Chapter VI - Conffesion For Juliet

58 16 0
                                    

(Kassandra's POV)

"Miss, nagmamadali ka ata?"

"Yes, so get the hell out of my way"

"Kung ayoko?"

"Psh. Stupid" bulong ko

Tumakbo ulit ako at dumaan sa gilid niya at nilagpasan siya. I really hate these kind of guys. Naramdaman ko na sumusunod siya sakin kaya binilisan ko ang takbo ko. Naramdaman ko na din na tumatakbo na rin siya dahil sa mga yapak na narinig ko kaya mas lalo kong binilisan ang takbo ko. Pagod na ako kakatakbo pero pinilit ko ang mga paa ko at makarating agad sa bahay ni Kryzelle. Malapit lang naman ang bahay niya pero bakit parang ang layo na ngayon?! Argg ! I really hate this damn feeling. Nang makarating ako sa bahay niya, agad akong nagdoorbell. God Kryzelle ! Bakit ang tagal mong lumabas?! Kapag may nangyaring masama sakin dito, ikaw ang sisisihin ko ! Tch !

"Naabutan din kita, miss. Nakakapagod yun ah?"

Ngumiti siya ng nakakaloko sakin kaya inirapan ko siya. Hahawakan niya sana ako pero umatras ako.

"Don't even dare to touch your stupid dirty hands on me moron. I'm warning you" pagbabanta ko.

"Woah relax. Yan ang gusto ko sa mga babae, matapang"

Nginitian niya ako ng nakakaloko kaya nairita ako. Hindi ko dapat ipakita sa kanya na natatakot ako.

"Really?" I said sarcastically.

Lumapit siya sakin kaya mas lalo akong kinabahan. Nang makalapit na siya, nagkaroon na ako ng chance para sipain siya mismo sa censored part niya kaya namimilipit siya sa sakit ngayon.

"Good for you moron"

"Araaaaay ! Buwisit kang babae ka!" Sigaw niya habang nakahawak sa censored part niya.

"I know" sabi ko at binelatan siya

Sinubukan niya na tumayo para lapitan ako pero hinawakan ko siya at sinuntok ng malakas kaya para siya ngayong baby na natutulog. Hindi nga lang siya cute. Mabuti na lang at pinilit ako ni daddy noon na mag-aral ng taekwando kahit ayaw ko. Now I see the benefits of it. Nandidiri nga lang ako ngayon kasi hinawakan ko siya. Eww.. Hindi ko inakalang hinawakan ko siya. Grr..

Nagdoorbell ako ng nagdoorbell dahil hindi parin lumalabas si Kryzelle at naiinis na'ko.

"Ang tapang mo pala. Tutulungan sana kita kanina pero mukhang naunahan mo akong patulugin siya."

May narinig akong nagsalita kaya napalingon ako. Tch. Naiinis na nga ako, may dumagdag pa. Great life.

"Are you stalking me?!" Naiinis na tanong ko.

He's smirking at me kaya lalo lang akong nainis. Nakita ko pa lang ang mukha niya, naiinis na'ko. Siya yung hinayupak na bastos na lalaking humalik sakin before.

"Woah. Masyado akong gwapo para diyan. Napadaan lang ako."

"Ok"

Tinalikuran ko siya dahil naiinis talaga ako sa pagmumukha niya. Yabang. Oo may itsura siya but that's not a rightful reason to be boastful. Mas lalo lang akong nainis.

"Mukhang naiinis ka na kaya aalis na ako"

"That would really be a great relief to me. Go on. Lumayas ka na." Sabi ko nang hindi siya nililingon.

Narinig ko na lang ang mga yapak niya paalis kaya medyo nawala ang inis ko. Sakto namang bumukas ang gate ng bahay nina Kryzelle. At humarap sakin si Kryzelle.

"What the hell?! Bakit ngayon ka lang lumabas?!" Bungad ko sa kanya.

"Sorry. Something just came. What do you need?"

Two Cassanovas UNITE ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon