Chapter 2

261 4 1
                                        


                                  "Tay!" binilisan ko ang lakad ko na para bang walang naririnig. Nilakasan ko ang music na pinapakinggan ko para pigilan ang sarili ko sa paglingon.

                                    Pero huli na, naramdaman ko na ang malamig niyang kamay sa braso ko.

                                  "Uy Den! bakit?" pagmamaang-maangan ko na para bang hindi ko alam na hinabol niya ako kanina lang.

                                  "Grabe ka bakit naman kasi lagi kang nakaheadset? Amin na nga yung isa." sabi niya at sinalpak ang isang earplug sa isa niyang tenga. Tinignan ko naman siya ng mabuti, ang ganda niya lang talaga.

                                   "Oh ano pa tinitingin-tingin mo jan? Tara na lunch na tayo." sabi niya bigla kaya nagising ako sa pagpapantasya.. sa kanya.

                                   "Bakit sakin ka sumasama? Wala ba sila Therese?" sabi ko at nagumpisa na kaming maglakad papuntang cafeteria.

                                   "Uhm wala lang, bakit Tay? ayaw mo ba kong kasabay?" sabi niya. Siguro nagtataka kayo kung bakit 'tay' ang tawag niya sakin. Ewan ko kung bakit basta nagaasaran kami ng mga kaklase ko at nagsumbong ito sakin kaya magsimula nun ay tatay ko niya na raw ako.

                                    "Ah hindi naman, nabigla lang ako." sabi ko at nakita ko siyang nagkibit balikat na at nagsimulang kalkalin ang cellphone niya kaya tumahimik na rin ako.

                                   Napaka-bilis ng panahon, 2nd grading na. At napakabilis din ng pangyayari, may mga kaibigan na ako dito, nakakahalubilo ko na rin ang mga kaklase ko, unti-unti narin akong nasasanay sa bagong eskwelan na ito at eto close na kami, alam kong sinabihan ko na rin ang sarili ko na hindi dapat ako mapalapit sa babaeng ito pero ito ata talaga ang plano ng itaas, wala naman din akong magagawa kung eto talaga ang dapat mangyari kaya sumasabay na lamang ako.

                                  "Tay, ayun sila Bea oh." napatigil ako sa pagiisip ng magsalita siya. Gaya ng sinabi niya tinignan ko kung san nakaturo ang daliri niya at nakita ko ang mga kaibigan ko na si Bea at Ella.

                                  "Oo nga no, tara duon tayo." sabi ko kaya naman pumunta kami sa lamesa kung nasan sila.

                                  Kumain na kami hanggang matapos na ang oras ng lunch. 

                                 "Bro, sasabay na ko kila Maddie ha" sabi ni Bea.

                                 "Okay sige, asan si Ella" sabi ko at lumingon sa paligid.

                                 "Nauna na kasama si Maharot na si Alfred." sagot ni Bea at sinuot ang bag niya.

                                 "Oh, okay. Ikaw Den? Di ka pa ba sasabay kay Bea? Pupuntahan niya na mga kaibigan mo." sabi ko. Girlfriend kasi ni Bea ang isa sa mga kaibigan ni Den na si Maddie.

                                 "Hindi na tay, sayo na ko sasabay. Kawawa ka naman e, wala kang kasabay haha." sabi niya kaya inirapan ko na lang siya para matago ang kilig ko. 

                                 "Oh pano ba yan, una na ko bye! See you sa classroom." sabi ni Bea at umalis na.

                                 Nagkuwentuhan pa kami ni Den sa mga bagay bagay. Pinakikinggan ko lang siya sa mga kwento niya about boys, sa mga friends niya, na ayaw niya dati si Ara para kay Mika kasi naiilang siya sa mga Lesbians dati, at pagkatapos ay pinapakanta niya lang ako ng kung ano-ano.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon