Hihintayin ka

45 1 0
                                    


(Kindly play the song sa taas para mas dama. Salamat)


Masaya naman ako sa relasyon namin eh.

Pero habang tumatagal nagsasawa na ako.

Nagsasawa na ako sa mga away namin na paulit-ulit lang.

Nagsasawa na ako sa pagiging over-protective niya.

At higit sa lahat.... Nagsasawa na ako sa patuloy na pang-iinsulto ng mga magulang niya.

Normal lang naman ako eh.

Hindi kami mayaman, pero kaya kaming pag-aralin ng mga magulang namin.

Simpleng buhay lang ang meron ako,,, pero para sa mga magulang niya....

Isang hamak na hampas lupa lang ako.

Nung una, wala naman akong pake sa mga sinasabi ng magulang niya eh.

Kasi alam ko sa sarili ko na mahal niya ako at kahit anong mangyari hindi kami mapaghihiwalay ng mga magulang niya.

Not until nang dumating sa istorya ang Ex niya.


"Stop it Yssa! Ito na naman tayo sa mga away natin eh. Sinabi ko naman sayo na, nakikitira lang sa amin si Marie. Alam mo namang galing siya sa Paris diba? At ang sabi ng parents niya kila Mommy ay sa amin muna siya tumira total magkaibigan naman sila Mommy at ang parents niya."

Halata sa mukha niya yung pagka-irita nung sinabi niya yun.

"May bahay naman sila sa Makati ah. Bat sa inyo pa niya dapat tumira? Ang sabihin niya, may balak lang talaga siyang bawiin ka sa akin."

Kung naiirita siya, ako nabubwisit na.
Ex niya si Marie! At nakatira ito sa bahay nila. Anong gusto niyang isipin ko? Na habang nandun si Marie sa kanila ay hindi siya nilalandi nun?

To think na higad yung babaeng yun at may sobrang pagnanasa sa kanya.

"Ito na naman ba tayo sa issue na to? Mahal kita, ok? Ikaw lang. Wala na kami ni Marie matagal na. Bat ba iniisip mo na may kakaibang nangyayari sa amin? We're over. Tapos na. Wala na. Magtiwala ka naman oh. Yan yung hirap sayo eh. Wala kang tiwala sa akin."

"Bat ganun ka rin naman sa akin ah. Wala ka rin namang tiwala. Yan yung kulang sa atin. Kulang tayo sa tiwala. Mas maganda siguro kung tigilan na natin 'to." asar kong sabi sa kanya

Lumabas na ako ng sasakyan niya. At nagsimula nang maghanap ng taxi pauwi.

Lagi na lang.
Simula nung dumating ang Ex niya, walang araw na hindi kami nag-aaway.
Siguro kung hindi ko siya mahal, matagal na akong sumuko.
Nakakapagod na eh!

Pagdating sa bahay, iyak lang ako ng iyak.
D*amn this life!
Nakakasawa na!
Nakakapagod na.

Ni hindi niya man lang nagawang sundan ako kanina nung umalis ako sa sasakyan niya. Anong klase siya?

Halos buong araw lang akong nagmukmok sa kwarto at umiyak.

~Babe answer my call~
~Babe answer my call~

Narinig ko yung boses niyang sinasabi yan.
Agad akong napatingin sa phone ko.

Tumatawag siya....

Sorry Babe! Kailangan ko muna ng space.

In-off ko yung phone ko at nagsimula na namang umiyak.

Luha, makisama ka naman. Pagod na akong ilabas ka. Pwede bang mamanhid na lang ako? Pwede ba?

Pag Mahal Ka,...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon