Chapter V - Savior

73 17 3
                                    

(Kryzelle's P.O.V)

"Class, kindly copy anything on the board. I'll be checking all your notes later"

Tss .. Seriously ?! Ang dami kaya ! Binuksan ko ang bag ko para kumuha ng notebook at -- where's my pen ? Tss mukhang naiwan ko nanaman sa bahay . So anong ipangsusulat ko neto ? Saliva ? Eww ! Tumingin-tingin ako kina Flora baka may extra sila .. kaso ang layo nila sa upuan ko tss

"Hey, do you have extra pen ?"

Tanong ko kay Dylan na nakaupo lang naman sa likod ko. Siya na yung pinakamalapit eh. Katabi na lang rin si Racquelle pero for sure di rin naman siya magpapahiram.

"Huh ? Wala ata . Lapis na lang"

"Ok"

Tss where can I Borrow a-- eh ? Biglang may pumatong ng pen sa table ko .

"Sauli mo mamaya"

Ngumiti na lang ako habang kinukuha ang pen na nilapag ni Zack sa desk ko . Hindi siya nakatingin sakin at diretso lang siya sa pagsusulat na parang nagcoconcentrate . Eh ? I didn't expect he has this kind of side.

***

Aish masakit na talaga kamay ko ! Mabuti na lang malapit nakong matapos . Tumigil muna ako sa pagsusulat baka masira na ng tuluyan tong nail polish ko. Napatingin ako sa right side ko kung saan nakaupo si Zack . Mukhang tapos na sya sa pagsusulat. Waring nakatuon lang siya sa binabasa nya, well ang binabasa niya lang naman ay ang notes niya . Fine ! Edi siya na masipag mag-aral ! Binalik ko na lang ang tuon ko sa sinusulat ko baka mapagalitan nanaman. Makita pako nina Racquelle ,isusumbong nanaman kina mommy psh. Sulat sulat sulat.. Done !! Yehet ^-^ Pagkatapos kong magsulat, binalik ko kaagad ang notes ko sa bag ko then kinalabit si Zack para isauli tong pen niya

"Pst ! Here's your pen"

Hindi niya ako pinansin at makatuon pa rin sa binabasa nya. Geez.. di ako sanay na iniignore ! Tinusok-tusok ko siya ng pen but still no effect.. then he grab my hand and pull me to his arm. So ang position ko ngayon parang nakahiga sa braso niya .. geez mahilig ba talaga syang mambigla ?! And what kind of superglue did he use at parang hindi ko na maigalaw ang ulo ko paalis sa braso nya ?! I just find myself comfortable here and feeling ko parang gusto kong matulog sa braso niya kahit di naman ako inaantok... ngayon lang. Matutulog na lang siguro ako. So what ? He's my boyfriend naman so there's nothing wrong if I'd sleep here . Nakahawak pa rin ang kamay niya sa kamay ko at nakita kong nagbabasa pa rin sya. Ganyan ba talaga sya kaconcentrate ? Pipikit na sana ako nang bigla siyang magsalita

"Alam kong malambot ang braso ko pero pesensya na babe . Nandyan  na proffesor natin"

Psh ! Panira ng tulog eh

"Did you all finished your notes ?"

"Yes miss"- chorus

"I'll check it one by one to be sure. For those who didn't copy will get a punishment"

Ganyan siya ka strict . Kaya ko nga tinapos ang pagsulat kahit masakit na sa kamay. Inisa isa nya lahat ng notes namin . Nung umabot na siya sa pwesto ni Keith, as usual napagalitan nanaman siya. Lagi na lang siya di kumukopya kaya laging napaparusahan.

"Mr. Almarquez , wala ka talagang kadala-dala ! Get out of this room ! NOW !" Galit na galit na saad ng teacher namin

"Fine"

Tila cool na cool pa rin siyang naglakad palabas at nakapamulsa pa. Napailing na lang ako. Nakarating na siya sa likod namin kung saan nakaupo sina Dylan.

"Very good Dylan. You never failed me"

Hay. Minsan naiisip ko kung teacher's pet ba siya. He's the top student of science subject kaya hindi na ako nagtaka nang makatanggap man siya ng compliment mula sa science teacher namin. So since nasa likod ko lang naman si Dylan, ako na next. By pair kasi ang sitting arrangement namin. Binigay ko sa kanya ang note ko at agad niya namang kinuha yun. Nagulat na lang ako nang marahas nyang inilapag sa desk ko ang note ko.

Two Cassanovas UNITE ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon