan ko kung anong room number ng Hydrogen.
"Paano ba to? Hindi ko maintindihan tong number" sabi ko sa utak ko. Medyo nabura na kasi, pero parang 39 siya pero 39 din ang nakalagay sa section Lutethium. "Bahala na nga" sabi ko at pumunta sa room 39. Umabot nako ng isang oras na naghihintay dito pero wala pa din yung teacher. Nagtanong ako sa isang babae na nakatayo din dito at mukhang naghihintay din.
"Uhm, miss? Anong section po dito?" sabi ko.
"Lutethium po." sabi niya kaya nagtaka ako. Nako naman, bumalik ako sa bulletin board at tinignan ng mabuti. Nakatulala lang ako sa bulletin board ng,
"HOY!"
"Ay punyemas!!" napasigaw ako at tinignan kung sino yung nanggulat sakin. Pero napawi ang inis ko ng makita kung sino ito.
"Dindin!" sabi ko at niyakap siya.
"Ly! Kamusta? Dito ka na pala maga-aral" sabi niya pagtapos ng yakap namin.
"Okay naman, ikaw? Oo e, sabi ni pap." sabi ko ng nakangiti. Dati kong schoolmate si Dindin nung elementary. Pero i needed to study sa Manila para sa highschool kaya hindi ako agad naka-enroll dito. Pero dahil my dad decided na dito na lang ulit sa pampanga mag-aral, eto ako ngayon transferree dito sa school nila. Itutuloy ko itong Grade 9 ko dito sa malaking eskwelahan na to.
"Okay lang din, bakit ka nandito sa tapat ng bulletin board at nakatulala?" sabi niya.
"Hinahanap ko kasi yung room ko, kaso hindi ko talaga maintindihan yan." sabi ko at tinuro yung number ng section ko.
"Ayan oh, 39." sabi niya. See pati siya 39, ang sagot.
"Ano yun, same room yung Hydrogen and Lutethium?" sabi ko tapos napaisip siya.
"Oo nga no.. ay mali! 59 yan." sabi niya kaya napatingin ako. Oo nga, nabura lang siguro yung 5, hay nako.
"Siguro nga, thank you Din. Punta nako dun.. ay wait san banda ba to?" sabi ko.
"Okay sige, dadaanan mo yung room 39 tas deretso ko lang. By number naman yan sunod-sunod kaya madali lang mahanap." sabi niya at ngumit.
"Oh pano mauna nako, see you around nalang." sabi ko at ngumiti. Tumango din siya kaya nagumpisa na kong maglakad papunta sa room 59 na akala ko ay 39. Maygahd ang tagal kong naghintay duon.
Naglakad ako ng mabilis kasi isang oras akong naghintay sa room 39 at baka wala na kong maabutan sa room 59. Nakarating ako sa room ng hingal na hingal pero okay lang kasi luckily nagsasalita pa in front yung teacher so pumasok na ko at umupo sa loob.
Tahimik akong nakikinig sa teacher ng bigla niya kong napansin.
"Hi, transferree ka?" sabi niya at nakita kong napatingin lahat sakin.
"Uhm yes po.." sabi ko at nagsmile tapos ay tumingin sa paligid.
Pero nawala ang ngiti ko ng may mahagilap ang mata ko. Bumilis ang tibok ng puso ko, nagwawala ang utak ko, hindi mapakali ang sikmura ko. Ayoko nitong nararamdaman kong to.
Hindi tama ito.
At sa araw na yon, alam kong araw-araw ko siyang makikita at makakasama. At sa araw na din yun, alam kong hindi dapat ako mapalapit sa kanya. Sa ganung klase ng kagandahan alam kong delikado ang magiging kalagayan ko.
So yeah, maiiksi lang din ang chapter dito. Hanggang chapter 10 lang itodahil isa-summarize ko na lang dahil aabutin tayo ng maraming chapter kung ikukwento ko lahat ng nangyari haha. So yeah, 1 down haha. And im working on TMP na, sa mga naghihintay chill lang tayo haha. -Author
