Annaliza's Pov;
Papasok ako sa ni-rent kong room at ni-Lock ko ang pinto para di makasunod sila Matt, Mau and Ari.
Gusto kong mapag-isa. Gusto kong umiyak ng umiyak at mag wala. Gusto kong sumigaw ng malakas kaso ayokong marinig nila ako. Ayokong isipin nila na weak ako deep inside.
Nasasaktan ako ng sobra! Sino ba namang hindi diba!? Makita mo yung lalaking mahal na mahal mo na may kalandiang iba. Masaklap pa pinagpalit ka nya sa mukhang paa. Ang unfair naman! Mabait naman ako kahit ganun ako kataray! Kumpara naman kay Angelica! Masama na nga ang mukha, masama pa ang ugali. Ano bang meron sya na wala ako!?
Sabi nya sa akin seryoso sya sa relasyon namin at mahal nya ako't hinding-hindi ako lolokohin. Nasan na yung mga pangako nyang yon? Bakit nawala na parang bula!? Ang sakit sobra!
Second year ako nung nagkaroon ako ng First Boyfriend. Sikat sya sa school. Gwapo, badminton player, basketball ang volleyball player at dancer. Nasa kanya na nga ang lahat actually eh’ kaso babaero naman sya. One year level lang ang agwat naming dalawa.
Tapos ngayong si Patrick, this January ko lang sinagot. Sya lang yung ini-legal ko kay daddy kahit na umabot kami ng one year ng first boyfriend ko. May na ngayon at nung April sya parang nanlamig saakin.
Last convo namin eh’ about sa ... s*x ... niyayaya nya ako, eh’ kaso kahit ganito ako may respeto parin ako sa sarili ko. Hindi ko basta-basta ibibigay ang sarili ko. Hindi naman ako "Easy" eh’. Baka nga doon ang dahilan.
Inihinto ko ang sarili ko sa pag-iisip. Kinuha ko ang champagne sa refrigerator at uminom mag-isa. May kumakatok sa labas pero di ko pinapansin. Tumatawag sina Mau at Ari sa phone pero diko sinasagot. Ayoko lang. Ayoko lang yung makita nila yung weak side ko. Basta ako ngayon, mag lalasing lang. Susubukang kalimutan ang nangyari. Masakit.. oo. Sobrang sakit. Mahal na mahal ko si Pat. Obvious naman kasi sya lang yung pinakilala ko kay dad na "first boyfriend kuno" ko kahit hindi naman talaga sya. Kase proud ako at mahal ko sya. Pero hindi ko akalain na.... hindi ko pa pala sya ganon ka kilala.
Ayoko na talaga mag isip-isip! Uubusin ko na lang tong iniinom ko at magpapahinga. Namamaga na siguro tong mata ko kakaiyak. Hindi na rin ako makahinga ng maayos. Basta bukas, maaga akong gigising at uuwi sa manila. Miss kona si daddy. Mag oopen ako sa kanya sa lahat ng nangyari. Uubusin kona lahat ng luha ko dito para pag nakaharap ko si daddy, hindi ako iiyak. Ayoko mag mukhang kawawa. Ayoko.
•••••Nandito na ako gate ng bahay namin. Nagpasundo ako sa mga tauhan ni daddy. Busy kasi sya, may work kaya baka mamaya pa makauwi. Sabi ko maaga ako gigising, jusko mag 9am na nung magising ako. Wala na yung mga school mates namin at kami na lang nila Mau, Ari at Matthew ang nandoon. Unexpected ko yun na pati si Matt naghintay. Hahaha.
Pumasok na ako sa loob at nakasalubong ko si yaya belen. Sya yung laging nagaalaga sa akin. Bata pa lang ako. Para ko na syang mama, ganon.
Nagpaluto ako ng favorite kong lasagna sa kanya.
Umakyat ako sa kwarto at nagmasid-masid ako. Tinignan ko yung album na mga pictures namin ni Pat sa tabi ng bed ko . Nakakaiyak lang pag naalala ko. Bumaba ako at kumuha ng malaking box at umakyat ulit.
Nilagay ko doon ang mga pictures namin ni Pat kasama yung mga stuffed toys na binigay nya sa akin. Pati rin yung promise ring na binigay nya nung first montsary namin at necklace na heart ang pendant nung second montsary. Hinubad ko na at inilagay sa box. Tunay at mamahalin yung dalawang yon at pwedeng isanla. Kaso wala naman akong pake. Tapon ko nalang.
![](https://img.wattpad.com/cover/51963095-288-k228715.jpg)