CHASING
That's what you do when you love someone. YOU GO AFTER THEM.
Sa panahon ngayon, usong-uso na ang sabong Pride.
Bukod dito, trending din ang #Pachoosy, #Pakipot at lalong lalo na ang #Paasa na nasa top spot trending worldwide!At dahil tayo, gustong-gusto nating sumasabay sa uso.
Nakikihashtag din tayo.
#Pachoosy #Pakipot at #PaasaHayss!
Hindi naman sa lahat ng bagay kailangan nating makiuso.
Kasi kung magpapachoosy ka.... walang mangyayari sayo.
Kung magpapakipot ka.... walang mangyayari sayo.
Kung magpapaasa ka... walang mangyayari sayo.
Oh, anong resulta?
Di walang nangyari sayo.
Iiwan ka pa ng taong nagmamahal sayo.Oh ano? Sa tingin mo nakasabay ka sa uso?
Hindi. Kasi naiwanan ka.Hindi sa lahat ng bagay kailangan mong magpakachoosy at magpakipot.
Kasi hindi lahat ng tao kayang maghintay sayo.
Kaya once na andyan na yung tao, pahalagahan mo.
Hindi ko sinabing sungaban mo agad-agad. Bakit atat na atat ka ba? Kating-kati ganern?
Ang sabi ko lang pahalagahan mo, ingatan mo, i-value mo.
Kasi pagpina-iral mo ang pagpapachoosy at pagpapakipot mo, mawawala yang taong nagmahal sayo ng totoo.Kasi hindi sa lahat naaapply ang kasabihang 'Pag mahal mo, hihintayin mo'
Minsan, kahit gaano mo kamahal yung tao. Kung patuloy siyang magpapakipot mas maganda ng sumuko. Aba'y nakakapagod din noh!
Katatapos lang ng Morning Class ko at nandito ako sa locker para kunin ang libro ko para sa Afternoon Class ko.
Pagkabukas ko ng locker ko.
May pamilyar na papel na naman na nakalagay dito.
As expected galing na naman sa 'secret admirer' ko.Nung unang beses akong makatanggap niyan, aba'y napatawa talaga ako nang sobra.
Biruin mo, uso pa pala yan sa panahon ngayon?Ibang klase!
Kinuha ko ang papel mula sa locker ko.
Inamoy ko yung papel. Ibang klase talaga yung bango ng papel na to.
Hindi siya katulad ng mga karaniwang Scented Paper na nabibili.Pakiramdam ko nga pinapabanguhan niya to eh.
Matapos kung amuyin na naman yung papel, binuksan ko to.
Kahit kailan ang ganda talaga ng penmanship ng 'secret admirer' kong to. Parang printed ang pagkakasulat eh.
Hi Thea,
Buo na naman yung araw ko kasi nakita kita. Ngiti mo pa lang pakiramdam ko di ko na kailangang maglunch pa kasi busog na ako. Siya nga pala goodluck sa pageant. Alam ko namang ikaw yung mananalo eh. Kasi bukod sa maganda ka na, maganda pa ugali mo at matalino ka. Para sa akin isa kang Reyna. Ingat ka-----
Hindi ko na natapos yung pagbabasa dahil may umagaw ng papel mula sa kamay ko.
Inangat ko yung ulo ko para makita kung sino yung kumuha sa papel.
"Tss! Another piece of sh*t again from your f*cking admirer."
Galit na sabi ni Dwayne habang nilulukot yung papel.

BINABASA MO ANG
Pag Mahal Ka,...
RomancePag mahal ka, babalikan ka. Pag mahal ka, hihintayin ka. Pag mahal ka, susundan ka. Pag mahal ka, paninindigan ka. At higit sa lahat Pag mahal ka, ipaglalaban ka. Ikaw, anong kaya mong gawin para sa mahal mo? (Short Stories)