Ilang araw ko nang hindi nakikita si Khen.
Hindi ko alam kung absent ba siya o iniiwasan niya lang na makasalubong ako sa loob ng campus.
Sinubukan kong tawagan siya pero di niya sinasagot. Sinubukan kong itext siya pero di siya nagrereply.
Ano bang problema niya?
Sa ilang araw na wala si Khen, si Dwayne ang kasama ko. Ewan ko kung anong meron pero pakiramdam ko bumabawi siya sa akin.
Ano kayang nangyari sa kanila ni Lara?
Pauwi na sana ako ng makita ko si Khen papalapit sa kinatatayuan ko.
I missed him so much!
Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad siya papalapit nang humarang si Dwayne sa harap ko.
"Andyan ka na pala." sabi niya sabay halik sa labi ko
Nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi ako nakagalaw.
Nang bumitaw siya sa paghalik sa akin ay sinilip ko si Khen.
Naglalakad siya palayo.
"Lets have a date."
"Dwayne, busy ako ngayon. Bukas na lang sige mauna na ako."
Agad akong pumunta sa direksyon na pinuntahan ni Khen.
Sh*t! sh*t! asan na siya?
D*mn it!
Hindi ko na siya nakita.
Kinabukasan maaga akong pumasok.
Pumunta ako sa locker para kumuha ng libro.
Pagkabukas ko ng locker ko, may pamilyar na papel ang nalaglag.
Ngayon na lang ulit siya nagpadala.
Agad kong binuksan ito at binasa.
Dear Thea,
Hindi ko alam kung anong meron sayo para tumibok nang ganito ang puso ko. Noon ang gusto ko lang eh makita ka. Pero habang tumatagal ginusto ko na ring makausap ka. Ginusto ko ring makilala ka pa at makilala mo rin ako.
Nung araw na nasa field ka at muntik nang matamaan ng bola. Yun yung araw na sinabi ko sa sarili ko na ititigil ko na ang pagpapadala ng sulat sayo. Yun din yung araw na sinabi ko sa sarili ko na hindi ko na kayang mahalin ka sa malayo. Nung araw na yun, gusto ko sanang magpakilala sayo. Gusto kong sabihin na ako nga pala si 'secret admirer' mo. Pero di ko inaasahan ang nangyari....
Papalapit na sana ako sayo nun para makapagpakilala nang makita ko ang bola ng soccer na papalapit sayo.....
Binilisan ko yung takbo ko at sinalo yung bola na para sayo. Oo tanga na kung tanga, pero kasi mahal kita! Ayokong makitang nasasaktan ka.
At hindi rin ako nagsising ginawa ko yun. Kasi dahil dun naging magkaibigan tayo.At oo, magkaibigan lang. Masakit pero anong magagawa ko, kung kaibigan lang ang kayang i-offer mo.
At siguro naghahangad na ako ng sobra kung gustuhin ko pang maging tayo.Masaya ako Thea....
Masayang-masaya ako kasi nakilala mo ko.
Mas lalo pa kitang minamahal bawat araw.
At nasasaktan ako kasi hindi ko masabi sayong niloloko ka ng boyfriend mo.
Matagal ka na niyang niloloko, pero sarado ang puso mo. Sarado ang mata mo at sarado ang tenga mo.One time pa nga, habang nasa mall tayo muntik mo nang mahuli yung boyfriend mo, pero pinigilan kita. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun, siguro kasi kagaya nga ng sabi ko. Ayakong makitang nasasaktan ka.
Sa sobrang pagmamahal ko sayo, gusto kong alisin yung sakit sa puso mo nung panahong nahuli mo na yung panloloko sayo ng boyfriend mo.
Nagpagamit ako sayo....
Alam ko sa sarili ko na sa huli ako lang din naman yung masasaktan.
Alam mo Thea ang sakit.... ang sakit sakit pala...
Hindi ko inakala na ganito kasakit.Akala ko mapapalitan ko na yung boyfriend mo sa puso mo pero di pa pala.
Maraming salamat sa lahat ah.
Maraming salamat kasi nakilala kita.Siguro sa oras na nabasa mo to, papunta na ako sa Paris.
Ingatan mo yang puso mo ha, kasi wala ng mag-aalaga dyan kundi ikaw na lang.
Nga pala Mahal na mahal kita <3
From your 'secret admirer' KHEN
Biglang tumulo ang luha ko.
All this time bat di ko nahalata na siya yung admirer ko.Yung pabango niya... at yung pagtawag niya sa akin ng Thea.
No! Hindi ko kayang mawala siya.
Si Khen, siya yung tunay na nagmamahal sa akin.
Si Khen yung tunay na mahal ko.Khen, kung papipiliin mo ulit ako kung sino sa inyo? Ikaw! Ikaw ang pipiliin ko.
I'm so sorry.
1 week na ang nakalipas ng umalis si Khen.
Nilinaw ko na rin ang lahat kay Dwayne at sinabi kong ayoko na.
Nirerespeto niya naman ang desisyon ko kaya binitawan niya na ako.
Andito ako ngayon sa Paris Charles de Gaulle Airport.
Alam niyo kasi Pag mahal niyo, susundan niyo.
Wala, mahal ko eh.
Kung sumuko na siya, pwes ako naman ang lalaban.
Naghanap ako ng masasakyan papunta sa address na binigay ng mama ni Khen sa akin.
Pumunta kasi ako sa bahay nila para humingi ng address niya dahil balak ko siyang sundan.
Pagkarating ko sa lugar, huminga ako ng malalim.
Kaya ko 'to! Kaya mo yan Althea!
Nagdoorbell ako sa bahay. Pagkabukas ng pinto bumungad sa akin si Khen na gulat ang mukha.
"Surprise!"
Yinakap ko siya.
"Ba-bat nandito ka?"
Di siya makapaniwala haha."Alam mo kasi Pag mahal mo, susundan mo."
Siguro tama na siguro yun para maintindihan niya kung bakit ako nandito noh.
THE END

BINABASA MO ANG
Pag Mahal Ka,...
RomancePag mahal ka, babalikan ka. Pag mahal ka, hihintayin ka. Pag mahal ka, susundan ka. Pag mahal ka, paninindigan ka. At higit sa lahat Pag mahal ka, ipaglalaban ka. Ikaw, anong kaya mong gawin para sa mahal mo? (Short Stories)